Chapter 5

20 0 0
                                    

Halos buong magdamag lang akong nakatitig sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama ko. Hindi ko alam ang ipapaliwanag sa tatay ko kung bakit may isang estranghero sa bahay. Kung iisipin, isang estranghero nga talaga siya dahil hindi ko naman siya kilala ng lubusan. Ngunit pinapasok ko padin siya dahil... Bakit nga ba? Napakatanga din ng ginawa ko pero nandirito narin naman kami. Hindi ko lubos maisip kung papaano ulit kami nakarating sa ganitong sitwasyon. Basta ang naaalala ko lang ayaw niyang umuwi kaya nandito kami sa bahay ko ngayon.

Ganito kasi ang nangyare, nang napansin kong siya pala ang lalaking iyon, dahan dahan akong lumapit sa harap niya upang isilong siya sa payong ko. Nang nasa harap na niya ako, tumingin siyang diretso sa mata ko, napansin ko ang galit sa mga mata niya. Papaano ba naman, ang tagal niya akong hinintay.

"Bakit ngayon ka lang?"

Iniwasan niya muna ako ng tingin bago niya sabihan ang mga salitang iyon. Mahinahon naman ang tono ng pagsasalita niya, naisip ko na kahit galit siya sa akib. Medyo napakalma siya ng katotohanan na kahit ganun, dumating pa din ako.

"Hindi ko naman kasi alam na seryoso ka."

"Kung iniisip mo palang niloloko kita, bakit ka pa pumunta?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Hindi ko alam kung anung isasagot ko sa tanong niya. Bakit nga ba ako pumunta pa? Dahil ba kasi hindi kakayanin ng konsensya ko ang hindi pumunta? O dahil kahit ganoon siya, napaisip akong sincere siya sa sinabi niya?

"Bakit mo pa ako hinintay?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko."

"Kung alam mong hindi pala ako pupunta? Bakit ka pa naghintay?"

Tinangka ko talagang hindi pansinin ang sinabi niya. At tingin ko, effective ang move ko! Hindi din siya nakasagot sa tanong ko. Kung anuman ang kasagutan niya sa tanong ko, yun din ay maaaring ang sagot sa tanong niya sa akin. Saka kung tutuusin, mas marami dapat akong katarungan sa kanya tulad ng, papaano niya ako nakita ng araw na sinagip niya ako.

"Kung alam mo lang, ayokong pinaghihintay ako." sinabi niya yun ng medyo may malambot na tono sa pagsasalita niya.

"Hindi mo naman kailangan maghintay, o kung matigas ka talaga at pinilit akong hintayin.. Bakit hindi ka nalang muna... uhmm sumakay sa kotse mo?"

"Hindi mo ba nakikita, wala akong dalang kotse ngayon."

Umikot ang mata ko sa paligid. Wala nga talaga siyang kotseng dala. Bakit kaya?

Nang tinangka kong tanungin siya agad na siyang nagsalita.

"Huwag ka nang magtanong. Alis na tayo."

Pwersa niyang hinila ang kamay ko papaalis, doon ko din napansin na tumila na pala ang ulan. Tumigil ako habang naglalakad kami at namula ang pisngi ko dahil napagtanto ko na hawak niya ang mga kamay ko. Nang bigla kaming tumigil, tumingin siya sa akin at ang mga mata niyang mistulang nagtatanong.para takpan ang reaksyon ko, yumuko ako at pinunasan ang binti ko. Kunware nalang na nabasa ang binti ko ng putik habang naglalakad sa basang kalsada. Tumingin muli ako sa kanya para magtanong

"Saan ba tayo pupunta?"

"Dahil pinaghintay mo ako ng matagal, gutom na ako kaya kailangan mo akong ilibre ng pagkain. Kahit saan, basta libre mo!"

"Ha?!?!"

Nagtitigan lang kami ng matagal hanggang sa sumuko ako. Nilabas ko ang wallet ko, medyo marami pa akong pera dahil hindi ko pa nagagastos ang ibinigay na pera sa akin ni tita Carmen. Tumingin muli ako sa kanya at inirapan siya. Doon ko napansin na nag 'smirk' pala siya. Bumagsak ang puso ko sa ginawa niya. Ang.... ang gwapo niya. Namula muli ang pisngi ko, sinubukan kong iwasan siya mg tingin. Ngunit mas lalo pa yatang namula ang pisngi ko nang tinitigan niya ang mukha ko.

Bakit Maalat Ang Buhay ni SnyrrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon