Lethicia's POV
"Sino kumuha ng tank top kong floral?!" Sigaw ni Cleo mula sa kwarto niya
"Halaaaa!!!! Bakit... Bakit... Sino kumain ng mozzarella sticks na tinago ko pa naman sa dulo ng ref?!!" Sigaw naman ni Zoe mula sa kitchen
"Omg! Nawawala yung bookmark ko!!!! Picture ko pa man din yon! Hala!!!! Nasan na yon! Pyras nakita nyo baaaa?!" Sigaw naman ni Mira mula sa veranda namin.
Ayan. Ganyan kami lagi. Perks of living in one house with them. Umagang umaga ah, ganyan kaingay.
Nag r-ready kasi kami para sa school ngayon. Alam kong mahirap maging late enrollee kasi mahirap mag adjust lalo na kung bagong environment diba.
Pero di ko pa din makalimutan yung kahapon eh. Napanaginipan ko pa nga yon! Naglalaro daw kami nung lalaki na yon nung mga bata pa kami... Pero di ko nakikita mukha nya. Pero unting unti siya humaharap kaso itong si cleo binuhusan ako ng cold water para daw magising ako.
Pero oo, you heard it right. Nakatira lang kami sa iisang bahay. Hindi naman ito medyo kalakihan, pero 4 lang kaming nakatira dito plus 1 yaya, kaya para samin malaki na ito. Bungalow lang naman ito.
Dahil ako ang unang nabasa, ako ang unang nakapag ayos. To think na sila pa ang nang gising sakin, sila pa yung hindi pa nakaka ligo dahil ang dami nilang ka echosan sa buhay!
Andito ako sa living room, pinapanuod silang mag wala, bahala sila diyan.
7:30 na. 8:00 pasok namin. Yay! Ka excite ma-late :) *insert sarcasm*
Mira's POV
Yung bookmark ko nawawala!! Grabehan lang! Kung sino man naka pulot non, nakakahiya! Picture ko lang naman ang nandon... Ugh!
Pero may kilala akong isang tao na mahilig mang trip eh, actually dalawa sila. Pero itong isang to!... Hmph!
"CLEOOOOO! Cleeeeyyy! Cleoooo!"
"WHAAAAT?!"
"HAVE YOU SEEN MY BOOKMARK? TINAGO MO BAAAA?"
"HELL NO, PAKE KO DON?"
"sabagay. OKAY THANKS!! HOY LETHICIAAAAA!!! MARIA!! LETHICIIIAAA!"
Pumasok siya sa room ko
"Kala ko naman nasa veranda ka pa! Oh bakit? Ano problema mo?"
"Nakita mo ba bookmark ko? Nawawala eh! Siguro tinago niyo ni cleo noh? Noh?"
"Aba ewan! Baka nalaglag mo lang somewhere! Ano naman gagawin ko sa bookmark mong picture ang design? Duh?" Tas lumabas na din siya.
Nawawala talaga huhuhu. Yun kasi yung last na kuha sakin ni daddy na pic bago siya mawala. Mahilig kasi siya mag picture.
Makapag ayos na nga lang!
Cleo's POV
Great. 8:30 sharp, kakadating lang namin sa school. Naghahanap kami ng parking for our cars. yes tig-iisang kotse kami, Modesty aside.
First day being known as the transferees and we're freakin 30 minutes late.
Nagkahiwahiwalay kami dahil mahirap makahanap ng pwedeng mapag-parkan. Totoo ngang mayayaman ang mga tao dito huh.
I've seen one cool spot, well, malayo siya sa main entrance but ang luwag and parang special siya na ewan.
Nakapark na ko at bababa na ng kotse pero may humarang sa harap.
BINABASA MO ANG
Our Clique
ChickLitSports Cars? Sean Johns? Mansions? Personal Assistant? Jordans? Classy men? High class? Complete Set of their Perfect Physical Appearance? Name it, They have it. But that's not good though, they have similar atittude to satan. ELITES, they are THE E...