Prologue

28 2 0
                                    

"Nothing compares to your beauty."

yan ang huling sinabi niya sakin nung gabing huli ko siyang nakita

Pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Nakakapagtaka kung bakit niya ako iniwan, pagkatapos niya akong dalhin sa lugar na yun. Isang lugar na hindi ko alam, iiwan niya lang ako basta basta? Pinuntahan ko muli ang kubo sa tabi ng dagat para tignan kung nandun pa siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang napansin ko na mga gamit ko nalang ang natitira. Sinubukan kong halubugin ang mga gamit ngunit wala akong nakitang mga gamit niya maliban sa tsinelas na ginamit niya kagabi.

Sinubukan ko pakalmahin ang sarili ko, hindi niya naman ako basta iiwan diba? Sinubukan ko ding i-text siya ngunit wala nga palang signal sa lugar na to. Bumalik ako sa may dalampasigan at sinubukan ko siyang hintayin. Ngunit nawawalan na ako ng pag-asa, mistulang hindi na siya babalik. Niyakap ko ang sarili ko at hindi ko na napigilang umiyak. Bakit siya ganun? Hindi man lang siya nag-iwan ng sulat?

"Gago siya"

yan ang mga salitang lumabas sa labi ko habang umiiyak.

Nagmistula akong tanga na sumama sa kanya, at mas tanga sa paghihintay sa kanya dito sa may tabing-dagat.

Namulat ang mga mata ko, Iniwan niya nga talaga ako ng mga isa!

Napakatanga ko, umasa ako.

Umasa akong magugustuhan niya ako. Ako, na si Snyrrah, magugustuhan ng isang mayaman at kinikilalang si Nyro Magsino.?! Sinampal ako ng katotohanan. Let's just face it! Isa lang naman ako sa mga babaeng napaglaruan niya.

Habang umiiyak ako, hindi ko na halos namalayan na umuulan na pala. Ilang segundo lang ang nakalipas agad itong lumakas.

Imbis na bumalik ako sa kubo at magpatila ng ulan. Para akong paralisado at hindi makagalaw.

Tumingin ako sa kalangitan habang pulang pula parin ang mga mata ko sa kaiiyak.

"Lord naman o"

nasabi ko yan dahil napakamalas ko nga naman talaga. Hindi lang sa pagibig kundi pati sa palagay ng panahon.

Habang nakatingala, nakakita ako ng kulay pula sa itaas. Doon ko din namalayan na payong pala ito na nakasilong sa akin.

"Miss?"

Sabi ng lalaking nagpapayong sakin, napalingon ako at nagulat sa nakita.

There's something about him na hindi ko mai-alis ang titig ko. He's so....... gorgeous!

Bakit Maalat Ang Buhay ni SnyrrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon