PRIMROSEINSIDE THE MANSION OF CULLEN
Pumasok na kami pareho ni Aunt Cray sa loob, tumaas lahat ng balahibo ko, nakakakilabot ang loob nito, at hindi ko maiwasang matakot , looks like a medieval castles or an abandoned Mansion. Lumang luma na kasi ang mansion. Pati ang paligid balot na balot ng iba't ibang wild plants.
May napansin akong garden, napangiwi ako dahil hindi naman mukhang garden, napakasukal nagmumukhang gubat sa dami ng damo, idagdag mo pang hindi ma arawan ng sinag ng araw dahil sa mga matatayog na puno, ang dilim.
Naramdaman ko ang pagsisisi, bakit ba ako nag paiwan tanong ko sa isip ko, may pagka misteryoso ang lugar na ito, kung alam ko lang na ganito nag pa iwan nalang sana ako s condo ng kaibigan ko.
Si Aunt Cray daw ang may Ari ng Bahay, siya ang caretaker, kaya it's okay na dumito muna ako, ang layo ng bayan na ito sa amin.
Maluwag ang loob ng bahay, iba sa inaasahan ko, walang masyadong gamit sa loob, mga mga kunting furniture na luma na at yong iba natatakpan ng tela. Napatingin ako sa staircase na papunta sa pangalawang palapag ng bahay, napakadilim , masyadong madilim malayo sa liwanag ng isang bahay , natatakpan din ang mga bintana ng subrang makakapal na kurtina kulay itim din what the hell.
Nasa tabi ko na si Aunt Cray, mataman niya akong pinagmamasdan. Then she immediately throw me some details.
" Bawal ang maingay, you can use all the things inside the house, nasa ikalawang palapag ang kwarto no, sa pang limang pintuan sa kaliwa, isa lang ang gusto ko, sundin mo ang lahat ng utos ko, bawal ka ding pumasok sa mga ibang kwarto, don't even try opening a door na naka lock--
Biglang nag pause si Aunt Cray na para bang may nakalimutang sabihin, . " Don't go Anywhere, wag kang pumanhik sa ibang floor ng bahay.
Bumakas ang pagkalito at pagtataka ko pero agad ko ding tinago dahil napakunot ang noo niya.
Tumango ako. " Sige po Aunt Cray ".
Tumango din si Aunt Cray bilang sagot.
" Then you may now rest I know your tired , ipapatawag nalang kita kapag kakain na "Iniwan na ako ni Aunt Cray , diretso itong pumasok sa isang pintuan, hindi ko alam kung ano yon. At tulad ng sinabi niya, pumanhik na ako sa second floor ng mansion at kahit ganito ang sitwasyon, Hindi ko maiwasang mamangha sa karangyaan ng mansion kahit ganito ang itchura.
Napapaisip tuloy ako kung mangkukulam ba si Aunt Cray at ganito ang bahay niya. Hahaha.
-------
Lumipas ang isang araw ko dito sa lugar na pinag iwanan sa akin nina Daddy at Mommy, kumusta na kaya sila, at saan sila namalagi?
Isa pang napansin ko sa mansion ay wala man lang ibang taga silbi, Hindi dahil gusto ko ang pinagsisilbihan, nagtataka lang ako, sa laki ba naman ng bahay si Aunt Cray Lang ang nag aasikaso ng lahat? Or pwede ding Hindi niya afford ang katulong. Umarangkada na naman ang pag ka taklesa ng utak ko.
Minsan natanong ko si Aunt Cray.
" Aunt Cray, tanong ko habang nag susulat siya sa mesa niya, the truth is Hindi pa ako komportable sa kanya kahit mukha siyang mabait. " Nag iisa lang po ba kayo dito sa mansion? Paano niyo po nagagawang linisin Ito? " nagsisisi ako that time na nagtanong pa ako.
" Ayuko ng may ibang tao sa pamamahay ko, pili lang ang pinapapasok ko sa pamamahay ko Primrose "
Nagbaba ako ng tingin, at napatango.
Mabuti nalang at pumayag si Aunt Cray na dumito ako.
Mas pinili ko nalamang manahimik kahit gusto ko pang magtanong.Kinagabihan, naglalakad ako sa hallway papunta sa kusina, gutom na kasi ako, habang naglalakad pababa ng hagdan, isang Malaking frame ang naka agaw ng attention ko sa mismong side ng hagdan , natatakpan any ilang bahagi ng frame kaya hindi ko alam kung ano ito.
