Chapter 24:
Keith's POV
(PICTURE NG LAPTOP AT YUNG DRINK NI VINCE SA GILID)
"Ano na Keith? Anong oras na darating ang ipapakilala mo?"siguro mga 100times na tanong ni Vice sakin yan!
"Kala ko ba ayaw mo sa kanya?"tanong ko at uminom ng coffee, dito kase kami ngayon sa SB.
"Wala akong sinabi ah!"sagot niya at binalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop.
"Pre, tignan mo to oh!"sabi ni Vince at pinaharap niya ang laptop niya sakin.
"M.Jewel Primadonne? Oh? Bakit?" Tanong ko
"Pare! Model to sa Korea eh! Diba may ka kilala ka dun?"tanong niya at pinaharap na niya ang laptop niya sa kanya.
"Asa ka naman! Bakit akala mo papatulan ka ng isang model na ganyan ka ganda?!"pang-aasar ko
"Pare, tao parin yan! Kung walang make-up yan simple parin tignan yan! Sexy nito ah!"sabi niya at kulang na lang lumabas ang eyeballs niya sa laptop niya!
"Tss! Mamayang gabi flight niya. Kaya sa Sunday na natin puntahan, ayos ba yun?"tanong ko kay Vince
"Sunduin na lang kaya natin sa airport?!"opinyon niya.
"Sige Pare! IKAW na! Mag-ingat ka ha?!!!!"asar na sabi ko. Masyadong atat makita kababata ko!
"Tsk! Sige na nga! Sa sunday na lang! Pre anong nangyari kay Nicoli? Di na natin nakikita kahit salamin lang niya ah!"Vince
"Syempre, magbubukas na ang school niya sa lunes. Dami naman ng investments niya!"
"Haha!! Madadag-dagan yun! Kasi diba talo ka sa Chess? Pare ang g*go mo dun! Ang dali-dali nun di ka pa nanalo?"Vince
"Yan ang akala mo! Nanalo kaya ako sa motor race! May pambayad na ko, may sobra pa!"sabi ko at uminom ng coffee ko
"Magkano naman?"
"100,000, muntik na nga kami maabutan ng mga police!"sabi ko
"Kamusta naman MV Gusta mo?"tanong niya
"Ayun walang kagalos-galos, di nga siya marunong eh! Parang naglalaro lang kami ng bike!"
"Hahaha! Galing mo talaga pare!"nag-bump fist pa kami.
"San si Xandre at Steven?"tanong ko
"Si Xandre may practice ng basketball, si Steven sa Companya ng Mommy niya"Vince
"Ahhh" yun lamang sagot ko.
2days na lang pasukan na namin. Magiging kuya na naman ako, may ihahatid at susunduin na naman!