Chapter 58 - Ullyses
Tinignan niya ako ng masama, sige lang Chi. Kapag hindi ka sumagot, may gusto ka pa rin nga sakin. Ibig sabihin nagalit ka noong magtapat ako sayo na hindi ikaw yung gusto ko, kung hindi si Coleen.
"Wala. Sino bang may sabing may gusto ako sayo?" Poker face pa din siya. Nainis ako ng konti kaya di ko naiwasang hawakan siya sa braso.
"Ano bang problema mo Ully? Sinagot ko na tanong mo ha?" Bakit ganito? Parang ang yabang niya ngayon, parang nagtatapang tapangan siya at sinasagot niya ko ng deretso habang nakatitig sa mata ko.
Naiinis bako sa kanya o sa sagot lang niya sakin?
"Yung Drawing mo, yun may gusto ka sakin diba? Tss. I mean dati."Makapal na sa makapal, pero gusto ko lang kasi linawin ang lahat. Kung bakit ba siya iwas sakin, at samin ng Chicser. Katulad lang siya ng inaasal ni Alexia ngayon, magpinsan nga sila.
"Hahahaha, gutom lang yan." Hinawi na lang nya bigla ang kamay ko, at tsaka tumungo na lang sa desk ng upuan niya. Nakakabwiset, paano naman siya matatanggal sa isip ko niyan kung ayaw niya kong kausapin ng matino?
Inis lang ba tong nararamdaman ko???
"Ully Bro!!!" May kung sinong tumawag sakin na nasa tapat ng pinto, sina Biboy at Irish lang pala. Tumayo ako, nilingon ko sandali si Chi pero nakatungo pa rin siya tsaka nilapitan ko yung dalawa.
"Oh?"
"Peram naman ng calculator, dalawa. May surprise quiz kasi eh, di nakapagdala si Irish kaya sinamahan ko muna para makahiram sayo." Paliwanag niya. Parang nahihiya hiya siguro si Irish sakin.
"Eh para kanino yung isa?"
"Ahh...kay Coleen. Naiwan niya daw kanya eh."
"Talaga?!" Yun oh! Matutulungan ko si Coleen!
"Grabe ka naman makareact bro, dali na pahiramin mo na kami bago kami malate sa klase." Napascratch head ako. Huhu, isa lang naman ang calculator ko eh. Dapat si Coleen gagamit ng calculator ko.
Pero nakakahiya, nandyan pa naman si Irish. Alanganamang sabihin ko na 'Irish, ipagamit mo kay Coleen' Hindi naman ako ganung kasama, Hihiram na lang ako sa iba.
"Uy pre, may calculator kang dala?" Tanong ko dun sa classmate kong lalaki. "Wala eh, wala namang math ngayon kaya iniwan ko."
Oo nga pala Buti ako dahil sa katamaran, di ko na inaalis sa bag.
"Chi, chi. Pahiram na lang calculator para kay Irish." Tinusok tusok ko likod niya, mahina lang naman yon. Inangat niya ang ulo niya, tinignan niya ko.
"Teka Chi, may sore eyes ka ba???Namumula mata mo."
Hindi niya ko sinagot kinuha lang niya yung calculator niya at binigay sakin.
"Ipahiram mo kay bestfriend." At tumungo na uli siya. Teka narinig niya kami kanina? Ang lakas naman ng pandinig nito.
Tsaka ko na lang siya kakausapin, siguro naman in 1 Week papansinin niya na ko.
"Sige salamat ah."
"LQ pre?" Siko sakin nung kaklase ko. Tuktukan ko to eh, lakas makaissue. "Bangasan kaya kita dyan?" Biro ko.
Nagtawanan naman yung mga kasama niya pang lalaki. Dumeretso nako sa labas ng room, una kong binigay yung calculator ni Chi kay Irish.
"Eto naman para kay coleen." Ngumiti ako tapos inabot ko kay Biboy.
"Salamat bro, uy sige baka magstart na. See you mamaya!" Umalis naman agad sila, bumalik ako sa upuan ko. Ilang sandali pa ay dumating na yung teacher namin sa physics, guess what. May surprise quiz din kami, at ang walang calculator di makakapagquiz. Ang bilis nga naman ng karma sakin.
BINABASA MO ANG
I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)
FanfictionThis is a story of love, friendship and family relationship. A story of a teenage boy who believed that falling in love with the girl who's going to be his sister, wasn't a mistake at all. Written by MichaelaNielDiaz and Yananymouss