DREAM 4

10 0 0
                                    

Her POV

Sa paggising ko, tumambad sa akin ang isang puting kisame. Puti ang dingding, puti ang lahat. Maliban na lamang sa mga kagamitan. At doon ko lang napansin. Nakahiga ako sa malambot na kama na pag-mamay-ari naman pala ng iba.

Ako'y napatayo ng wala sa oras. Tumayo ako, suot-suot ko ang,.. isang bestidang puti na bulaklakin? Bakit?

Lumabas ako ng silid. At sa paglabas ko ng silid. Ako'y napunta sa isang Hardin. Hardin na puno ng magagandang halaman na mahahalata mo kung gaano nila ito inaalagaan.

Nasa isang Hardin ako. Nakikita ko ay isang pamilyang masayang-masaya na may dalawang batang naglalaro. Kaso hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Hindi ko makita ang mukha nila. Pamilyar ang kanilng pigura. Maya-maya pa'y may dumating na dalawang batang. Katulad rin ng una. Hindi ko rin maaninag ang kanilang mukha. Sumasakit na naman ang ulo ko.

Naririnig ko ang kanilang kulitan at asaran. Nag-uusap-usap sila. Ng bumaling ang isang bata sa akin at nagsalitang...

"Ikaw, Dalagang Xyla, hindi ka ba sasama sa'min???"

Sabi ng isang bata na ikinaba ko. Bakit???

Tumalikod ako at tumakbo palayo. Kaso nga lang pagtalikod ko. Nasa isang beach resort na ako. Nakaramdam ako ng kunting paglindol. Pero sa wari'y ko y malakas ang lindol dahil nagcrack ang mga pader. Binalewala ko na lang 'yun. Nakita ko na naman 'yung bata. 'Yung batang tumawag sakin. Nilingon na ako. Pero sa uulitin, hindi ko talaga maaninag ang pagmumukha niya. Kaya binaling ko na lang sa iba ang aking atensyon. At nakita ko na naman sila. 'Yung magpamilya, kanina. Bakit ba 'to ang nakikita ko. Masayang-masaya sila, kaso sa hindi inaasahan. Hinigop palayo ang tubig ng dagat at habang papalayo iyun, hinihigop naman ito pataas. Alam ko na ata ang resulta. Isang tsunami.

Hindi nila 'yun alam. Maya-maya pa'y nakikita na nila ang pagtaas ng tubig. Dala sa takot ay nagsitakbuhan ang ibang mga tao. At ang pamilyang nakita ko, ay nagsitakbuhan. Pero huli na dahil naabutan na sila. Tumingin sila sa'kin.

Humihingi sila ng tulong. Pero takot ako. Takot ako!!

"No! Wag kayong lalapit sa'kin!"

"Tulong Xyla..."

"No!!!" Sigaw ko pa..

Umiyak ako ng umiyak. Maya-maya pa'y nakita ko ang mukha niya.

"Napakaselfish mo!!!"

"No!!!!!"

□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□

"Xyla!!! Are you okay!?"

Bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Myra. Hindi ko alam. Kinabahan ako ano nga ba ang nagyari?

"For Pete's sake! Kanina ka pa namin ginigising ni Myra! Pero hindi ka man lang nagising!"

Sigaw naman ni Keant. Napahagulgol na lang ako. Ewan ko hindi ko alam. Ano bang nagyayari sa'kin? Bakit ba ako natatakot. Umiyak ako ng malakas.

"B-Bi- *sobs* .. binangungot .. ako .."

Sabi ko pa. Tiningnan ko sila. At bakas sa itsura nila ang awa at pag-aalala. Ang sakit. Bakit ba ako umiiyak? It's just a nightmare! Wala ngang may gustong pumatay sakin, eh.

"Ssshh, it's just a nightmare. Kung ano man 'yang napaginipan mo for sure ay kabaliktaran ang nangyari sa real life. Kaya tahan na okay?"

Short-Cake StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon