Allaine
Bumangon ako, bumangon ako sa sahig na kinauupuan ko. Tulad nang ginawa ko ngayon ay ibabangon ko ang sarili ko. Makikita niyo, magbabalik ako. Hintayin niyo ako, pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo!
Palabas na ako nang pinto nang biglang yakapin ako ni Margarette!
"Anak please, don't leave us." Humahagulgol na pag-mamakaawa niya. Ano ba 'tong kadramahan na ito? Diba gusto niya naman ito, na makita akong nasasaktan! Dahil kung hindi niya 'to gusto ay dapat simula palang hindi niya na ako hinayaan pang masaktan, sana simula pa lang sinabi niya nang binayaran niya lang si Deuce na mahali ako, at sana rin pinaalam niya na na hindi nila ako tunay na anak! Putang*na! Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Inalis ko ang kamay ni Margarette na nakayakap saakin, ayoko na, suko na ako. Panalo na sila, nasaktan na nila ako. Wasak na ako, wasak na ang puso ko. Nang maalis ko ang pagkakayakap niya ay dali-dali na akong lumabas sa impyernong bahay na ito. Sumakay ako kaagad ng taxi para makaalis na dito, dahil kapag nagtagal pa ako duon ay baka 'di ko na kayananin.
Sobra-sobrang sakit na nang nararamdaman ko ngayon, sobrang sakit malaman na sa buong buhay mo pinaniwala ka lang sa kasinungalingan. Galit at hinanakit ang tanging nararamdaman ko ngayon! Gusto kong gumanti! Gustong-gusto ko!
Buong byahe sa taxi ay umiiyak ako, siguro na-weweirduhan na saakin ang driver nang taxing sinakyan ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay ni Cass. Dali-dali akong bumaba ng taxi at pumasok na sa loob ng bahay nila. Pagkarating ko sa loob ay nasa sala si Cass, at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"C-ass!" Humahagulgol na tawag ko sakanya. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumakbo papalapit saakin at binigyan ako ng yakap. Nanatali kaming magkayakap, wala ni isa mang nagsasalita saamin. Ang laki nang pasasalamat ko kasi nandito sa tabi ko si Cassandra, nandito siya para damayan ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, iniwan man ako ng lahat pero si Cassandra nandito parin at hindi ako iniiwan.
"Cass.. Salamat hah, kasi nandito ka parin sa tabi ko at 'di moko iniiwan.." Umiiyak na pasasalamat ko sakanya habang magkayakap kami.
"Ano ka ba naman Allaine, ano pa't naging kaibigan mo 'ko." Sagot niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit.
"Kapag sasabihin kong okay lang ako magsisinungaling ako." Umiiyak parin na sabi ko sakanya. "Kaya hindi, hindi ako okay Cass. Sobrang sakit kasi Cass eh. Sobrang sakit malaman na all this time buong buhay ko pinaniwala nila ako sa kasinungalingan. Cass.. Ampon lang ako. Putang*na Cass ampon lang ako!" Humahagulgol na paglalabas nang sama ng loob ko sakanya. Tinapik niya ang likod ko.
"Tama na Allaine, kalimutan muna na lang sila. Hayaan mo na sila, nandito naman ako eh hindi kita iiwan." Pagpapatahan niya saakin.
"Hindi Cass eh, ang hirap kasi kalimutan nang ginawa nila. Winasak nila ako, winasak nila ang buhay ko. Pero salamat rin Cass, kasi kahit iniwan na nila akong lahat nandyan ka parin at nanatili sa tabi ko." Kung wala siguro dito ngayon si Cass, mababaliw na siguro ako. Ang hirap kasing lampasan ang problemang ito nang walang kaagapay.
-
Makalipas ang ilang oras na paglalabas ko nang sama ng loob kay Cassandra sa loob ng kwarto niya, ngayon nahimasmasan na ako. Tumigil na rin ako sa pag-iyak ko dahil tama nga ang sinabi ni Cass, kanina.
"Allaine, ang tanga mo. Huwag mo nga iyakan yung taong hindi deserving para sa mga luha mo. Hayaan mo sila, Karma is there and everywhere." Siguro nga tama si Cass, hayaan ko nalang ang KARMA ang gumanti para saakin.
"Allaine may offer pala na dumating kanina saakin." Biglang na sabi ni Cassandra. Bigla akong nagtaka, ano namang offer ito?
"Hah. Anong klasing offer?" Nagtatakang tanong ko.
"Offer sa pag-momodel." Sagot niya. Pag-momodel? Hindi naman nakakapag-taka na may magpadala ng offer kay Cass, kasi maganda naman talaga siya at maganda din ang katawan niya.
"Grab it! Fit na fit ka naman dun!" Suggest ko sakanya.
"Pero.." May pag-aalinlangan pang sabi niya.
"Pero ano? Kunin mo na sayang naman yung offer na yun." Pag-pupumilit ko pa sakanya. Dapat kasi i-grab niya na, minsan lang may dumating na opportunity kaya dapat i-grab niya na ito.
"Pero kasi, sa US pa yun." Nagulantang rin ako sa sinabi niya, grabe naman! Akala ko sa Pilipinas lang naka-base yun pala sa US.
"Ang layo naman pala eh, akala ko sa Pilipinas lang. Pero ikaw rin, kung gusto mo, i-grab muna! sayang ang opportunity." Saad ko sakanya.
"Pag-iisipan ko muna." Ang sabi niya.
"Oo tama! Pag-isipan mo muna nang mabuti." Pagsang-ayon ko sakanya.
"Matulog na tayo." Pagyaya ko sakanya. Tumayo na ako at balak nang lumabas sa kwarto niya at pumunta na sa kwarto ko.
"Sige, pero sure kang ayos kana?" Paninigurado niya saakin.
"Oo. Salamat ulit hah." Pasasalamat ko sakanya, at tuluyan na akong lumabas sa kwarton niya at pumunta na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na akong humiga sa kama ko.
Grabe! It's very bad day! Ang daming nang-yari, ang dami kong nalaman. Ang daming kasinungalingan ang nabunyag, oo masakit pero in some point masaya ako kasi ngayon nalaman ko na ang totoo, kesa naman patuloy parin akong mamuhay sa isang kasinungalingan. Babaguhin ko ang sarili ko, kakalimutan ko na sila. Alam kong aabutin nang mahabang panahon bago ko magawa yun, pero pinapangako ko sa sarili ko. Babalikan ko sila, at sa pagbabalik ko sila naman ang masasaktan. Oo sinabi ko kanina na ang KARMA na ang bahala sa kanila, pero naisip ko rin na kailangan ko rin gumanti, kasi minsan ang paghihiganti lang ang magpapalaya sayo sa sakit at sa nakaraan. Oo masamang maghiganti, pero mas masama ang ginawa nila saakin kaya nararapat lang para sa kanila yun!
Itutuloy...
A/N: Sorry for the short update! Busy kasi eh, bawi ako next time promise :)
![](https://img.wattpad.com/cover/62454734-288-k988457.jpg)
BINABASA MO ANG
How It Feels Beside You
General Fiction"It feels like hell when I'm with you, would I still accept you even if you hurt me before? I still wan't to be with you, but now for different reason. And my reason is.. I want to take a revenge to you and to my family who hurt me before." - Allaine