"Ano?!"
"Wala..." masungit na reklamo ni Mhiel.
Hinde! May sinabi ka eh! Ulitin mo!!! (^.^)
"Umupo ka nga. Nakakapagod kang kausap."
Hinila ako nito paupo sa two-seater bench na malapit sa amin. Tinanggal ko ang papak ko at sumandal. Napatingin ako sa pwesto ko papunta sa gate palabas and napaisip ako...
"Hindi ko dito nakita ang pinsan mo. Dun oh." Ngumuso ito sa direksyon sa kabila.
Yun ba ang iniisip ko? Ayoko man, napatingin ako. Wala namang upuan dun. Sinungaling.
"Nakatago sya sa may halamanan." sabat nito.
Inirapan ko si Mhiel. Nakatingin na ito sa akin na tila nag aabang ng irereact ko kaya umiwas ako ng tingin papunta sa pintuan ng hallway. Bakit ba kasi ito nandito? Tatambay ba sana sila ulit dito sa labas?
"Wala akong inaantay na iba." sabi nitong parang trinatamad na nang aasar.
"Ano ba? Tinatanong ko ba?" naiinis kong sabi. Nagbabasa ng isip ng may isip? Hmp!
"Sus..." He grunts and sigh.
Huminga din ako ng malalim. Bakit ba nya ako pinaupo pa dito? Napakamot ako ng ulo. Lumingon lang ako sa kanya nang i-bend nito ng husto ang ulo patingala sa sandalan ng bench habang sapo ang mukha.
"Lasing ka talaga noh?" naiinis kong sita.
Huminga ito ulit ng malalim saka nagstretch ng mga kamay sa sandalan na umabot hanggang sa magkabilang dulo ng upuan.
"Nakakainis ka talaga..." he said with closed eyes.
"Bakit ako? Ako ba nag abot ng alak sa'yo? Abno..." mataray na sabi ko kahit mahina ang boses ko. Ayoko namang may makarinig sa amin at mapagkamalang nagbubugbugan kame dito.
"Kung tinitingnan mo lang sana ako from time to time, napansin mo sana ang ginagawa ko." Sabi nitong nanunumbat. "Kung sino sino kasi kinakausap mo..." Dumilat ito para lang Irapan ako. Sungit.
"Grabe... anong arte? May mga kamag anak kaya akong nageffort lumuwas mula probinsya." Depensa ko. "Bakit, sino bang mga kasama mo't kung ano ano pinaggagagawa mo?"
"Wala nga. That's my point. Lahat kayo busy. Waiter lang may oras sa akin."
Tiningnan ko pasimple si Mhiel. Nakapikit pa din at parang nagtatanggal ng hilo.
"Hwag ka ng pababy..." binunggo ko ang balikat nito.
Para naman akong nakaramdam ng hiya. Talaga bang mag-isa lang sya kanina? Imposible. Tumitingin tingin naman ako sa kanya kapag nahahagip sya ng mata ko at madalas naman itong kausap ng mga nasa educ club. And I am busy. Totoo namang kinumusta ko ang mga relatives ko. At syempre ang pamilya ko. Ibig sabihin may alak yung mga hawak nyang baso? Sira ulo talaga toh.
"Sino ba kasing may pakana ng alak, ha? Ikaw no?" Lingon ko sa kanya
"Jhell, may party bang walang alcohol?" Silip nito sakin.
"Meron."
"Saan? Sa jollibee?" Mataray nitong sabi.
Natawa ako saka umoo. "Pero meron, diba?"
"Wala ka sa Joli Town." Tumingala ulit ito.
"Oo na... nasa maganda na kong fairy land." Malambing kong sabi. "Thanks to you."
"At last. Napansin din ang effort ko."
"Grabe sya..." tingin ko ulit sa pwesto nya na may pagka oa. "Magt-thank you naman talaga ako. Lagi kang atat mapasalamatan."
BINABASA MO ANG
In Love With A Gay.
RomanceJhello, tough, sexy, bright and pretty. But she's more of the knight in shinning armor. And she's me. Rahmiel. Tall, fair and handsome. But he's the damsel in distress. And I'm in love with him. What?!