T W O :

0 0 0
                                    

"Grabe ka naman Tao. Ngayon nga lang ulit tayo nagkita tapos bukas na bukas na pala ang alis mo dito sa school nato?"

Kasalukuyan kaming naglalakad patungong cafeteria at kalalabas palang namin sa detention. Mga tatlong oras lang naman kami dun. Warning palang daw. Kaya pala napunta siya dun dahil di nama n talaga siya nadetention. Natutulog lang siya tsk! Habang naglalakad kami pinaguusapan namin ang naging buhay namin nung nagkahiwalay na kami at ayun naikwento niyang magtatransfer na pala siya kaya naman nageemote na naman qko dito. Kasi naman! Sobrang saya ko na sana eh! Panandalian lang pala yun.

"Tao wag ka nalang tumuloy. Please.. Kahit na araw araw pa kitang pakainin."

Tumawa lang siya at inakbayan ako. "Babalik ako dito Aisle at kailangang pagbalik ko babalik na ang dating ikaw ha."

Napayakap nalang ako sakanya. Pano nga ba ako babalik sa dati kong walang tao na tutulong sakin? Gusto ko sanang sabihin sakanya yan pero ayoko namang ako ang dahilan para di matuloy ang alis niya. Alam ko naman kung gaano na niya kamiss ang magulang niya na nasa ibang bansa.

"Susubukan ko." sambit ko at mas lalo ko siyang niyakap at yumakap din siya sakin ng pabalik.

"Bawal magPDA dito."

Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay tao at hinarap yung nagsalita. Napataas ang kilay ko ng makita ko siya psh!

"Ikaw na naman? Pwede ba? Wag mo akong pakialaman. Kanina ka pa eh! Kung ako sayo pumasok ka na dun sa klase mo para naman magkalaman yang ulo mo! Tara na tao." sabi ko at hinila ko na si tao paalis pero bago niyan itinaas ko muna ang dalawa kong kamay at nagmiddle finger. Nakita ko naman siyang napailing. Pinapainit niya ang ulo ko.

Di ko naihatid si Tao sa airport dahil kay lolo na gustong makipagusap sakin. Kaimbyerna! Grrrrr! Kung di ko lang siya lolo.

"Lolo nalagpasan na natin yung office mo."

Di niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagalalakad hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang classroom. Mukhang walang teacher. Duh! May feeling teacher pala sila. Yung kapreng hilaw printing nakaupo sa teachers table at yung mga kaklase niya naman parang mga sirang nakikinig sa mga litanya niya.

Ng mapansin ni Kapre na nandito kami sa labas siya na mismo ang lumapit samin.

"Good morning Mr. Salvador ano pong kailangan niyo?"

"Pwede mo akong tawaging tito kapag walang nakikinig." sagot naman ni lolo sakanya. Hanu daw? Tito? Pinsan ko ba to?

Unexpected GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon