Chapter 56 - Nothing

1.1K 23 21
                                    

Chapter 56 - Coleen

Ilang araw na din ang nakalipas, nung huling pagkikita namin ni Oli,Owy at ng iba pang chicser. Ang madalas ko lang makausap ngayon sa text si Oli at si Chi. Madalas akong makatanggap ng Good morning text galing kay Oli. Nirereplyan ko naman din sya, kaya ayun. Halos buong araw kaming nagkaka-usap. Ewan ko ba kung bakit, hindi ko maiwasang hindi sya kausapin. Ganung nakapagdesisyon na kaming mag-move on na lang. Para sa parents namin.

"Princess, nak. Nakabihis ka na ba? Maaga tayong dadalaw sa Mommy mo sa cemetery. Dadaan pa tayo sa Tita Ivy mo." Ibig sabihin, makikita ko na ulit si Oli??

"Ah. O- Opo Papa!" kinuha ko naman ang cellphone at ang wallet ko para ilagay sa pants ko.Nilabas ko naman agaad si Papa. "saan po natin dadaanan si- sina Tita Ivy?" agad na tanong ko pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng pinto. Medyo nagulat pa nga sakin nun si Papa nung nakitang parang nagmadali ako.

"Ahh.. sa sementeryo kung san nakalibing ang yumao nyang asawa." Napakunot ang noo sakin ni Papa. "bakit parang humahangos ka? Nagmadali ka ba?" tanong ni Papa habang pinapahiran ng panyo yun noo ko. Bigla pala akong pinagpawisan ng hindi ko namamalayan.

"Ah- hi- hindi po!" napafake smile pa ako. "umm. Yung aircon po kasi sa kwarto ko. Parang ang hina ng labas. Kaya po siguro ako pinagpawisan."nangingiti kong sabi kay Papa.

"ahh, ganun ba. Oh sya, sabihan ko na lang yung kakilala kong umaayos ng aircon para mapaayos yung aircon mo sa kwarto." Nakangiting sabi ni Papa.

"Ah! Hindi na Pa! Kakabukas ko lang kasi ng aircon kaya mahina. hehe" pagpapalusot ko.

"Huh?ikaw talagang bata ka oh. Tara na nga" umakbay sakin si Papa. Tsaka kami bumaba sa hagdan ng sabay. Lumabas naman kami ng bahay para sumakay sa kotse na imamaneho ni Papa.

"oh anak, magseatbelt ka ha." Nakatingin na sabi sakin ni Papa.

"syempre naman po no!Di ko naman po nakakalimutan yun." Inayos ko naman yung seatbelt ko.

"Matagal na ba yang keychain mo sa cellphone?" tumitingin-tingin sakin si Papa habang nagdadrive. Nakalabas kasi yung keychain na bear sa pants ko. Habang nasa loob naman ng pants ko yung cellphone ko.

"Ah.. umm. Opo.." biglang nag race yung puso ko. Ewan ko ba, bigla akong kinabahan. Pano kung tanungin nya kung san galing to.

"ganun ba? Bakit parang ngayon ko lang napansin yan?" tanong ni Papa, habang nakatingin lang naman sa daan.

"umm.. di nyo lang po siguro napansin.."

"kanino galing?"

"ahh.. ahh. Umm.."

"sa manliligaw mo?"

"po?? Ano? Hindi po ah" nagbablush na sabi ko.

"sus anak, wag mo ng ideny. Galing nga sa manliligaw mo?" pang-aasar ni Papa. Nakangisi pa talaga sya habang inaasar ako.

"o- opo.." ayoko na rin namang inaasar ako ni Papa. Kaya sinabi ko na.

"Ayuuun.. " tumingin sakin sandali si Papa. "kumusta na nga pala yung manliligaw mong yan. Hindi nadadalaw sa bahay ah. Binasted mo na ba anak?" lumingon naman sya ulit sa kalsada.

"Umm, opo Pa." malungkot na sabi ko.

"Oh bakit? Hindi mo ba sya nagustuhan?"

"gusto po.. pero—may mga bagay na komplikado para samin kaya. Ayun po, mas ginusto ko ng hindi na sya sagutin." Tumingin naman ako kay Papa at seryoso lang syang nakikinig. "tsaka, sa ngayon. Mas gusto ko pong nasa inyo lahat ang atensyon ko. Next month na po ang wedding nyo ni tita Ivy, di ba?" nakangiti kong sabi kay papa. Kahit na alam ko, naguluhan din sya sa unang sinabi ko. Hindi nya alam yung sitwasyon namin ni Oli. At hinding-hindi na siguro nya mlalaman pa yun.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon