Chapter 62 - Not just friends

1K 19 6
                                    

Chapter 62 - Coleen

Madaling araw akong nagising, binuksan ko lahat ng ilaw sa kwarto ni Oliver. Napakasimple pala niya, na parang lahat ng gamit minsan lang galawin maliban sa libro na nasa lamesa at gitara sa tabi ng kama niya.

Pagtingin ko sa clock na nakasabit ay mag pa-5 am palang pala, maaga pa para maghanda. At least makabawi man lang sa ginawa ng bestfriend ko kahit ganun ang luto niya. Tingin ko naman gising na mga kasambahay nila kaya okay lang na magluto din ako.

Tinext ko muna si Papa, di ko alam kung gising na siya. Kamustahin man lang sila ni Tita. Sana nga, masaya sila tulad ng gusto naming mangyari ni Oliver. Gusto naming mapasaya ang mga magulang namin.

'Pa, balitaan mo na lang kami po ha? Ingat po kayo.'

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, bukas na nga ang ilaw sa kusina at naabutan ko pang pumupungay pungay ang mga mata nila. Mukhang inaantok pa sila? Ako kasi maagang natulog after ng Guestings, then kumain kami ng Chicser with friends sa labas. Tapos pagkauwi ko nagcheck lang ako ng gamit then natulog na. Pero bago yun, di maiwasang magtext pa din kami ni Oliver kahit nasa iisang bahay na lang kami. Soon, magiging isa na din kaming pamilya...

"Goodmorning po." bati ko sa dalawang katulong nila. Nagulat pa nga sila sakin.

"Uy Ms Coleen, nagulat naman po ako. Akala ko multo, nakaputi pa kasi kayo."

"Oo nga po Mam."

"Ay, naku po wag niyo na po akong tawaging Mam. Hmm, nakapagayos na ko ng konti sa sarili, pwede ako naman po ang tumulong?" Nagtinginan silang dalawa. "Oo naman po, umagahan." Sabay hikab niya. "Sorry po ah, mukhang inaantok pa po ako. Sige Fiona bibili na ko ng pandesal, papasama na lang ako kay Domeng. Ikaw na bahala kay Ms Coleen ha."

"Sure."

"Sige po, ingat po kayo."

"Ay pwede po ako mamili ng kakainin ngayon?" Tumango tango naman siya at tinulungan niya kong ilabas ang mga gagamitin sa pagluluto. Dapat 6am matapos para makapaligo na din ako.

Noong matapos kaming magluto ng mas maagap pa, nagpaalam ako at dumretso sa bathroom. Naligo at nagbihis ng mabilisan, simple kagaya ng araw-araw na pagpasok ko sa school.

Bumaba na ako at naabutan kong nagsasara ng polo si Oliver, napatingin naman siya sakin. Nakabihis na agad siya ha? Di ko man lang napansin. Si Kuya Owy naman ay nakaupo na sa hapagkainan at kumakain ng luto ko.

"Uy Ate Fiona sarap ng luto mo ngayon, kakaiba. Paomeomellete ka pa ha, ano tong halo parang iba lasa?" Narinig kong tanong niya, sabay kaming naupo ni Oliver at nagngitian sa isa't isa.

"Goodmorning sa lahat."

"Uy goodmorning Coleen. Kakagising mo lang?" Tanong sakin ni Kuya owy.

"Ha--ah oo kuya."

"Ay akala ko ikaw nagluto." React naman ni Oliver na sarap na sarap sa pagkain, tapos biglang mukhang nadisappoint sa luto ni Ate Fiona.

Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa likod ko at bumubulong bulong. Nilingon ko naman si Ate Fiona at nag 'shh' ako sa kanya.

"Ate Fiona baka kung magkasing edad tayo niligawan ko na kayo, sarap ng luto niyo eh. Hehe Joke lang po!" Biro ni Oliver habang sinusubuan si Onin. Natawa ako bigla, sabay sabay kaming nagtawanan ng mga kasambahay nila.

"Aba sir Oliver, kung di niyo pala magiging kapatid si Ms Coleen eh liligawan niyo siya?" napahawak na lang ako sa mukha ko.

"Ate!" Nakangiting saway ko.

"P-po? Ano po? Haha Be-bestfriend di mo naman s-sinabi. Hehe. Ang sarap ng luto mo talaga." Kahit siya, sa paningin ko nagbablush din siya.

Napatingin ako kay Kuya Owy at nakita ko na napangiti na lang siya sa reaction ni Oliver.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon