~*~ TSM 2 ~*~

889 37 4
                                    

Nang marinig ni James ang lahat ng sinabi ng ina niya ay agad itong napangiti dahil sa wakas ay nahanap na ng pamilya niya ang babaeng mamahalin niya.

Napakababaw lang kasi ng kaligayahan ni James atsaka yan rin yung palaging hinihiling niya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan at sa wakas ito'y natupad na.

Kapag nakita na niya ang babaeng yun nangako siya sa sarili niya na hindi niya ito paiiyakin, sasaktan, at bibigyan ng sakit ng ulo. Parati niya itong pasasayahin sa kanyang piling, mahirap man patawanin ang isang babae ito ay kakayanin niya para mahalin rin siya ng babaeng yun.

Napansin ng kanyang mga kapatid ang kanyang mga ngiti. Nilapitan siya ni Kristel "Kuya, ba't parang ang saya mo?" tanong nito.

Nagulat si James ng sumulpot si Kristel "ha? Wala. Wala ka na dun" tanging nasabi niya at pumanhik na 'to sa kanyang kwarto.

Pagkapasok niya sa kwarto ay kinuha na niya ang kanyang maleta para makapag-impake na siya para bukas, dahil bukas na ang alis niya kasama ang mga magulang ng kanyang mapapangasawa.

Napapaisip na lang siya kung ano ba ang itsura ng babaeng mamahalin niya habang nag-iimpake ng mga damit niya.

Is she pretty? Or beautiful?

Mabait ba siya?

Maarte ba siya?

Spoiled brat ba siya?

Makakaya ko ba siyang mahalin? Kahit na makulit ako?

Makakaya niya kaya ang ugali ko?

May pagkamakulit talaga ako eh. Sana matiis niya ang isang tulad ko.

Pikunin ba siya?

Tanging mga naiisip niya.

Nang matapos na siyang mag-impake ay bumaba na siya ng hagdan para makapagpaalam na aalis na siya bukas sa kanyang dalawang kapatid at dalawang pinsan.

Nakita niya ang apat sa sala na abalang manuod ng palabas ng telebisyon. Nilapitan niya ito at klinaro ang boses niya para mapansin siya.

Napatingin naman ang mga kapatid at pinsan niya sa kanya. ''o Kuya, bakit?" wika ni Summer.

"I just want to tell to all of you na aalis na ako bukas"

Nagulat naman sila nang sabihin yun ni James. "saan ka pupunta cous?" tanong ni Kayla.

"ewan. Hindi sinabi ni Mama" naupo siya.

"Kuya, wala na bang urungan yan?" malungkot na sambit ni Kristel.

Tumabi naman siya sa kapatid niyang si Kristel. "I guess, wala na. Si mama na ang nagsabi. But, don't worry may phone naman tsaka may face time dun na lang tayo magkukumustahan"

"promise mo yan Kuya ha?" sambit naman ni Kristel.

"of course. I promise"

Niyakap na lang nila si James dahil mawawala ito ng ilang buwan sa kanila.

Makaraan ang ilang oras ay nagpaalam na siya sa mga kapatid at pinsan niya para makapunta na sa mansyon nila, dalawa kasi ang bahay nila at mas pinili ng mga kapatid ni James na dito na lang sila sa pangalawang mansion.

Makaraan ang ilang oras ay nakarating na siya, naabutan niya ang kanyang mga magulang kasama ang mag-asawa na hindi niya lubos na kilala.

Lumapit siya sa kanyang ina para magbeso at sa ama niya para yakapin. "thank God you're here anak" ani ng kanyang ina.

"sorry Ma for the delay, nagpaalam pa kasi ako sa kanila"

"ah, okay lang yan anak, ipapaintindi na lang namin sa kanila"

Ngumiti na lang si James bilang sagot sa sinabi ng kanyang ina.

"by the way, James, These two people will be your second parents" pagpapakilala ng kanyang ina kina Ginoo at Ginang Lustre.

Napangiti siya ng makilala na niya ang mga magulang ng babaeng ipinakakasal sa kanya. "nice to meet you po" aniya at nakipagkamayan sa kanila.

"nice to meet you rin iho" nakangiting sabi ni Ginang Lustre. "ang gwapo gwapo ng mapapangasawa ni Nadine" aniya.

Halatang namula si James ng sabihin yun ni Ginang Lustre "salamat po" sagot niya.

"alagaan mo ang anak namin ha? Huwag mo siyang sasaktan" sabi ni Ginoong Lustre.

"I will sir"

Ngumiti na lang ang ama ni Nadine bilang sagot. Niyakap na siya ng kanyang magulang dahil ngayon ay pupunta na sila sa Paris para maipakilala na sa kanya ang magiging asawa nito.

To be continued...

The Sudden MarriageWhere stories live. Discover now