O N E :

0 0 0
                                    

Jayden Salvador:

Ano ba namang klaseng paaralan to? Nakakalola sa laki grabe! Doble yata ang laki nito sa skwelahan ko dati. Malaki din naman yun kaya lang mas malaki to. Nakakainis lang dahil pinatransfer pako ng magaling kong lolo dito sa paaralan niyang di ko type. Tsk! Isang taon na nga lang yung kulang ko para makapagtapos na ako ng collage tapos inilipat pako dito at pano yung mga kaibigan ko dun? Sila Hannah, Shenee.... Argh nakakainis! Nagugutom nako! Saan ba ang cafeteria dito?!

May nakita akong babae na mukhang mataray pero kere lang. Pfft! Ano kayang trip niya at sa malapit pa talaga siya ng trashcan nakatayo! Haha Basurera!

"Excuse me. Magtatanong sana ako kung saan banda ang cafeteria?" kaswal kong pagkakasabi sakanya. Tinignan niya muna ako from head to toe. Duh! Whatever di ako kagandahan kaya pabayaan na. Pero sa oras na galitin niya ako kakalbuhin ko siya.

"Do i know you?" taas kilay niyang tanong. Ah ganun! Tinaasan ko din siya ng kilay. Tsk! Pataasan pala ng kilay ang gusto niya ah! Sige magpataasan tayong dalawa. Hanggang sa mabura yang peke mong kilay.

"Aba malay ko at miss na-trip-tumambay-malapit-sa-basurahan--na-akala-mo-basurera wala akong panahon na magpakilala sayo okay? Nagtatanong lang ako kung saan banda ang cafeteria dito."
diretsang sabi ko sakanya. Eh bakit ba? Wala namang masama dun sa sinabi ko eh!

"Anong sabi mo?"

Di ko na siya sinagot at tumakbo na palayo pagkatapos kong ibinuhos sa damit niya ang ink. Ganyan talaga kapag laging handa, laging may panangga. Narinig ko ang pagsigaw nung babae pero wala akong pakialam sakanya. Haha Whatever di ako kagandahan kaya pabayaan na. Anong connect?

Nakakapagod tumakbo! Pero enjoy naman sarap sa feeling dahil habang tumatakbo ako hawak hawak ko padin yung lalagyan ng ink at iniwasiwas ko din habang tumatakbo ako. Haha yaan niyo na ako dahil alam kong mamaya detention ang bagsak ko. Ayos nga yun eh para di ako makapasok sa klase. Pero ayoko dun.

"What the?! Hoy !"

"Aaaaah~ nadumihan ang damit ko!"

"Puta! bumalik ka dito!"

Ah~ So sad.. Mga ugok kayo! Mas malala pa nga diyan ang naranasan ko dati eh! Pero mararanasan din nila yan soon! Huminto ako sa may lounge para magpasabog. smirk.

"Aaaaah!"

"Kyaaah!"

Sigawan ng mga tao doon. Weeeeew~ ang ganda nilang tignan! Haha! Ang ganda talagang bumasag ng kung ano ano. Tsk! Binato ko lang naman yung mga salamin na nakikita ko. Hmm feeling ko unti unti ko ng nagugustuhan ang school na to.

"Hoy miss! Itigil mo yan or else?!" galit na sigaw ng lalaking nasa likuran ko. Okay lang na tawagin ako ng kung ano mang pangalan wag lang akong i-hoy dahil nakakakolo ng dugo!

Nakapoker-face kong nilingon siya. Bahagya akong nagulat pati din siya pero nakarecover din agad ako sa pagkakagulat pero si kuya shock parin. Whatever di ako kagandahan kaya pabayaan na.

Unexpected GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon