Chapter 5 - OWY
Napabuntong hininga na lang ako ng makalabas ako sa kwarto ni Oli. Pumunta sana ako sa kwarto ni Oli, para kausapin sya tungkol sa nangyari kanina. Gusto ko sanang itanong kung bakit nya naitanong yun kay Ranz. Hindi naman ganun kung magtanong kapag may bagong girlfriend si Ranz. Pumasok ako sa kabilang kwarto dahil magkatabi lang naman ang kwarto namin ni Oli.Humiga ako sa kama ko at tumitig lang sa kisame.
Pano kung damdamin ni Ranz yung tanong ni Oli kanina?
Pano kung mabuwag na yung grupo? Ang CHICSER?
Matagal na ding nabuo ang grupo ng dahil sa ginusto naman naming lahat. Ayoko namang mawala na lang yung bigla, ng dahil sa simpleng hindi pagkakaintindihan.
I should call Ranz. Mabuti ng mas maaga, maging maayos ang lahat. Idinial ko ang phone number ni Ranz at hinintay na sagutin nya ito.
*Viniel's Residence* - Ranz
I kissed Baby Niana's forehead. Nakatulog na rin sya matapos kong kwentuhan ng story na inimbento ko lang naman. Matapos kong isarado yung pinto ng kwarto nya, sabay namang tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko naman sa bulsa ng maong shorts ko.
"Tumatawag si Owy? Bakit kaya?" nasabi ko na lang ng makita ko ang pangalan nya na calling at sinagot ko naman kaagad ang tawag. "Bro napatawag ka?" tanong ko, habang naglalakad naman ako papunta sa kwarto ko.
*Si Owy mula sa kabilang linya ["Gusto ko lang sanang itanong kung may gagawin ka bukas, laro tayo ng basketball dito sa court. Sa Village" ]*
Matapos ng nangyari kanina, I don't how to respond to him.
"Kasama sina Oli?" lumabas ako sa veranda ng kwarto ko para magpahangin.
["Oo, gusto rin kasi ni Oli na mag-sorry about dun sa nangyari kanina..."]
"Sige, pero sabihin mo sa kanya. One on One kami bukas.." hindi talaga ako nagbabasketball, pero parang gusto ko lang makipag-one-on-one kay Oli.
["Sige bro.. Kita kits..."]
"Goodnight." Ibinaba ko na din naman yung tawag matapos kong mag-goodnight.
*Posadas Residence* - Owy
"Teka nga, marunong bang magbasketball si Ranz?" napatakip naman ako sa mata ko. "Nakalimutan ko, hindi nga pala yun mahilig magbasketball."
Pero bakit sya nagyayang makipag-One-on-One? Hindi ko na siguro problema yun. Ang proproblemahin ko na lang eh.Kung papayag ba si Oli?
Itetext ko na rin ang iba para naman makapag-sorry din sila kay Ranz.
*Earlier at the Mall* - Coleen
"Pa,sorry po sa paghihintay.." lumapit ako kay Papa, na naghihintay sa isang stall sa mall. Bumili pala sya ng bagong digital camera. Bakit naman kaya?Buo pa naman yung camera namin.
"Ok lang, Oh-? nabili mo na ba yung album?" tanong nya, habang sinisimulan ng bitbitin ang mga bagay at damit na binili ko sa Mall.
"Umm— yup! Muntik pa ngang hindi eh."
"Oh bakit?May nauna sayong bumili?" nagsimula na rin kaming maglakad. Pauwi na rin kasi kami, dumaan lang talaga ako sa Astroplus para makabili ng bagong album ni Julie Anne San Jose.
"Wala po, hindi nya po binili. Binigay na lang nya po sakin tong album. Ang weird nga eh." Ano nga kayang nangyari dun kanina kay Oli?Bigla na lang nyang binigay sakin yung album ng wala ma lamang sinasabi. Ni hindi sya nagsalita. Puro, 'Ah- a' ang naririnig ko. Palagi syang stuttered, tuwing nakikita ako.
BINABASA MO ANG
I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)
Hayran KurguThis is a story of love, friendship and family relationship. A story of a teenage boy who believed that falling in love with the girl who's going to be his sister, wasn't a mistake at all. Written by MichaelaNielDiaz and Yananymouss