Nagsimula ang lahat sa isang kasunduan kung saan ang pamilya nila James ay nangangailangan ng tulong sa kanilang negosyo. Walang kaalam-alam noon si James na gagawin ng kanyang magulang na ipagkasundo siya sa anak ng pinakamayaman na pamilya ng mga Lustre, kaya ito ginawa ng magulang niya dahil humihina na ang pinaghirapang negosyo ng kanyang ama.
Maayos naman noon ang pamamalakad ng negosyo ng pamilya ni James, ngunit sa hindi inaasahan bigla na lang itong humina, wala silang alam kung sino yung tao o kakilala nila ang nagpabagsak ng kanilang negosyo.
Mabait ang pamilya nila James, ngunit kung titignan niyo sila sa pang-labas na anyo aakalain mong mga matapobre kung umasta ngunit mali ang pag-aakala niyo dahil ang pamilyang Reid ay busilak at mapagmahal ang kanilang puso. Marami na silang natulungan sa kanilang negosyo, nakapagpatayo na sila ng welfare organization para sa mga bata at matatanda, nakapag-paayos na ng nasirang simbahan, nakapag-donate sa mga taong nasalanta ng bagyo at marami na silang napag-aral na mga estudyante. Humigit kumulang dalawampung libong estudyante at nakapagtapos dahil sa kanilang sinagawang programa.
Ngayong humihina na ang kanilang pinalagong negosyo ano na kaya ang maisasagawa nila? Magiging mabuti kaya ang kalabasan ng kasunduan sa magkabilang pamilya?
"thank you for accepting our invitation" wika ng ina ni James.
"no problem Mare, basta kayo and alam naman natin na magkakasundo ang anak natin"
"sana nga, medyo makulit pa naman yung panganay ko baka mainis yung dalaga mo" natatawang saad ng ina ni James.
"nako, huwag kang mag-alala, kayang kayang ihandle yun ni Nadine. Yun pa ba? Masasanay naman yun" natatawang saad rin ng ina ni Nadine.
"sabagay. Kelan natin sasabihin sa kanila?" tanong nito.
"bukas, uuwi kami ng Paris para bisitahin si Nadine"
"o sige, isama niyo na si James para magkakilala na agad sila"
"sige ba" masayang saad ng ina ni Nadine.
"o sige, tawagan ko lang siya" paalam nito sa ina ni Nadine.
Tumango lang ito. Lumayo si April kay Myra para makausap si James.
"hello Anak?"
[yes Ma?]
"mag-impake ka na. Sasama ka sa magiging mapapangasawa mo, kailangan nandito ka na sa mansyon para makilala mo na ang magiging pangalawang magulang mo"
Halatang nagulat si James sa sinabi nito. Hindi niya sukat akalain na sa edad niyang dalawampu't dalawa ay magpapakasal na siya sa babaeng hindi naman niya mahal, pero dahil masunuring anak siya ay agad niya itong tinanggap sa sarili niya. Inisip niya na para sa ikabubuti ng kanilang negosyo ang gagawin niya. Hindi makasarili si James, sa katunayan kahit mayaman na sila ay naghahanap pa rin siya ng trabaho para sa sarili niya, gusto niya kasing buhayin ang sarili niya sa sarili niyang pera, ayaw niyang umasa sa pera ng kanyang magulang, gusto niya pinagsisikapan niya ang bawat salaping nakukuha niya.
[o sige po Ma, mag-iimpake na po ako]
"o sige, ipapasundo na lang kita kay Mark"
[sige po Ma] magalang na sagot nito at binaba na ang tawag.
Lumapit siya kay Myra para sabihin na papunta na ang anak niya at handa ng sumama kina Myra.
Alam nitong mahirap pang tanggapin na ikakasal ang anak niya sa anak ng mga Lustre, pero alam din niyang hindi marunong tumanggi si James sa bawat utos na binibigay ng kanyang magulang, alam nilang mauunawaan agad ito ni James dahil ang puno't dulo nito ay ang pag-angat muli ng kanilang negosyo.

YOU ARE READING
The Sudden Marriage
ContoStory about an old fashioned lady whom gonna marry a not so perfect man but in the end they will find themselves falling for each other. --------- All Rights Reserved 2016