Malapit na ako sa pinakahuling staircase, nang biglang malaglag ang nakatakip na tela sa frame, pumanhik ulit ako at pinulot ang tela, pero napatigil ako sa nakita ko.
Ang Frame ay may larawan , kupas na ito pero naaaninag parin , lalaki ang nasa frame, tingin ko same age kami , napakaseryuso ng mukha niya, tila hindi alam ang ngumiti, he was wearing a formal attire, and you can see to it the way he was raise. Full of confidence and authority. Para bang siya ang Hari sa lugar na Ito.
Hindi lang iyon ang talagang naka agaw sa akin ng pansin. Nilapitan ko ng mas malapit ang frame, my eyes is fixed to his eye , seem like it was flickered, gumalaw ata o hallucinations ko lang? Parang totoong mata ng tao ang pinagmamasdan ko, ang ganda ng mga mata niya, may ganito palang mga mata? His eyes , parang metal- the color of gold, naka contact lenses kaya? Wow ah..
Teka? Sino kaya siya? Anak kaya siya ni Aunt Cray?
Kung ganon? Maaring pinsan ko siya.....
Sa sobrang dami ng gusto kong itanong, nadadagdagan pa sa loob ng ilang araw ko nang pananatili dito, hindi nawala sa isip ko sina mommy at daddy, kumusta na kaya sila? Hindi ko maiwasang mag alala.
Hindi ko pa natatanong kay Aunt Cray kung anak ba niya ang nasa frme, Kung sino yon? Kung ka ano ano niya? Anak ba niya? O artista sa lugar nila? Gusto ko ding itanong kung bakit Hindi ko pwedeng iwan na nakabukas ang pinto ko at bintana ng aking kuwarto.
Wala siyang explanation... basta ayaw daw niya ng hangin , baka ayaw ng liwanag ? Baka nga mangkukulam si Aunt Cray. Pati sa mga gamit na iba bawal ko pakealaman. Pati yong ibang mga nakasabit na frames na naka taob at naka tiklop bawal galawin.
Hanggang ngayon, wala parin akong alam tungkol sa lugar na ito ang bayan ng Cullen , Wala na akong nakikitang iba kundi si Aunt Cray-
Natigilan ako ng may gumagalaw sa loob ng closet ko, ano naman kaya? Siguro daga, nilapitan ko at dahan dahan na binuksan ang pinto ng closet, hinawi ko ang mga damit nang biglang may tumalon at dahilan ng pagkaka tumba ko sa sahig.
Napasigaw ako ng malakas dahil sa subrang gulat ko, nakapikit pa ang mga mata ko habang tinutulak ang kung sinong nasa ibabaw ko!
" Get off me!! Get off me!!! Paulit ulit kong sigaw habang tinutulak siya...
Hindi parin gumagalaw ang bagay na nakadagan sa mismong tiyan ko, ayukong ibuka ang mata ko..
Baka isa itong halimaw----
" Meow "
What???
May narinig akong mga yabag palapit sa kuwarto ko, bumukas ang pinto at niluwa nito si Aunt Cray na , nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa bagay na nasa ibabaw ko.
" Pasensya ka na Primrose, Akeyxa! Umalis ka diyan! "
Gulat akong napatingin sa malaking Pusa na nag ngangalang Akeyxa , " Meow " bumaba ang Puting pusa mula sa ibabaw ko at naglakad palabas ng kuwarto ko pero bago yon, bakit parang nakita kong ngumisi ang pusa?
Tinulungan akong makatayo ni Aunt Cray.
" Pasensya ka na kay Akeyxa, makulit kasi yon kung saan saan napapadpad "Mailap ang mata niyang sabi sa akin, dahil gulat pa ako, hindi ako makasagot ng tama.. sigurado ako sa nakita ko ngumisi at umirap ang puting pusa sa akin!!!
******
A/N
Hello ^^ Kumusta? Leave a comments or vote po pasensya na slow Update busry lang kasi. Baka mamaya ud ko sa TLLL stay tune. Kamsa! Love lots.
![](https://img.wattpad.com/cover/64078111-288-k414980.jpg)
BINABASA MO ANG
PURE BLOOD ( On going )
FantezieMy Family we're new comer to Cullen Barnaba. Hindi ko alam kung bakit kami lumipat sa lugar na ito. Ang alam ko lang ay nagtatago si Daddy sa mga serial Killer na gustong pumatay sa kanya, pati kami ni Mommy nadadamay sa gulong napasok ni Daddy. A...