The Reason
Allaine
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sakanya. Gusto kong kumalas sa pagkakayakap niya saakin. Kadiri siya! Nakakadiri siya!
"No! I love you." Naiyak ako ng marinig ko ang huli niyang sinabi. I love you?! Putang*nang pagmamahal na yan, dahil sa pagmamahal na yan nasasaktan ako ngayon.
"Ang sabi ko bitiwan mo 'ko!" Iyak na sigaw ko, mas lalo ko pang nilakasan ang pagtanggal ng mga bisig niya sa pagkakayap saakin. Ang sama niya! Bakit niya ginagawa saakin 'to!
"Please don't cry. It kills me." Dahil sa mga sinabing niyang yun, mas lalo akong nagalit. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan! Siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
"Umalis kana."
"Pero.."
"Ang sabi ko umalis kana!" Sigaw ko sakanya. Sa wakas na nakatakas na ako sa mga bisig niya.
"No." Ang sabi niya sabay halik sa labi ko. Ano ba! Nakakadiri siya! Sinubukan kong itulak siya, pero mas malakas siya. Nasasaktan na ako sa paghalik niya saakin.
"Please stay." Sabi niya matapos niya akong halikan. Parehas kami ngayong hinihingal dahil sa halik na iyon. Tuloy tuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko.
Sabihin niyo nga? Paano ako mananatili sa tabi niya, kung may kasama na siyang iba.
"Deuce! Hayaan mo na siya." ang sabi niya. Ang kapal niya! Silang dalawa ang may kasalan kung bakit naging impyerno ang buhay ko! Hindi na sila nahiya saakin.
"Stop it Bettina!" Sigaw niya sa ate ko. Oo kapatid ko siya, at may relasyon sila ng asawa ko. Oo kasal na kami ni Deuce.
Biglang hinalikan ni Bettina si Deuce. Sa harap ko hinalikan niya ang asawa ko. Ang sakit sobrang sakit makita na hinahalikan ang asawa mo ng kapatid mo.
Biglang tinulak ni Deuce si Bettina.
"Get off me Bettina! I don't love you anymore." Bakit ganyan siya? Bakit nagbago siya? Nung una hindi naman siya ganyan. Hindi na siya ang Deuce na nakilala ko nuon, at ang Deuce na pinakasalan ko.
"Si Allaine na ang mahal ko!" Sinampal ko siya dahil sa mga sinabi niya.
"Ang kapal mo! Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan! Ano yun?! Pagkatapos mo sa kapatid ko, sasabihin mo ako na ang mahal mo!" Humahagulgol na sigaw ko sakanya. Ang sakit! Sobrang sakit ng mga ginawa niya.
Sinampal ako bigla ni Bettina.
"Ang kapal ng mukha mo para sampalin siya! Sino ka sa akala mo para gawin yun sakanya!" Sigaw saakin ni Bettina. Bakit ganyan siya? Kapatid ko siya, pero anong ginawa niya?
"Ako lang naman ang asawa niya. Ikaw sino kaba para sakanya? Isa ka lang namang parau.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sampalin ni Deuce. Sobrang sakit, feeling ko namanhid ang mukha ko dahil sa sampal niya.
"Don't you dare to say that to her! She's your sister!" Sigaw niya saakin. Natawa ako bigla.
"Sister hah? May kapatid palang nang-aagaw ng asawa na may asawa. Alam mo bagay nga kayo, isang higad at isang makating dahon." Yun ang huling salitang binitawan ko sakanila. Binalak pa ako sampalin ni Bettina pero naunahan ko siya. Binigyan ko siya ng sampal ng isang api. Isang api na napuno na sa kababuyan na ginawa nila saakin.
Nilisan ko na ang impyernong bahay ko. Oo bahay ko yun, pero inangkin nila. Wala nang singkapal ang mga mukha nila. Umiiyak akong pumunta sa bahay nila Cassandra. Pagkarating ko dun ay biglang siyang nabigla sa nakita niya.
BINABASA MO ANG
How It Feels Beside You
Ficção Geral"It feels like hell when I'm with you, would I still accept you even if you hurt me before? I still wan't to be with you, but now for different reason. And my reason is.. I want to take a revenge to you and to my family who hurt me before." - Allaine