DREAM 5

6 1 0
                                    

MYRA POV


Argh! Kaasar talaga kahit kelan 'yung Keant na 'yun. Bwisit. Akala mo kung sinong gwapo. Asar. Akala mo kung sinong mister ko.



Yes, asawa ko po si Keant. Kadiri nuh? Alam ko. Kaasar kasi. Bakit ba ako pumerma sa contract na 'yun!? Anyway. Next time ko na lang sasabihin. Busy ako.



Well, oo gwapo naman----- wait! Wala akong sinabing gwapo! Na HOt siya! Noooo!! Wala akong sinasabi. Argh! Kaasar talaga ang lalaking 'yun. Akala mo kung sino.




Kung makaasar sa'kin akala mo kung sinong gwapo.




Iniwan ko na siya doon sa Science Park. Wala akong oras sa kanyang pangbwi-bwisit.




Sinundan ko na lang si Xyla. Yes, Si Xyla, yung babaeng palaging nahihimatay. Gawin ko kayang Hospital 'yung Apartment niya? Asar. Sarap sapakin.




Nakita ko na si Xyla at isa lang ang masasabi ko. Kahit kailan talaga ang tanga-tanga niya talaga. Bakit? Nakabangga niya lang naman ang isa sa mga "HOT PRINCE" kuno ng school. As in, ewwwww... Hot? Bakit? Mainit ba sila para sabihing Hot? Tssss...




Kahit kelan talaga 'yang kaek-ekan ng mga studyante. Puro pangmalandi. Tss. Kaasar. Naaalala ko na naman tuloy siya. Asan na ba kasi 'yun? Last week ko pa siyang hindi nakikita, ah. 'Yung malanding 'yun. Kaasar.





Kinausap ni Adrian Morales si Xyla kaso halata namang windang si Xyla sa boses ni Adrian. Nakuuu! Masasabuntan ko ng maaga ang buhok sa kili-kili nitong babae.





Ng humangad na siya, nakita ko kung paanong mabura ang mga ngiti ni Xyla sa kanya mukha. Teka, may alam na ba si Xyla? No. Impossible.





Linampasan na siya ni Adrian. Kaya nilapitan ko na siya.






"Hoy, kanina ka pa diyang tuleley. Anong nangyari?"





Inosente kong tanong sa kanya. Kahit alam ko na ang sagot.




Hindi niya ako sinagot. Bagkus, nilampasan niya lang ako. Letche, nasasayang ang katarayan ko sa pinaggagawa ni Xyla. Tsk. Umalis na si Xyla, sakto naman ang dating ni.....?





"Rhia!!!"



"Andy?"


Taka kong tanong. Akala ko ba lumipat na siya ng school? 'Wag niyang sasabihin na nagtransfer siya ulit dito? Kaasar. Bakit hinayaan niya lang makalipat ng school itong babaeng 'to? Ano na ngayon ang gagawin niya?



Kaasar mga sakit talaga sa ulo.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Sorry kung mababaw ang update -_- asar. BH ako ngayon.
-35sakura.

Andy Morales at the multimedia.

Short-Cake StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon