Steven's POV
Andito ako ngayon sa room naka tunganga, iniisip ko na naman yung pangyayaring dinare ako ng mga ka grupo ko kung sino talaga crush ko.
tangna lang grabee pawis ko nun eh :3 di ko pa kayang aminin kung sino talaga crush ko eh.
Pero alam niyo naman sino, si Kylie, si Kylie ang crush,prinsesa,mahal at buhay ko.
Siya lang naman eh. Kung nag tatanong kayo bakit si Hettie sinabi ko?
Kasi favorite ni Kylie ang spaghettie, wala nakong maisip na ibang pangalan nun kaya yan, Hettie ang sinabi ko, atleast konektado sa kanya.
Pansin ko lang, parang ang cold na ni Kylie, simula nung umamin ako na si Hettie ang crush ko, sinasadya ko ngang mag mura nun para sumbatan niya ako at mapansin.
Pero, di niya ko pinansin. tutok na tutok lang siya nun sa libro habang nag te-take note.
Ayokong ganito, yung di kami close sa isa't-isa. Nag sisimula pa nga lang ako, eh parang wala ng pag-asa. Atensyon niya di ko makuha.
Yung cellphone niya, di ko pa binabalik, nasa bag ko lang.
Tunganga ako dito sa classroom habang iniisip siya, mag-isang naka upo sa may dulo.
Uwian na kasi at wala kaming practice, paniguradong nagsi-uwian na mga kagrupo ko. Sabi ko kasi dito lang muna ako at mauna na sila.
Malapit ng bumaba ang araw, ako eto iniisip at nirerealize pa rin ang pangyayari kung bakit di na'ko pinapansin ni Kylie.
Promise, mga 6pm uuwi nako, kahit di ko pa talaga alam kung anong sagot neto.
*booooogggsssh*
Nagulat ako ng may babaeng naka upo at pinaghahalukat gamit niya sa ilalim ng kanyang arm rest, pinag aalis niya yung mga libro.
Babaeng mahal ko ^O^
"Kylie, anong hinahanap mo?"-tanong ko.
Sa gwapo kong to, di niya ako mapapansin na naka upo dito -_- hindi.. joke lang ^O^
"None of your business"-sagot niya habang naghahalukat ng gamit.
Lumapit nako sa kanya tapos agad naman siyang lumayo papunta na naman dun sa likod, dun sa locker niya.
"Kylie naman! Tutulungan lang kita"-sabi ko sa kanya habang sinusundan siya.
"Wag na, baka nag-iintay si Hettie mo sayo"-sabi niya habang hinalukat na naman yung locker niya. Pinupulot ko yung mga hinuhulog niyang gamit, galit ata to eh ^O^ oh selos lang talaga? Di niya alam na siya pala tinutukoy ko sa Hettie.
"Umuwi na yun, umuwi sa puso ko, Hahahaha"-sabi ko sa kanya pft.
"HA-HA-HA-HA! Alis nga diyan may hinahanap ako"-sarkastiko niyang sagot -_- bumabanat lang eh.
"ano ba kasi hinahanap mo? Para matulungan kita"-sabi ko at sumandal sa locker
"Cellphone"-munti niyang sagot at binalik yung mga gamit niya sa locker. Nag punta na naman agad siya sa arm rest niya.
cellphone lang pala, eh andito sakin eh.
"Andito sakin oy, wag ka ng magpagod diyan"-sabi ko at kinuha ko yung phone niya sa bag ko tapos pinakita sa kanya
"san mo yan nakita?! Di ka man lang nag sabi!"-iritadong sabi niya -_-
"Pano ko sasabihin kung di ko alam hinahanap mo, tch"
"Sorry na, san mo kasi yan nakita?"-tanong niya ulit
"Sa library, naiwan mo kanina eh"
"Ahh..akin na!"-sabi niya sakin tapos inilayo ko yung phone agad para di niya makuha ^O^
"Akin na kasi Steven!"-sabi niya ulit habang pilit na kinukuha yung phone, agad kong tinaas kamay ko para di niya ma reach ^O^
"One condition"-sabi ko ^O^
"Ano?!"-inip na tanong niya.
