Chapter 4

23 2 0
                                    

9:30 na, hindi pa ako makapamili ng damit na isusuot ko.

'Anu kayang maganda?' Tanong ko sa sarili ko, hindi ako makunteto sa kung anong isusuot ko, ewan ko ba. Hindi naman ako ganito, madalas naman akong mabilis sa pamimili ng damit na isusuot. Siguro ay iniisip ko parin yung lalake kahapon sa cafe. Kung makikipagmeet ako sa kanya, sa tingin ko kailangan kong pagandahin ang isusuot ko. Pero........

Ano ba tong iniisip ko!

As if namang seryoso siya dun diba? Saka ngayon ang araw ng gala namin ni Roy. Hindi ko naman ipagpapalit ang gala namin dun no.

'Makipagkita ka na dun, malay mo.. maging kayo!'

Pumasok ng parang kidlat ang mga sinabi sakin ni Angel kagabi ukol sa lahat ng mga nangyare na ikwinento ko sa kanya sa utak ko...

Namula ako nang bigla kong naalala yun. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ng mabuti ang sarili ko. Simple lang ako, walang espesyal tungkol sa akin kaya malabo ang mga sinasabi sakin ni Angel.

Nalungkot ako habang iniisip ko ang mga katotohanan nang biglang parang sampalin ko ng realidad.

'Teka, Teka.. gusto ko ba siya?'

Yan ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Agad akong tumawa ng malakas tungkol sa mga iniisip ko.

'Buang na talaga ako'

Oo, buang na! Epekto siguro ito ng mga nakalipas na pangyayare. Besides, dapat di ko siya prinoproblema. Forget! Forget... Dapat ang iniisip ko ngayon ay ang gala namin ni Roy.

'Yung gala namin ni Roy!'

Halos nakalimutan ko na na may gala pa pala ako ngayon. Tumingin ako sa orasan at nakitang 10:15 na. Nagulat ako dahil late na ako. Ganun ba talaga? Halos 45 minutes akong nagiisip ng kung ano-ano at walang kakwenta kwenta.?

Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin.

Tinignan ko ang sarili ko nang mabuti at agad akong nagdesisyon sa kung ano ang aking susuotin. Kumuha ako ng green na t-shirt at skinny jeans, agad ko itong sinuot. Napili ko rin ang aking sneakers para maging sapatos ko. Humarap ako sa salamin ng panghuling beses. Simple lang ang suot ko, ako yung tipong typical na teenager na makikita mo lang. Yan ang naisip ko about sa sarili ko.

Walang make up-make up, kinuha ko na ang bag ko at diretsong umalis sa pagmee-meetingan namin ni Roy, sa cafe.

~•~•~•

Mag aalas-onse na nang dumating ako sa cafe. Nakita ko si Roy na tahimik na naghihintay.

"Sorry late ako."

"Okay lang yun. Isip isip ko nga actually, masaya naman maghintay."

"Panu naging masaya yun e halos isang oras akong late?"

Pranka kong tinanong kay Roy, nilagay ni Roy ang kanang kamay niya sa ulo ko at tinapik tapik ito.

"Halika na nga, late ka na tapos hindi pa natin bibilisan. Hay babae talaga."

Pabirong sinabi ni Roy.

"Anung sinabi mo!?"

"Wala."

"Hindi naman lahat ng babae ganito- talagang natagalan lang ako kanina-"

Tinigil ako ni Roy sa pagsasalita at sinabing

"Iba ka sa kanila... espesyal ka."

Medyo namula ako sa sinabi ni Roy. Baka naman nasabi niya yun dahil kaibigan niya ako. Sure akong walang ibang meaning yun.

Bakit Maalat Ang Buhay ni SnyrrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon