©HäP+ê® 2

142 8 2
                                    

Yoona Lordymaine Pernicol's POV

Napalingon kagad ako ng marinig ko ang tunog ng pinto. At nakita ko doon si Taeyeon unnie na nakabusangot kasama ang kanyang ang oh-so-loving care nyang manliligaw na si baekhyun.

"Good morning, unnie and baekhyun!"

"Morning." "Good morning!"

"Oh Baekhyun, ano na namang ginawa mo kay unnie? Ba't ganyan na naman ang mukha nyan?"

"Wala nilambing ko lang." Nakabungisngis nyang sagot sakin.

"Anong lambing? Lambing bang tawag yung panggugulat at pagsampa sakin sa likod? Kung jombagin kaya kita jan?!"

Eto talaga si unnie o, umaariba na naman ang pagiging amasona nya. Hahaha.. May pagkaboyish kasi sya. Minsan naman ang pagiging pervert nya.hahaha. Sya nga pala ang tumatayong leader ng grupo namin. Wag kayong mag-alala mabait naman sya at responsable. Matalino, dorky, maingay, sadista at talented din sya.

"Grabe ka naman, ang sakit mo kaya manapak. Sorry na." Nakapout nyang sabi. Hahahaha.

"Bading ka ba ha? Tsk. Buti na lang di ako napilayan ng buto. Kung hindi naku! Sinasabi ko sayo! Psssh.Ang sakit tuloy ng likod ko." Sabay hawak nya sa balikat at likod nya.

Napatawa naman ako sa naging reaksyon nya kaya tinignan nya ako ng masama. Napatahimik tuloy ako. Habang si Baekhyun naman ay lumapit sa kanya at hinilot ang balikat nya.

"Asan ang masakit? Dito ba? Ha?

"Aiish,tigilan mo nga ako baek! Dun ka nga!" Sabay tanggal nya sa kamay nito.

"Eto naman. Nilalambing ka lang e."

"Che!"

Ang sweet talaga nila.hehehe. Kaya sana sagutin na sya ni unnie. Bagay kasi sila. Kahit sino naman kasing makakita,mmasasabing may spark talaga sa kanila.. At kahit na ganyan sila, makikita mong merong something na kulang na lang talaga matamis na oo ni unnie. Haaay, sana ako din may ganyan katulad nya.

"Baekhyun nasan na nga pala yung bestfriend mo? Ba't di mo kasama? At itong si unnie ang pinepeste mo ha?"

"Grabe ka naman sakin Yoona."

"Hahahaha, joke lang eto naman. Hahahaha" Nakapeace sign kong sabi sa kanya.

"Yung hinayupak na tenga na yon? Nandon pa sa bahay nila. Papaalis pa lang ata."

"Yoona, ano yan?"

"Ha?"

"Yan."

Tinuro nya yung sketch pad ko. Agad ko namang tinago ito.

"Wala unnie. Ano lang--"

"GOOD MORNING SUNSHINE!!!!HELLO YOONA AND TAEYEON NOONA!!!!HI LUHAN AND BAEKHYUN HYUNG!!!"

"CHEN! ANG INGAY MO! PWEDE BA TUMAHIMIK KA!! ANG AGA AGA!! -Taeyeon

(A/N: Isipin nyo na lang po na magkaka-age lang po sila. Ang agwat lang nila months lang. Okay po?Thanks.^.^)

"O noona ang highblood mo ah? Anyare?"

"Sssssshh..Chen, wag ka nang maingay baka ikaw pa mapagbuntunan nyan ng inis nya."

Lumapit sya sakin at nilapit ang tenga nya sa bibig ko.

"Anyare noona?" Bulong nya sakin. Tinulak ko ang ulo nya.

"Ang tsismoso mo talaga. Bumalik ka na nga sa upuan mo."

Nagkamot na lang sya ng ulo at naglakad na papunta sa upuan nya sa bandang likod ko. Pagkalingon ko kila Taeyeon unnie ay hawak na nya ang cellphone nya habang si Baekhyun naman ay ginugulo si Jayzel. Maya-maya nagsidatingan na din ang iba.

lOvE sIcK ×LuYoon×Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon