Kabanata 1

15 1 0
                                        

Kabanata 1

Reasons

"Senior, wala pa kayong natatanggap na request for interview?"

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at ang puso kong hindi mapakali. Hindi ko inaakalang magiging ganito kakapal ang mukha ko para gumawa ng first move sa crush ko! Halos hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa naghahalong kaba at kilig.

Saglit niya akong dinapuan ng tingin bago muling itinuon ang focus sa isinusulat niya, "I already recieved one." A man with few words, Aeros.

"Ah, Senior, I heard that you're the son of one of the most popular marketing company," ani Katrina na katabi ko lang, nasa harapang upuan namin si Aeros na busy sa kanyang sinusulat. Napatigil ito sa mga sinabi ni Katrina ngunit hindi lumilingon sa amin, "so.. why bother na maghintay sa requests ng ibang company?"

Tumingin si Aeros kay Katrina at hindi ko alam pero kinilabutan ako sa tingin niyang iyon. Parang isang banta na huwag na huwag siyang magsalita o magtanong. Nakakatakot.

Sakto namang dumating ang prof namin at agad ipinaayos ang report namin. Saglit na napapasulyap ako sa pwesto ni Aeros. I'm worried na baka may nasabing masama si Katrina dahil tumahimik ito. Well, he's usually like that pero dama ko ang presensya na nagbago mula sa kanya.

Maybe I'll just talk to him later.

Matapos ang pag-aayos ng report at pag-alis ng prof, habang nag-aayos ng kanyang gamit ay muli kong kinompronta si Aeros. Hinintay ko talagang walang tao sa room para hindi masyadong nakakahiya kung hindi niya ako papansinin.

"Senior, I'm sorry on behalf of Katrina." Hindi man lumilingon sa akin ay tinanong niya ako kung bakit ako humihingi ng pasensya.

"Iㅡ um, I noticed that.. you felt uneasy about Katrina's question. So, Iㅡ I'm really sorry for that, Senior." Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi habang naghihintay sa kanyang response. Nang matapos na siyang mag-ayos ng kanyang gamit ay lumingon siya sa akin at ngumiti.

Ngumiti, which is very unusual.

"Thank you for understanding me, Selene."

He left me speechless. Understanding him? Saan? Kailan? Napabuntong-hininga na lamang ako at napagpasiyahang umuwi nalamang.

That's how it begun. Crush ko si Aeros noon, he's on his fourth year samantalang ako ay nasa third year pa lamang. Sa ngiti niyang iyon ay lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Nawala ang kaba at takot ko sa kanya at napalitan ng pagkakomportable sa kanya. Para bang ang ngiti niyang iyon ay sign that he's now okay for me to be arround with him, always. Parang isang pinto na hinihintay kong bumukas para sa akin upang makapasok na ako sa loob.

Naging successful ang kagustuhan kong maging close kami ni Aeros.

"Ah, that? I said that because for the first time, you are the first person to understand me," sambit ni Aeros bago uminom sa kanyang frappe, "Napansin mo na naging uneasy and uncomfortable ako sa tanong niya. You're the first person to noticed my emotions." He smiled at me, showing his perfect, white and beautiful teeth.

Only son si Aeros at dahil matrabaho ang kanyang magulang ay konti lamang ang oras sa kanya ng mga ito. To sum it up, lumaki siyang mag-isa. Upang hindi mag-alala ang magulang niya sa kanya ay ipinapakita niyang okay lang siya kahit minsan ay hindi. Doon siya nasanay na magtago ng nararamdaman at maglihim ng emosyon. Ngunit dumating nga raw na ako ang unang nakapansin sa kanya sa totoong siya.

It's quite impossible for a man and a woman to be just friend, so we ended up being lovers.

Lumipas ang isang taon at kami pa rin. Intern na siya sa sarili nilang kompanya habang ako nasa fourth year na. Medyo naging busy kami dahil minsan ay hindi magtugma ang sched namin. Pero kahit na mahirap ay kinakaya namin.

Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon