Hinihingal na napabangon ako sa pagkakahiga mula sa aking kama. Binuksan ko ang lampshade sa bedside table ko at tumingin sa orasan. 4am. Iginala ko ang aking paningin sa aking silid dahil pakiramdam ko ay parang may nakatingin sa akin. Tumayo ako at lumapit sa pinto ng veranda ng silid at hinawi ang kurtinang isinasayaw ng hangin. Tumingin ako sa paligid at isinarado ang pintuan. Sanay akong bukas ang pinto ng veranda dahil gusto ko ng fresh air. Humiga ulit ako sa aking kama at binalikan ang aking panaginip.
Masayang naglalakad ako sa dalampasigan nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Lumingon lingon ako.
"Celine.. Celine.." , lumingon ako sa likod ko. Iginala ko ang aking paningin. Puting buhangin, kakahuyan at asul na dagat ang nakikita ko.
"Teka asan pala ako? Bakit mag-isa lang ako?" aniya sa aking sarili. Naglakad lakad ako, hindi ko namalayang nasa bungad na ako ng kakahuyan. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Hindi ko na makita ang asul na dagat. Kadiliman na lang ang nakikita ko.
"Celine.. Celine.." narinig ko na namang may tumatawag sa akin. Tumakbo ako sa kawalan. Hindi ko alintana ang mga bagay na natatapakan ko. Ang tahimik ng paligid, ang naririnig ko lamang ay aking mga yapak at ingay ng mga tuyong dahon na naaapakan ko.
Napatigil ako sa pagtakbo nang maramdamang parang may nakatingin sa akin. Napahawak ako sa batok ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nakikita ko ang mga nakaukit sa pader. Mga naglalakihang rebulto. Templo? Naglakad ako papasok. May kandilang nakalagay sa daraan na hallway. Itinuon ko ang pansin sa dulo ng hallway. May liwanag na lumalabas doon. Dahan dahan akong naglakad, nasa kalagitnaan na ako nang napahawak na naman ako sa aking batok. Naramdaman kong may tao sa tabi ko. Gusto kong lumingon pero hindi ako makagalaw. Tumingin ako sa unahan, andun pa rin yung liwanag. Nararamdaman kong dahan dahan na lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Celine.. Celine.. Malapit na" , mariing bulong niya sa aking kaliwang tainga. Nakaramdam ako ng kilabot sa boses niya. Nakakatakot.
Lumayo siya. Dun ko lamang nagawang igalaw ang katawan ko. Dahan dahan akong lumingon. Hindi ko makita masyado ang kanyang mukha, pero base sa konting liwanag ay masasabi kong lalaki siya. Malaki ang katawan niya, matangkad din siya. Narinig ko ang halakhak niya, "Malapit na, Celine.." Umi echo ang Boses niya na mas nakapagpakilabot sa akin. Tumakbo ako palayo, papunta dun sa liwanag.
"Malapit na!" humahalakhak na sigaw niya. Lumingon ako at nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha. Naramdam ko na lang na Para akong nahuhulog. Itinaas ko ang aking mga kamay Para humanap ng makakapitan. Madilim. Wala akong makita. Pumikit na lang ako nang mariin at hinintay na bumagsak sa kawalan.
Napakurap kurap ako nang maalala ang aking panaginip. Anong ibig sabihin noon? Iwinaksi ko muna ang aking panaginip sa aking isipan. Bumangon ako at naghanda na. Mag aala sais na rin naman ng umaga. Bumaba ako at nagbreakfast. Alas otso ang start ng klase ko at ayaw ko nang nali-late. Nagpahatid na ako sa driver ko papunta sa school. Nakarating ako sa school thirty minutes before the class. Pumunta muna ako sa aking safe haven sa school upang magrelax. Pagkadating ko doon ay lumapit agad ako sa bench. May napansin akong kumikislap tuwing natatamaan ng sikat ng araw na nakasabit sa bench. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Isang kwintas. Sino naman ang makakaiwan ng kwintas na ito dito dahil mahigpit kong ipinagbabawal ang pagpunta dito. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Ibinalik ko ang pansin sa kwintas, may nakaukit na symbolo sa bilog na bato pero hindi ko yun maintindihan. Inilagay ko ang kwintas sa bag ko at napagpasyahang umalis na, malapit na rin naman mag start ng first class. Lumabas ako ng gate ng safe haven ko at napansin kong may lalaking nakatayo malapit sa way na daraanan papunta sa safe haven ko. Nakauniporme din siya ng school. So he's also a student here. Hindi kaya siya ang pumasok sa safe haven ko nang walang pahintulot? Lumapit ako sa kanya para sana ikumpirma ang hinala ko. Nag smirk siya nang mapansing papalapit ako. Nainis naman ako sa inasta niya.
"Excuse me, mister. What's there to smirked about?"
He smiled. When he smiles, his eyes too. There's also a mischief look in his eyes. Mas lalo akong nainis.
Inilahad niya ang kanyang kamay. "I'm Drae".
Tiningnan ko lamang ang nakalahad niyang kamay. Napansin niya ata na wala akong balak na tanggapin yun kaya ibinaba niya rin. Tumikhim siya. Tumalim naman ang tingin ko sa kanya nang naalala yung kwintas sa bench.
"Pumasok ka ba sa safe haven ko, mister?"
He chuckled. "Just call me Drae, Celine. Masyado ka namang formal. And to answer your question.. No. I didnt. Why? May pumasok ba? Hindi ba pinagbabawal mo yun?"
Matalim ko siyang tiningnan. He put his arms upward na parang nag susurender. "I swear, hindi ako ang pumasok sa safe haven mo." He answered smilingly. He got a nice smile. I give him that.
"Okay, siguraduhin mo lang talaga na hindi ikaw yun, mister. I can sue you for that."
"Drae, Celine. Drae, okay? And hindi nga ako yun."
He flashed again his nice smile. Napairap ako at naglakad na papunta sa room ko. Napansin Kong nakasunod siya saken.
"Sinusundan mo ba ako?" inis na sabi ko.
"Nope!" He smirked.
Presko.
"Eh, Bakit nakasunod ka saken?"
"Miss Celine, wala na po kaseng ibang daanan papunta sa building kundi ito lang so..?"
Asar na tumingin ako sa kanya. "Eh, Bakit ka ba andun kanina?"
He smiled. Napatingin ako sa labi niya. He got nice lips. Gwapo rin pala siya. Really Celine? Napansin mo pa talaga yun ha?
"Tahimik kase dun, gusto Kong mag isip-isip." He then put his right hand on his right pocket. Napatingin ako sa body built niya. He got a nice body. He's also tall. Nasa may balikat niya lang ako. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi saken. Napansin niya atang pinag aaralan ko ang kabuuan niya.
Napairap na lang ako at nagpatuloy maglakad. Easy Celine, dont lose your cool, okay? Paalala niya sa sarili.
Malapit na ako sa building nang napagpasyahan kong lumingon kay Drae. Nakita ko siyang may kausap na lalaki. Naramdaman niya atang nakatingin ako sakanya kaya nag angat siya ng tingin. Nagtama ang paningin namin. Biglang kumabog ang dibdib ko. He smiled at me again. His smile. Napaawang nang bahagya ang mga labi ko. Nagbitaw ako ng tingin at dali daling pumunta sa classroom.

BINABASA MO ANG
Sinners Crawl
Ficción GeneralThe Seven Deadly Sins Pitong Babae. Pitong Kwento. Paano nga ba magbabago ang mga buhay nila? TAGLISH ; MATURE CONTENT