Kabanata 2
I miss you
Lunch time namin at nasa malapit na chinese-restaurant kami ng mga kapwa ko intern na sina Katrina at Isabelle. Kaklase ko rin sila noon at sabay-sabay kaming nagtake ng exam sa company nina Aeros. Marketing din naman ang course namin.
"Selene," tumikhim si Katrina at mataimtim akong tiningnan, "Okay pa ba kayo ni Sir Aeros? Ha?"
Nakagat ko ang labi ko at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa. Kanina pa kasi ako naghahanap ng natitirang memories man lamang namin ni Aeros ngunit nabigo lang ako. Ang husay talaga ni Fred sa technologies at nakakainis 'yon na pati cellphone ko ay pagtitripan niya!
"Hindi ko na alam, Kat."
"Ganoon na lang ba 'yon? Kung iwan ka ni Sir Aeros as if two weeks lang kayo nagtagal, ah? Seriously, girl, what's wrong with your boyfriend?" Tumaas ang kilay ni Isabelle sa akin.
Hotseat na naman ako. Halos alam nilang dalawa ang nangyayari sa amin ni Aeros kaya ganyan na lamang sila kung maka-react. I just can't keep it to myself. Pakiramdam ko kapag ikinimkim ko ito ay sasabog ako.
"Hindi lang naman siya 'yung may kasalanan," walang gana kong inayos ang mga papeles na nagkalat sa aking table, lunch time pero wala akong gana kumain kaya hanggang dito ay nagtatrabaho ako, "Nawalan ako ng oras. Busy ako sa internship, busy rin sita. Siguro nagtatampo lang siya or.. busy lang talaga. I don't know."
Humagalpak sa tawa si Katrina, "Busy? Sus! Baka nga! Busy sa loob ng 'sang buwan!"
"Pero 'di ba kapag mahal mo talaga, kahit busy ay magrereply pa rin siya? Walang salitang busy sa taong inlove." Pinaglaruan ni Isabelle ang baso ng kanyang juice at ngumuso.
"Ewan ko ba sa inyong dalawa!" Natatawang saad ni Katrina sabay iling.
Ewan ko na rin sa 'min. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa amin at bakit humantong kami sa ganito. Isang buwan pa lang naman ang nakakalipas eh, hindi pa ako magmomove on.
I have this feeling na kailangan ko. That I really need to move on already but I know, deep inside my heart, I can't. Dahil isipin ko pa lang ay hindi ko na kaya.
I can't move on. I won't. Hangga't walang rason para kalimutan ito o siya ay hindi ko gagawin. Pero paano kung wala na talaga?
Paano na ako?
Pasimple akong umiling ng bahagya. Hindi naman sa wala akong tiwala. Pero kasi, takot lang ako. Gayung isang buwan na siyang walang paramdam. Sino ba namang girlfriend ang hindi mafi-feel ang nararamdaman ko sa ngayon, 'di ba?
Napagdesisyunan naming tatlo na mag-inom. Nakuwestiyonan pa ako ni Fred kung saan ako pupunta at buti na lang sina Katrina ang nagpaalam sa akin. Isang baso ng Jack Daniel's ang nasa harapan ko at kanina ko pa itong tinititigan. Hindi ko na rin mabilang kung nakaka-ilang shots na ako simula nang mapunta kami rito.
Napadako ang tingin ko sa dance floor at naaninag ang sumasabay sa beat na katawan ni Isabelle. Halatang lasing na siya samantalang si Katrina naman ay nasa isang sulok ng dance floor, may kausap na lalaki at talagang sa sulok pa na hindi napapasadahan ng neon lights sila pumwesto.
Ako? Naka-upo lang ako't pinapanood ang mga boteng tila sumasayaw sa mga braso at kamay ng bartender. Nakahalumbaba ako at pinapa-ikot ikot ang index finger sa aking baso. Ayokong pumunta sa dance floor at makisayaw. Baka may lalaking bastos ang lumapit sa akin. Desente pa rin naman ang damit ko pero hindi pa rin iyon maiiwasan. I want to stay faithful to him kahit na puro mga pagba-baka sakali na ang laman ng utak ko. Tiwala lang, Selene.
BINABASA MO ANG
Back To Me
RomanceHindi lahat ng umaalis ay bumabalik. At hindi rin naman lahat ng bumabalik ay hindi na muling aalis.