"kiss moko"-sabi ko ^O^ Hahaha tapos tinuro ko yung cheeks ko habang naka taas pa rin yung isa kong kamay
"Utot mo Steven!"-sabi niya tapos inaabot niya ulit yung phone -_- kiss lang sa cheeks eh
"Naah. di moto maabot kaya no choice ka, kiss na dalii"-sabi ko tinuro ulit yung cheeks ko ^O^
"ayoko nga!"-sabi niya ulit sakin tapos inaabot pa rin yung phone -_-
"Oo nalang, iba nalang"-sabi ko tapos tumigil muna siya sa pag-aabot
"Ano na naman yan?!"-
Kylie's POV
"Ano na naman yan?!"-tanong ko sa kanya.
Ayoko ngang kumiss, sa tamang panahon na, for future purposes lang kaya wag muna ngayon, kahit sa cheeks, bahala siya! >o<
bat kasi pinagkaitan ako sa height unti -_- mataas si Steven kaya di ko makuha -_- may pa kondisyon-kondisyon pa kasing nalalaman
Tiningnan ko mga mata niya. Natahimik ang paligid after kong sinabi yun. Napansin ko siyang malungkot base sa mata niya, pero naka ngiti lang,sinusuri ko lang mata niya, nagtitinginan kami sa isa't-isa.
"Bat moko iniiwasan?"
Nabasag ang katahimikan after niyang tinanong yun sakin, seryoso siya promise, pero naka ngiti pa rin siya.
Joker tong si Steven pero nag seseryoso din, kasi naman kanina nag truth or dare sila sa canteen, tapos sabi niya crush niya daw si Hettie, kala ko ako eh. Sorry na masyado akong assuming, ewan ko sa sarili ko bakit ko agad siyang iniwasan -_- ewan ko talaga promise.
Gusto ko siyang kasama eh lalo na kapag nililibre niya ako ng spaghettie pero ewan bat ko siya iniwasan.
"Talaga? Iniiwasan kita?"-tanong ko sa kanya habang nag po-pout
"Magtatanong bako kung hindi? Tsk. Wag kang mag pout Kylie baka halikan kita dito, wala pa namang tao"-sabi niya sakin tapos nag smirk -_- pinagsingkitan ko siya ng mata, kahit kelan noh, ang pilosopo ni Steven -_-
"Psh, puro kiss ng kiss, akin na nga yan!"-sabi ko at inabot ulit yung phone ko. Akala ko nawala nato eh.
"You give answer, I'll give your phone"-sabi niya sakin, gusto niya talaga answer -_- kala ko lulusot eh ~_~
Tumalikod ako sa kanya.
"Bat kailangan tatalikod ka pa?"-sabi niya tapos hinarap niya ako ulit sa kanya, nakahawak yung kamay niya sa shoulders ko
Pinikit ko nalang mata ko.
"Kasi crush ni Elyen si Hettie"
>.<
Steven's POV
"Kasi crush ni Elyen si Hettie"-sabi niya habang nag po-pout tapos naka pikit ang mata
Pft ^O^ sabi na eh. Selos si Hettie ng buhay ko ❤
Yan tuloy natatawa ako na may halong kilig ^O^
----------A/N: yan na si Hettie ^O^ alam niyo na guys. Sorry late update. Spread the love of Stevie. Stevie shippers ako ❤ kung di niyo nabasa kung pano dinare si Steven, just read my other story in titled When Mr. Cold Fell Inlove, chapter 2. Okaayss ^_^
VOTE|COMMENT
#STEVIE❤ #Elyen+Hettie=Stevie
Blueeeeevee ∞