Chapter Five

251 9 0
                                    


"SAAN DAKO na ba ng Pilipinas ang napuntahan mo friendship?" mariing tanong ni Shirley kay Katie habang nakatitig ito sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatulala kaya hindi na niya naintindihan mabuti ang huling sinabi ng kaibigan niya.

"Ano na nga ba ulit yun bestfriend?" pagbabalik-tanong niya sa kaibigan

"Sabi ko mukhang malalagas na talaga tayo, hindi ba't nagsimula na ang deal nila Warren at Abby na ten dates? Tapos ikakasal na si Aya. Kawawa naman tayong dalawa"

Oo nga pala at nakikipagdate na muli si Abby kay Warren. Himala na napapayag ni Warren ang ex-girlfriend nito na kaibigan nila pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Ang arte mo Shirley ha, may Nathan ka naman. Hindi ba't ako dapat maawa sa sarili ko?"

"Naku! Wala akong mapapala sa lalaking iyon. Maraming babae iyon eh tsaka hindi kami talo nun, bestfriend ko lang talaga si Nathan" wika nito na nangalumbaba at kagaya niya ay tumanaw na rin sa labas ng glass window

Nasaan na nga ba ang dating siya? Bakit sa kanilang apat siya ang unang-unang lumakas ang enehiya sa mga lalaki pero siya pa ata ang mahuhuli? Hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ni Shirley dahil hindi naman iyon ang ipinapakita ng kaibigan niya. Action still speaks louder than words. At isang malaking batayan na iyon para masabi niyang mauuna pa ata talaga si Shirley sa kanya. Iyon ay kung mauumbog lamang ng maaga si Nathan. Hay, kawawa naman talaga ako

Nang magsawa ay nagpaalaman na rin siya sa kaibigan niyang si Shirley. Naki-lunch nanaman kasi siya sa restaurant nito kapalit ng dress na hinihingi nito sa kanya. Kakaiba talaga silang magkakaibigan, masyadong kuripot pagdating sa isa't-isa.

"MARIN, PASUKATAN naman si Mrs. Gellova" pag-uutos niya sa isa pa niyang tauhan bago dumaretso sandali sa loob ng opisina niya. Uminom siya ng tubig at sandaling ipinigit ang mga mata para makapagrelax. Matapos lang siya sa mga nakaambang na trabaho sa kanya ngayong linggo ay magpapahinga talaga siya ng bonggang-bongga.

"Alam mo mas magiging maayos ang buhay mo kung hindi mo pinapagod ng ganyan ang sarili mo" nabuga agad ni Katie ang iniinom niyang tubig ng marinig ang pamilyar na boses na iyon

Mabuti na lamang at wala siyang nabasa na kahit ano na nasa harap niya. Nang mapunasan niya ang bibig ay agad niyang hinarap ang lalaki na mariing nakamasid pa rin sa kanya.

"That is wow" wika pa nito na tinutukoy ang naging reaksiyon niya

"Ano nanaman ba kasing ginagawa mo rito? At sinong nagsabing pwede kang pumasok dito?" nakasimangot na wika naman ni Katie sa binata

"Iyong empleyada mo, masyado kasing nabighani sa kaguwapuhan ko kaya pinapasok na ko" proud pa na saad nito pagkatapos ay umupo sa harap niya

"Kakaiba talaga ang confidence mo kahit kailan!" sarcastic na sagot niya rito

"Hindi naman sapat lang" kalmado pa ring wika nito na ikinaasar lalo niya

"Alam mo, huwag mo masyadong lukutin ang mukha mo kapag nakikita mo ko. Kulang nalang kasi umusok iyang ilong mo para masabi kong nabibwisit ka na nga sa'kin" suhestisyon pa nito sa kanya na ikinainis na talaga ni Katie

"Get out Francis..." mahinahon pa niyang saad dito

"Why?" prente pa ring tanong ng binata

"Just please, get out!" wika niya na turo-turo ang pintuan

"Okay, okay, Easy lang Kati. Ibibigay ko lang naman sa'yo 'tong vitamins na ipinareseta ko pa kay Kuya. Sabi ni Abby, you need this"

"Well then, thank you! Maraming salamat! Arigato gozaimas'! Ngayon okay na ba? Pwede ka nang umalis? and by the way it's Katie, pronounce as Key-ti and spelled as K-A-T-I-E" bigkas niya kay Francis

Tumayo na rin ang binata sa harap niya at nagkibit-balikat lang habang daretso na naglakad papunta sa pinto ng opisina niya

"Ah before I forgot, Meron ka ba ditong Hello Kitty na underwear Ms. KEEEYYYYTIII? May reregaluhan lang sana ako" saad nito na napatigil sa may pinto niya

Hindi na niya napigilan na batuhin ito ng isa sa napulot niya sa mesa ngunit nang-aasar na naiwasan pa iyon ng binata. Kutong-lupa!

A War Like LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon