Chapter 5 -Stay Here

43 5 0
                                    

Anne Sharina's POV

Pag pasok ko sa hotel, nakita ko si Nicole sa harapan ng Receptionist na nakatulala. Hindi ko maisip-isip kung bakit siya ganyan at mukang may kinakatakutan kaya hinawakan ko ang braso nito at itatanong sana kung okay lang siya ng sumigaw ito.

"Ahhhhh!" sigaw niya.

"Nicole! A-ano ang nanyare sayo? Kinakabahan naman ako sayo" Nagtataka ako dahil napasigaw ito o di kaya ay nagulat ko lamang ito?

"Ate!" bigla nalang siya umiyak at niyakap ako, niyakap ko rin ito pabalik.

"Bryan! Anong nanyare sa kapatid ko!" Tanong ko kay Bryan na para bang naguguluhan rin sa panyayare.

"Maam hindi ko po alam, bigla nalang po siya natulala sa gilid ko pagkakwento ko sa kasamahan ko noon" sabi nito.

"Let's go Nicole, we are making such a scene here. We are very sorry bryan for the disturbance" I said and walk away with Nicole habang inaalalayan ko ito. Nakakahiya na rin dahil napakaraming tao na ang nakikinood. Tumingin ako muli kay Bryan at para bang nakangisi ito. Siguro ay namamalikmata lang ako.

Tumigil na man na siya umiyak at may pabulong-bulong pa ito.

"Ayaw ko, may multo diyan i-ikaw nalang. Wag na! T-tama na AYAW KO JAN! lumipat na tayo wag na tayo diyan,tara na tara na....." sinabi niya na parang nasapian?

"Anong Sinasabi mo? Ano papasok ka ba?!" Nakakainis na ang batang ito. Pagod na nga ako galing trabaho.

"HINDI! LUMIPAT NA TAYO NG UNIT!!!" Nagulat ako sa pagsigaw nito na mas ikinainis ko.

Hinatak ko siya papunta sa kwarto. Matigas man ulo niya ay pinilit ko siya. Pero ano bang sinasabi niyang multo?

"Ohh yan tubig kalma lang. Ano ba kasi yang sinasabi mo?" Nakapamewang ko sakanya na itinanong.

"May multo dito..."

Ikinwento niya saakin lahat. Natakot at kinilabutan ako kaya naman agad kaming pumunta ulit sa customer service kung pwede ba kaming lumipat ng unit or more specifically kay Bryan.

"Bawal po. Ms. Anne, kung tutuusin ay rule iyan dito sa hotel!" Nakakapanibago ang ibang tugon nito sa amin. Ito ay-- nakakapangilabot.

"Pero Bryan kailangan nga namin lumipat! Hindi na kami komportable jan sa Unit 7 na aming tinitirahan ngayon!" Pag ayaw ko.

"Ika-anim na customer na kayo na nagreklamo sa unit 7. Kaya ginawan na ng rule na bawal lumipat ng Unit. Ms. Anne RULES ARE RULES nag tratrabaho lang po ako dito." Ngayon ay medyo kalmado na sinabi nito.

"Ok then. For now dito muna kami sa hotel na ito and if we found a new place to live in--we will leave this Hotel and never come back!" At sinamaan ko ito ng tingin. Bumuka ang bibig niya na parang may sinabi ngunit wala namang boses ang lumalabas. Ngunit sa aking pagkaintindi ay 'Stay here'. At nakita ko nanaman itong ngumisi.

Nicole's POV

"Pwede bang lumipat nalang tayo agad kung saan saan?" Tanong ko kay ate.

"Actually pwede pero mas naging buisy na ako sa work ngayon, tiis-tiis lang muna tayo at saka mas okay narin dito kaysa sa iba" sagot niya at nginitian ko. Tumango nalang ako dito bilang sagot at dumeretso na sa aking kwarto na napatingin nanaman ako sa maliit na butas sa aking pader na pwede nang silipan.

~~~~~~~~
Short Update sorry buisy kasi ehh.

Lots of love from ImAStorywriter23

Hotel Room(7th Unit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon