Simula

38 1 0
                                    

Simula

Hindi lahat nabibigyan ng second chances. Yes, everyone deserves it pero siguro nga may mga taong nadala na sa isang pagkakamali pa lamang. Alam nila sa sarili nila na they don't have to give a second chance because the same mistake might happen again. Takot lang naman sila, takot na baka masaktan ulit at muling masira ang kanilang tiwala ng iisang tao. Takot na baka mabalewala ang ibinigay niyang pangalawang pagkakataon.

Ang tao kasi, mahilig 'yan magexpect sa isang bagay. So some of them end up being disappointed, malamang, kasi umasa sila. Hindi talaga mapipigilan 'yan kahit sabihin mo pa sa sarili mo o ipagnuknukan mo pa iyon sa utak mo. Dahil hindi tayo nakukuntento sa kung anong meron tayo, palagi tayong naghahangad sa mas at sobra pa.

Ang tao hindi n'yan mapipigilang hindi umasa sa isang bagay ng mas mabilis pa sa kidlat. It takes time. Lalo na kung disappointed ka, mahirap magmove on. Mahirap kalimutan.

Sa pagbigay ng second chance, don't expect too much. So you won't end up being disappointed at the same person and reason, again.

Sa nangyari sa akin? I guess I'm not the right person for him. Or, I don't know. Am I the right person at the wrong time? Or is it the right time but I'm not the right person?

Siguro, hindi nga talaga ako. We're not meant to be lovers. Then what, friends? Maybe, baka hanggang doon lang siguro at napadalas lang kami. Hanggang doon lang siguro at baka naghangad pa kami sa pagiging magkaibigan lamang. Baka hindi talaga itinakdang maging magkasintahan kami.

Siguro, wrong timing lang para sa aming dalawa. Baka may pagkakataon pa pero walang nakakaalam kung kailan, saan, at papaano.

Siguro, hindi sapat yung lambing namin sa isa't isa. Those sweet letters, goodmorning and goodnight texts, and I LOVE YOUs.

Siguro, hindi pa kami handa. Baka napapadalas ang paggawa namin ng desisyon at hindi namin namamalayan na nakaka-apekto na pala iyon sa ibang bagay.

At siguro, napagod na kami. Napagod ako, o baka siya. Napagod sa relasyon namin na puro away, tampuhan at alitan ang nagaganap. Napagod na intindihin ang isa't isa. Napagod na sa pagmamahal.

I am wishing for a second chance. Because I admit, I'm still inlove with him. I'm truly, madly, crazily inlove with him until now. Ganyan naman halos karamihan sa mga babae. Madaling mahulog, pero hirap na hirap sa pagbangon. Tapos nasa lalaki ang sisi? I don't think so. Minsan, nalulunod na sila sa pride nila. Minsan, mas iniisip at iniitindi nila yung side nila kaysa sa lalaki. Oo, aminado ako, gayundin ako sa una. Pero nagbago iyon ng maliwanagan na talaga ako sa kung sino ang may kasalanan, kung sino ang may pagkukulang. Wala namang namamatay sa paglunok ng pride.

Now I just want us to be back together. At sana, wala ng sakit. Alam ko, sa buhay hindi maiiwasan na masaktan pero sana kahit man lang 'yung sakit lang, hindi sakit na sakit. Gusto kong mabalik 'yung dati, 'yung kami.

"Kung sana may pagkakataon pa, Fred," Saad ko rito at nagfocus sa mga bahay na nadadaanan ng sasakyan niya.

"Selene, hindi ka naman aso para maghabol. Ikaw 'yung babae rito kaya d'yan ka lang. Siya 'yung hintayin mong bumalik sa iyo dahil siya 'yung lalaki, hindi ikaw," Aniya.

Ganyan naman palagi, gender inequality. Talaga bang nasa kasarian ang basehan sa ganitong sitwasyon? Kailangan bang lalaki pa rin talaga ang sumuyo sa babae? Hindi ba pu-puwedeng baliktarin, ang babae ang susuyo sa kanila at makikipagbalikan? Sila ang magpapababa ng pride at sasabihing, "sorry na"?

Tanging buntong-hininga ang nagawa ko at pagpikit ng mariin. Isa lang naman talaga ang hiling ko, ang magkabalikan kami ni Aeros. Iyon lang. Ang daling sambitin pero ang hirap gawin.

Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon