Dream 3

14 0 0
                                    

XYLA POV

Nakauwi na rin kami galing Hospital. At hanggang ngayon kasama ko pa rin ang mokong na 'to.

"Hoy Keant! Sabing dito ka nga dadaan!!!"

Hulaan niyo ang sumisigaw. Jusme, sumasakit na naman tenga ko sa dalawang ito. Parang ginawa pa akong babysitter. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magsama itong dalawa. Kaasar..

"Hoy! Myra, may pangalan ako kaya wag mo akong iho-hoy! Batuhin kita dyan, eh!!!😤"

Ganting sigaw naman ni Keant. Yes nasa right side ko si Myra while nasa left side ko naman si Keant. Ang lapit-lapit nila. Isang tao lang ang pagitan nila. Pero kung magsigawan akala mo nasa magkabilang bahagi ng bundok!

"Tumigil na nga kayong dalawa! Nakakabanas kayo! Bahala nga kayo dyan!"

Hindi ko na kaya ang kakulitan nilang dalawa. Tsssk. Nagtataka kayo kung bakit magkasama kami kanina ni Keant sa Hospital? Ganito kasi 'yun..

◆◆◆◆FLASHBACK◆◆◆◆

Baka siya na 'yung dumating. Si Myra ang tinutukoy ko, okay? Sino pa ba ang may nakakaalam ng tinitirhan ko? Alangan naman 'yung weird na girl na 'yun.

Iniisip ko pa lang na siya 'yung pumunta, kinikilabutam na kaagad ako. Kasi ba naman! Ang creepy niya masyado!

"Ikaw!?"

Gulat kong sigaw sa kaharap ko ngayon na nakapoker face lang. Bwisit na.

"'Wag ka ngang O.A. Tsss.. kung hindi lang talaga inutusan hindi ako pupunta dito! Kaya 'wag kang sisigaw! Baka mamaya pagkamalan pa akong masamang tao. Isa pa, nasa ****** Hospital si Taray."

Agad namang akong tapatakbo sa kwarto ko upang kunin ang wallet and phone ko. Saka nilock ang apartment ko at hinila si Keant.

Ano na naman ba ang nangyari sa babaeng 'yun. Bwesit kasi 'yung weird na girl na 'yun! Kung hindi niya ako kinusap edi sana wala sa Hospital si Myra. Kainis. Siya na nga lang kaibigan ko, mapupunya pa sa Hospital.

"Bilisan mo nga sa maglakad!"

Sigaw ko ng makasakay ako sa motorbike ko.

"Wag mong sabihin, diyan tayo sasakay alam-----" (siya)

"Ikaw! 'Wag mo na ngang pairalin 'yang kaartehan mo! Sakay na nga!!!"

Sorry siya, hindi ko mapigilan na hindi magalit. Ako na 'yung O.A. pero kaibigan ko 'yung nasa Hospital. At parang kapatid ko na si Myra kaya hindi niyo ako masisisi kung ganito ako mag-alala sa kanya.

Pumunta na kami sa p*steng Hopital na 'yan. At bakit ba naman kasi sa Hospital pa na 'yun dinala si Myra? Asar.

Nakarating na kami. At pinauna ko na si Keant para tanungin kung anong room si Myra. Kaso pagkaalis ni Keant, nakita ko siya. Siya ang may dahilan ng lahat.

Umalis na lang ako. At sumunod kay Keant at pumunta sa room ni Myra.

◆◆◆◆END_OF_FLASHBACK◆◆◆◆

Short-Cake StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon