Chapter Eight

275 10 0
                                    


KASALUKUYANG tinatapos na ni Katie ang lahat ng mga bagay sa boutique niya kabilang na ang gown na susuotin nila sa kasal ni Aya sa Japan . Napagdesisyonan kasi nilang magkakaibigan na sa kasal ng bestfriend nila ay magbabakasyon na rin sila ng dalawang linggo sa bansa nito. After all, magpapasko na rin naman. They also deserve a vacation! Kaya naman kahit sa dami ng kailangan niyang gawin ay successful na natapos niya itong lahat.

Wala na rin naman kasi siyang iniintindi. Dalawang linggo na rin naman ang lumipas simula ng huli silang magkita ni Francis. Tahimik na muli ang mundo niya dahil kahit anino nito ay walang nagpapakita sa kanya. Sa totoo lang ay masaya na rin siya sa ganito. Hindi na rin naman nagpaparamdaman ang binata at busy rin siya sa negosyo kaya nailalayo niya ang sarili sa ganoong isipin.

"Ma'am, may tawag po kayo" iniaabot sa kanya ni Anna ang nagri-ring niyang cellphone. Iniwanan nga pala niya ito sa loob ng opisina niya kanina.

"What's up?" bungad na tanong niya sa kaibigang si Abby na nasa kabilang linya

"Hey Katie, pinapatanong ni Shirley kung okay na daw ba ang damit na susuotin natin para sa kasal ni Aya? At nga pala, hindi tayo masusundo ng babaeng iyon sa airport tomorrow dahil nagkasakit siya. Sabi ko kasi magpahinga nalang tutal naman alam na natin ang destinasyon" pagbibigay-impormasyon nito sa kanya

"Ang ligalig kasi ng babaeng iyon, ayaw magpahinga. Anyway, tama lang na pinagpahinga mo na si Aya. At least gaganda rin siya sa kasal niya dahil nakakatulog na siya ng maayos"

"I doubt that, para ngang may problema pa iyong babaeng iyon pero makukumpirma rin naman natin iyon pagnakita natin siya. Anyway, how's the dress?"

"Okay na, nasa bagahe ko na. Bayaran niyo ko, pinagpuyatan ko rin 'to!" pagkukuripot niya sa nasa kabilang linya

"Teka, magkano ba kailangan mo? Isang milyon? Lima? o sampu?" pag ganti naman nito sa kanya

"As if naman maglalabas ka ng ganoon kalaking halaga" parehas na rin silang natawa sa usal niya sa nasa kabilang linya

"Buti naman alam mo! Sige na, alam ko naman na mahal mo kami kaya hindi mo papabayaran yan tutal nabibiyayaan ka rin naman ng kagandahan gamit ang Brestelline Cosmetics ko"

Ayun nanaman ang isa at kinokonsensya siya. Natatawa na lamang siya kapag ganoon silang magkakaibigan. Kuriputan lamang pero hindi damutan.

"Maganda na ko kahit hindi nagmemake-up pero sadyang mahal ko ang mga gawa mo kaya bigyan mo ulit ako pag nagkabagong project ka na"

"Buraot talaga, sige na! Mage-empake na rin ako, baka mamaya malate pa ko bukas kapag hindi ako nag-empake ngayon and that's a warning to you too, Katie. You better not be late"

Iiling-iling na natatawa na lamang siya sa mga kaibigan niyang iyon. Kung hindi talaga sa mga ito ay malamang-lamang lang na walang saysay ang buhay niya. At least she always has her bestfriends to join her in despair and success.

"IMPERIAL HOTEL" wika ni Abby sa taxi driver na maghahatid sa kanila sa hotel na tutuluyan at pagdadausan na rin ng kasal ni Rei at Aya

Hindi na nga talaga sila nagpasalubong pa kay Aya dahil na nga rin sa nagkasakit ito. Mas minabuti nilang pagpahingahin muna ang kaibigan para sa big day nito bukas.

"English ba ang language ng kasal nila Aya bukas?" curious na tanong naman ni Katie sa dalawa niyang kaibigan

"Nope, Japanese iyon. After all Japanese ang mga bisita at ikakasal" sagot naman ni Shirley sa kanya

"Patay, magdudugo nanaman pala ang ilong ko" kwelang saad niya sa mga ito na totoo namang siguradong mararamdaman niya bukas

"Kahit papano naman nakakaintindi tayo ng Hapon, syempre special thanks to Aya" wika naman ni Abby sa kanilang dalawa ni Shirley na pawang ikinatango nila ng kaibigan

A War Like LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon