~*~ Prologue ~*~

2.5K 60 0
                                    


Isang napakagandang araw sa mansyon ng pamilyang Lustre may isang nakatirang napakagandang dalaga na nagngangalang Nadine, solong anak lang siya nila Mr. & Mrs. Lustre, mag-isa lang siya sa mansyon na yun, hindi niya kasama ang kanyang mga magulang dahil sa nagtatrabaho ito sa ibang bansa, marami kasing negosyo ang pamilya niya. Tanging ang mga katulong lang ang kasama nito sa mansyon para pagsilbihan siya.

Buong buhay niya tanging ang mga katulong lang ang kanyang nakaka-usap, ni minsan hindi siya lumalabas ng mansyon dahil pinagsabihan siya ng kanyang magulang na huwag lalabas. Isang masunuring dalaga si Nadine, ni minsan hindi niya sinuway ang kanyang magulang. Kahit kaibigan ay wala siya dahil nakakulong lang siya sa mansyon, sino naman kaya ang magiging kaibigan niya roon? Ang mga katulong? Ni katulong nga hindi siya kinakausap dahil pinagsabihan ito na huwag makikipag-usap sa kanya. Ang saklap ng buhay niya noh? Paano kaya siya nagtiis na hindi kausapin ang mga katulong? Dahil hightech na sa panahon ngayon, sobrang nahumaling siya sa social media, marami na rin siyang friends sa Facebook, ngunit ni hindi niya iyon kinakausap sa chat dahil kahit sa chat bawal siyang makipag-usap. Hay! Buhay nga naman. Pero masaya siya dahil sa isip niya, pinoprotektahan lang siya ng kanyang magulang.

Sa ngayon ay nakaupo siya sa kanyang bintana para tignan ang magandang tanawin, halos mapanis na ang kanyang laway dahil sa walang kumakausap sa kanya.

Napatigil siya sa pagtingin sa palagid nang may humintong itim na limosine sa tapat ng kanilang mansyon. Pinagmasdan niya iyon at hinihintay ang paglabas ng tao sa loob nun. Maya maya lang lumabas na ang isang lalakeng mukhang kano, nakikita niyang napaka-brusko ng kanyang tindig, napaka-puti ng kanyang balat at pati labi nito'y nakita pa niyang pulang pula. Nagtingin tingin ito sa kanyang kinatatayuan hanggang sa napatingin ito sa itaas ng bintana ni Nadine, nagulat ito nang ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis, yung tipong mahuhulog ka sa kanyang ka-gwapuhan ng dahil lang sa kanyang ngiti. Nagtago agad si Nadine ng makita niya ang lalake na nakatingin sa kanya.

"Sheet! Ang gwapo niya!" sa isip nito.

Tinignan niya muli kung nandoon pa ang lalake, ngunit pagtingin niya wala na.

"San na yun nagpunta?" tanong nito sa isip

Tumayo na siya para pumunta na sa pinto nang marinig niyang nagsalita ang mayordoma ng mansyon nila. "binibining Nadine, andito na po ang Mama at Papa niyo at may kasama po silang lalake"

"lalake? Sino po?"

"hindi ko po kilala, pero binibini...gwapo siya" ngumiti ito kay Nadine.

Napangiti si Nadine "sige po, bababa na ako"

Nauna ng bumaba si Nadine kay Mayordoma, pagkarating sa baba ng mansyon, nakita nito ang sinasabi ng mayordoma. Tama nga ang sinabi ng katulong nila, gwapo nga talaga. Lalo na sa malapitan.

"anak" wika ng nanay niya at lumapit ito sa kanya para yakapin.

"namiss kita anak" wika ng nanay niya

"ako rin po Ma" wika ni Nadine

Sumunod rin ang tatay niya para yakapin siya. "namiss ko po kayo" wika ni Nadine sa tatay niya.

"ako rin anak" wika ng ama nito.

Pagkatapos ng yakapan nila, ipinakilala ng kanyang magulang ang lalake sa kanya.

"anak, siya si Robert James Reid, ang magiging mapapang-asawa mo" ngumiti ang kanyang ina sa kanya. "James, siya naman ang unica hija ng pamilya namin. Si Nadine Alexis Lustre"

Lumapit ang pinakilalang lalake sa kanya "ikinagagalak kong makilala ka binibini" hinawakan ang kanang kamay niya at hinalikan ang likuran ng palad niya.

Napangiti si Nadine sa sinabi ng lalake at parang kinilig nang dahil sa paghalik sa kamay niya "ikinagagalak rin kitang makilala, James"

Nag-ngitian silang dalawa sa isa't isa. Sa nakikita, si Nadine parang nahuhulog na ang kanyang kalooban sa lalakeng kaharap niya, yung tipong kulang na lang mahimatay siya sa taglay nitong ka-gwapuhan. Para siyang nakakita ng artista sa hubog ng kanyang pigura at ang pakiramdam niya'y parang nasa fairytale sila dahil sa isip niya, nahanap na niya ang kanyang prinsipe na makakasama niya habambuhay.

"ang gwapo gwapo niya talaga!"

"ang ganda ganda niya pala lalo na sa malapitan"

"mahal ko na yata siya"

"mahal ko na din yata siya"

Natigil ang titigan nila nang umubo ang ama ni Nadine "pano ba yan, anak? Maiwan ko muna kayo, babalik pa kasi kami sa ibang bansa" paalam ng ama nito.

"dito na rin si James maninirahan, tutal isang buwan na lang bago kayo maikasal, kaya pwede na kayong magsama sa isang kwarto" wika ng ina niya.

Tinawag ng kanyang ina ang mayordoma ng bahay para sabihan na ipaayos ang malaking kwarto dahil doon na sila matutulog simula mamayang gabi. Sinunod naman ng mayordoma ang utos ng kanyang ina.

"o sige, aalis na kami. Ikaw nang bahala sa anak ko, ha? James?" wika ng ina ni Nadine.

"yes po, ako ng bahala sa kanya"

Lumapit ang kanyang ina sa kanya "ingat kayo dito ha? Maging mabait kay James, ha? Nadine?"

"yes Ma, magiging mabait ako" wika ni Nadine

-----------

a/n: Hey guys! I wrote this short story from my other book entitled JaDine stories, ginawa kong prologue yung pinaka-story doon dito pero yung dito ay papahabain ko para malaman kung paano ba nagkaroon bigla ng marriage proposal ang pamilya nina Nadine sa pamilya nina James.

Hope you like it :* Hintay na lang sa next chapter :)

~MsWinx_38 (Feb. 28, 2016 - Story started)

The Sudden MarriageWhere stories live. Discover now