Chapter Nine

319 11 0
                                    


"WWWHAATT? Anong nangyayari?" kinakabahan na saad ni Katie sa nangyayari sa usb niya

Kanina pa kasi niya sinusubukan na ayusin ito pero bukod sa hindi na ito gumagana ay muntik pa mapasukan ng virus ang laptop niya. Salamat na lamang sa anti-virus niya at madaling nahaharang ito

"O bakit Kate? Anong problema mo diyan? Paskong-pasko para ka nanamang sinapian" saad sa kanya ni Shirley na kakalabas lamang ng banyo

Maging si Abby ay napatingin na rin sa kanya. Kakauwi lang kasi nila galing sa pag-iikot sa Tokyo kasama ang tatlong lalaking nagsilbing mga tour guide nila pero ang totoo ay mga wala rin namang alam.

"Eto kasing usb ko, ayaw ng gumana at ang daming virus pa!" naiiyak na wika naman niya sa mga kaibigan

Dinala niya iyon para kahit papano ay may magawa siyang trabaho kahit nasa Japan siya pero ano nang gagawin niya ngayon? Wala na ang mga files na kinakailangan niya? Naiiyak na talaga siya.

"Hindi ba't kakagamit lang ni Francis niyan kanina? Right Shirley?" si Abby

"Oo nga, hawak niya iyan kanina tapos ipinabalik pa nga niya sa akin sa bag mo. Sabi niya pinahiram mo daw siya" pagpapaliwanag naman ni Shirley na ikinagulantang ng isip niya

Ang lalaki iyon! Arhg! Wala na itong ginawa kung hindi sirain ang araw niya!

"Ayoko na! Nabibwisit na talaga ako!" napahigang sigaw niya sa kama

"Bakit? Ano ba talagang nangyari?" nag-aalalang wika na sa kanya ni Abby na nilapitan na rin siya, maging si Shirley ay lumapit na rin sa kanya

"Ang lalaking iyon, siya ang sumira sa usb ko. Ginamit niya ang pagiging matalino niya sa technology para magantihan ako! Wala na ang mga files na dinala ko pa naman para magawa rito! Sira na ang usb ko" pagmamaktol pa rin niya

"Meron bang mga files na naapektuhan na sa usb mo lang nakalagay?" pagtatanong ni Shirley

"Wala naman, nakasave rin lang naman sa desktop ko sa opisina yung mga files pero kasi wala namang dahilan para sira—" naputol niya ang sasabihin ng may maalala

Oo nga pala at nakasave sa usb niya ang scandal ni Barney. Siguradong iyon ang naging dahilan para sirain nito ang usb niya.

"Ang buwisit na lalaking iyon!" nanggigil nanaman na wika niya

Magre-react pa sana ang mga kaibigan niya kaya lamang ay may kumatok sa pinto nila. Si Abby na ang nagbukas ng pinto at mula sa loob ay rinig na nila ang pagbati ng mga lalaking iyon.

"Merry Christmas!" sabay-sabay na wika nito

Pinatuloy naman ni Abby ang tatlong lalaki at ito na ang nagpadeliver ng pagkain sa kwarto nila. Ang kutong-lupang Francis na iyon halatang nakahinga na ng maluwag. Bakit nga naman hindi? Nasira na naman nito ang tanging kopyang dala niya ng kahihiyan nito sa Japan.

Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na ang selebrasyon ng pasko nila. Siya lang naman ang buwisit na buwisit sa presenya ng lalaking ito na nasa tabi niya. Halata naman kasi na masaya si Shirley sa bestfriend nitong si Nathan, kalmado rin lang naman kahit papano gumalaw si Abby kapag nasa harap si Warren kahit ang loob nito ay hindi na rin maipaliwanag ang nararamdaman.

Pagkatapos namang kumain ay nag-spin the bottle sila bilang mapaglilibangan. Kung sino ang matapatan ng bote ay siya ang kakain ng wasabi na iyon na nasa harapan nila.

Unang natutukan si Warren at pinaunlakan naman ng doctor na kumain nito. Sumunod ay si Shirley pero bago pa man mahawakan ni Shirley ang kutsara may 1/4 na laman ng wasabi ay hinawakan at sinubo na iyon ni Nathan

A War Like LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon