Dream 1

17 2 0
                                    

His POV

"Andyan na siya!"

"Alam ko, kaya umayos ka nga dyan!"

Napailing na lang ako sa mga narinig ko. Sa T'wing darating siya, ganyan palagi ang set-up dito. Ewan ko ba. Kung ano ang nakain nila.

"Welcome back! King of Speranza Academy!"

Psssh.. andyan na naman sila. Ano bang meron sa King na 'yan? Kung tutuusin wala naman 'yang ginawa kundi ang magmodel ng magmodel. Eto naman mga babae dito, kulang na lang ialay nila mga sarili nila sa lalaking 'yan. Yung totoo? Dyos ba 'yan??

Dahil nga sa naiinis ako, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng mapunta ako sa isang banda ng park.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

Her POV

Nakita ko siya, yung pangarap ko. Dumating na pero umalis naman. Susundan ko na sana sya kaso may dumating.

"Hoy, Xyla! Andyan ka na naman! Halika ka na! Baka magtime na! Nang-iistalk ka na naman, eh!"

Sabi ng mataray kong kaibigan na si Myra. Walang ginawa kundi ang magtaray ng magtaray. Tsss. Oo, nang-iistalk ako.

Siya si Myra Rhia de la Ramos. Kaibigan kong mataray. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan, eh ang sungit sungit niya at ang taray taray pa. Akala mo palaging dinadalawan.

"Andyan na nga!!!"

Yes, I'm Xyla Marie Salvador. 19 years of age. Walang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at mang-istalk saking crush.

"Naman oh! Nagdeday-dream ka na naman kay Mister Manhid! Asar ka! Kung gusto mong mapansin, tanggalin mo 'yan salamin mo! Letche! Halika na!"

Inis niya pang sabi at iniwan na ako. Sumunod na lang ulit ako sa kanya. Kaso, nauntog ako sa pader. Asar. Kung ano ano naman kasi ang iniisip.

"Miss, are you okay?"

Sabi ng nag-aalalang tono. Kilala ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Kinakabahan ako. Inayos ko ang aking tindig at yumuko saka huminge na patawad at nilagpasan ko na siya.

Sino sya? He is Carl Zues Speranza. Anak ng may-ari ng school. Ewan ko ba, parang hindi naman halata na anak siya ng may-ari ng school. Although, mataas naman ang mga grades niya.

Siya palagi ang nakakabangga ko sa ranking.

Pumasok na lang ako sa room at umupo sa pwesto ko. Nang mapansin ko kung sino ang panay tingin sa'kin. Isang babae hindi ko alam kung no ang pakay niya. At wala rin akong pakialam.

*
F
A
S
T

F
O
R
W
A
R
D
*

Tapos na ang class namin. Dumeretso na ako sa locker section namin. At nilagay na mga gamit ko. Dinala ko lang yung mga dapat dalhin. Since, wala kaming assignments, Yung books ko na lang ang dinala ko. Katulad ng dinadala ng typical nerd.

Hindi ako nerd, trip ko lang mag-glass. Like duh!

"Salvador!"

Tawag sakin. Isang babae. Ito yung babae kanina, ah. Nilinhon ko sya. Tapos saka siya lumapit.

"Pwede bang makipag-kaibigan?"

Straightforward niyang sabi. Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Saka umalis. Wala akong mapapala sa pakikipagkaibigan niya. Ayoko ng maraming kaibigan. Libro na ang nagsasabi sakin.

"Bawal. 'Cause I'm not interested."

Tinalikuran ko na siya pero panay parin ang tawag niya. Hanggang sa sumakay na ako ng motorbike ko. Yes. Yung motor na di-padyak. Binili ko 'yun. Dugo at pawis ang binili ko 'run.

Iniwan ko na siya. Like, hell? Ang weird niya. Tatawagin ka tapos sasabihin kung pwede makipagkaibigan. Sino ba naman ang hindi maweweirduhan du'n diba?

Nakarating na ako sa apartment ko. Yes, apartment ko dahil hindi ako mayaman para magkaroon ng Condo Unit. Kung naguguluhan ka, malilinawan karin.

Beep!
---------
From: Myra Rhia de la Ramos

"Walangya kang babae ka. Hindi mo man lang ako hinintay!? Nakapagcommute tuloy ako ng di oras! Sana tinext mo man lang ako na magmamadali ka sa pag-uwi!"
---------

Ah, nakalimutan ko. Kasalanan kasi 'yun ng babae, eh! Asar. Lagot na naman ang tenga ko sa bunganga nito. Tss..

---------
To: Myra Rhia de la Ramos

"Pasensya na. May humahabol kasi sa akin kanina. Punta ka na lang sa apartment ko. Please. Dito ka na mag-over night 😔"

Sent!
---------

Iniwan ko na lang ang phone ko sa kama. Saka nagbihis baka mamaya dumating na 'yun.

Tok! Tok! Tok!

"Xyla! Buksan mo nga."

Binuksan ko naman kaso nagulat ako sa nakita ko...

"Ikaw!?"

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤-35sakura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
-35sakura

Myra Rhia de la Ramos at the multimedia. Kapag mataray sya.. at mukha ni Xyla Marie Salvador ng magulat sya..

Short-Cake StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon