Chapter 6

13 0 0
                                    

"Omg! What? Why? How?"

"Ssshhh. Angel, uhmmm.. kasi"

"May nangyari ba sa inyo!?!?"

"Angel!"

Hindi ko naiwasang mapasigaw ng malakas. Hindi ko parin maialis sa isipan ko ang nangyare. Pag mas lalo kong iniiwasan isipin, mas binabagabag pa ako ng aking damdamin. Ano ba to? Hindi maari tong nararamdaman ko.. I barely know him.

"So may nangyari talaga sa inyo no?"

"Wa..wala noh..!"

"Bakit ka denial.. hmmm??"

Hindi ko maiwasan magsinungaling kay Angel, kahit nakakairita siya, kilalang kilala niya ako kaya sinabi ko sa kanya ang lahat.. including the kiss.

"Omg! I so want to meet him!"

Kung makapagsalita si Angel, para namang boyfriend ko na yung Nyro na iyon at para namang sasama siya sakin pag hinarap ko siya sa mga kaibigan ko atsaka... hindi nga ako sigurado kung makikita ko pa ulit siya. Kasi, after the kiss, bumalik siya sa pagtulog niya. Alam ko namang wala lang yun sa kanya, sobrang taas ng lagnat niya kaya imposible na alam niya ang ginagawa niya. At gabi narin nun, kailangan ko din matulog kaya natulog muna ako sa kwarto ni papa dahil hindi naman siya makakauwi nung araw na iyon. Ngunit, pagkagising ko. Wala na siya sa kwarto ko, niligpit niya pa nga yung hinigaan niya. Pero wala siyang iniwan na kahit ano. Kaya ngayon, hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o huli na iyon. Nakakalungkot kung yun na ang huling pagkikita namin.

'Teka!' Namulat ang mga mata ko, bakit nga ba ako malulungkot? Sino ba talaga siya sa akin? Bakit? Bakit? Anu ba tong nararamdaman ko. Hindi ako pinatulog nito ng buong gabi.

"Bakit ganyan ang mukha mo ha, Sny?"

"Aa-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang mga babaing naghihiyawan sa may pintuan sa canteen.

"He's cute" sabi ng isang babae

"Gosh, hindi ko akalain." Sabi naman ng kausap niya.

"Snyrrah!"

Agad akong napatingin kay Angel nang tinawag niyang malakas ang panglan ko.

"Bakit?"

"Alam mo ba ang mga pinaguusapan ng mga babae dun?"

"Mm. Actually, wala akong idea e."

"Tingin ko alam ko na..!"

Tumingin sa akin si Angel na may abot-tengang ngiti. Napalingon ako kay Audrey, isa naming kaibigan nang tinawag niya ang pangalan namin.

"Sny!! Angel!! Nakita niyo na ba siya?"

Tinaasan ko ng kilay si Audrey at tinignan siya ng may pagtataka sa aking mukha. Inirapan ako ni Audrey na para bang ako nalang ang hindi nakakaintindi sa sinasabi niya.

"Duh, sny.. yung new prof! Gosh. He's... ugh

Nakakailig.!"

Hinila ni audrey ang kamay ni Angel para hanapin nila yung bago naming prof na pumalit kay Miss Hazel.

Huminto si Angel at tumingin sa akin ng may expression na 'sasama ka ba?'

"Pupunta pa ako sa library, kita nalang tayo mamaya."

Yan nalang ang mga sinabi ko sa mga kaibigan ko at umalis na sila. Sa totoo lang, wala naman akong interes makita yung new professor pero hindi ko rin maialis sa isip ko kung anu kaya ang itsura niya at kung bakit kinikilig ang mga babae sa kanya. Dahil tuwi na lamang makakarinig ako ng salitang 'gwapo' isa lang ang naiisip ko at ayun ay si 'Nyro Magsino'.

Bakit Maalat Ang Buhay ni SnyrrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon