The Battle

205 16 6
                                    


"You're late." Salubong ni Denise sa akin.

"Sorry. Nakaidlip ako sa locker."

"Bakit? Puyat?" Gabby grins. "Anong oras ka umuwi? Ha?"

Kumunot ang noo ko. "Ano ako, matanda? Ginagabi? Baliw lang..." tinatamad kong sabi.

Gabby giggled.

"Eh anong pinagpuyatan mo? Saan ka galing kagabi?" Si Denise. "May katext ka na magdamag noh? Uyyyy!"

"Maaga po ako natulog. Nagmall lang kame, inay. Grabe sila..." Naghikab ako ng mahaba saka nagstretching.

"So.. kwento ka naman. Is he ok? Boyfie material?" Excited na tanong ni Gabby. "He is, right?"

"Okay lang. Masaya sya kasama."

"Mukhang hindi." Mabilis na reaction ni Denise. "Bagsak ang manok mo, hahaha!" Tukso nito kay Gabby.

"Hay naku, too early to tell. Saan ka nga galing at puyat ka?" Gabby asked.

"Nagising lang ako ng maaga, then di na ko nakatulog. Nagjogging na lang kame ni L. Napagod ako."

"Alam mo, Jhell, you should look at L as a man." Si Denise.

"Bakit, di naman bading tingin ko sa kanya ah..."

"That's not what I meant, hahaha! Kalokah ka! What I mean is single si L, walang girlfriend, gwapo, matalino... ok di ako sure dun, pero he looks decent enough. And he knows you more than I think we do. Right?"

"He is everything that you said. What's your point?" Ipinatong ko ang ulo ko sa back pack na nasa harap ko. "Pwede bang hwag tayo mag usap tungkol sa bakla?" Nakaramdam ako ng inis. Ayoko ng topic, nakakaasar.

"Bakit sinong bakla?" James asked suddenly coming from nowhere.

Pinsan mo.- bulong ko sa sarili ko.

Inihilig ko ang ulo ko sa bag and tried to take a nap ulit. Tutal wala pa ang P.E. teacher namin, magpapahinga muna ako. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang antok. Bago kasi kami magbreakfast ni L ay niyaya ko pa ito ng isa pang round kaya naubos ang lakas ko at kumain ako ng madami. Ngayon ay inaantok na ako.

"Pre... anlamig ah." I heard Daniel said. Parang nangaasar.

"May sakit ka ba? Bakit di ka sumasagot kagabi, tinatawagan kita. " James said.

"Yeah, you look pale. Okay ka lang?" Gabby said.

Si Daniel ang nang asar, si Gabby ang huling nagsalita. Hindi aasarin ni Daniel si Denise. Sinong tinanong ni James na may sakit?

"Why, what did you need?"

Si Mhiel.

Napadilat ako ng mata as I heard his voice. I tried not to flinch even just a little. Ayokong makita nyang nagreach ako just in case tumingin sya sa akin.

He doesn't look sick kaninang umaga. Nag iinarte lang siguro. Hmp!

"Wala naman. I was just gonna drop by to your place sana to borrow some CDs, but Tita said, masama ang pakiramdam mo kasi nagkulong ka daw sa kwarto. Ni hindi mo daw sinilip si Raphael kaya di na ko tumuloy."

"Headache." He simply said.

Something in his voice made my tummy swirl. Is he really sick? I wanted to look at him but I stopped myself. Masama na ang pakiramdam nya kagabi pa? A guilty feeling poked my chest. Masama na ba pakiramdam nya nang itulak ko sya kanina? I tried to sleep again nang pumito ang teacher namin. Time for class.

In Love With A Gay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon