Chapter 35: Alaskador and the Maldita

7 1 0
                                    

Chapter 35: Alaskador and the Maldita

Keith's POV

Kasama ko ngayon si Maldita Chanelle at wala siyang alam kung san ko siya dadalhin! Hahaha!! Medyo malayo kasi ang pupuntahan namin, di ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya mamaya! Maasar nga!

"Kanina pa tayo paikot-ikot ha? Ibalik mo na ko sa school kung ayaw mong may masabi ako sayo" pahayag ni Chanelle

"Chill Elle! Dadalhin lang kita sa lugar kung san hindi mo pa natitikman ang mga pagkain sa buong buhay mo" sabi ko habang dumadaan sa masikip na lugar

"Alam mo kasi Keith, kung dadalhin mo ko sa lugar na wala sa plano. Ibalik mo na ko sa school"

"Wag kang mag-alala Chanelle, walang pasok ngayon, masyado ka kasing tutok sa work eh. Kaya hindi mo alam nawalang pasok. Stressed ka na oh!"

"Hinding-hindi ako magkaka-stress alam mo yun ? Masyadong maganda ang lahi namin para magka-stress lang. At ano 'to?" Tanong niya dahil tumigil kami sa isang...

"Turo-turo yan Chanelle. Wala bang ganyan sa Korea?" Pang-iinis ko sa kanya! Sige malds, magalit ka lang..

"Kupal ka alam mo yun? Pumunta ka sa Korea at magbenta ka ng ganyan baka sakaling magkaroon na nun"

"Bebenta ako, kasama kita?"tanong ko at pinark ang sasakyan sa gilid.

"Bakit pa ako sasama? Pahiram na lang kita ng natirang sasakyan ko at instead of cart, yun ang gamitin mo sa Korea"

"Ang sosyal naman nun"at I unbuckled my seatbelt

"Samin ang car eh"proud niyang sabi

"Tara"yaya ko sa kanya.

Lumabas ako ng car, pero hindi parin bumababa si Chanelle. Dito parin ako naka tayo sa gilid ng kotse malapit sa bintana niya. Hinihintay na lumabas siya. Past 10minutes na ata siya sa loob, tinignan ko wala naman ginagawa.

Maya-maya pa, bumukas ang kanyang bintana.

"Pangit!"sigaw niya

"Di ako yun, pogi ako"

"Sige pogi na, Pangit!"tawag niya ulit.

Ang tagal niyang lumabas ah! Taz pangit pa itatawag niya sakin?

"Ano?! Kanina ka pa jan ah?! Wala ka pla------"pinutol niya ang sasabihin ko.

"Kanina pa ko naghihintay dito, hindi mo ba ako pagbubuksan?"tanong niya! Aishhhh!!

"May kamay ka naman ah??"

"Okay"at sinarado niya ang bintana.

Akala ko bababa na siya I was wrong! Hindi talaga siya bumaba! 

*toktoktok* 

Kinatok ko ng kinatok ang kanyang bintana, pero tinitignan niya lang ako at ngingiti! Ngiti na parang ayoko nang makita!

Binaba niya ulit ang bintana nya..

"Oh ano? Pagbubuksan mo ba ako O pagbubuksan mo ako?" 

"Tsss!!!"galit kong binuksan ang pinto ng sasakyan. And there lumabas na din siya hawak-hawak ang kanyang payong! Hindi naman mainit!

Sabay kaming naglalakad, karamihan sa mga tao lumilingon sa kanya! Oo maganda siya, hindi naman kagandahan ang ugali niya!!

Dumating kami sa isang turo-turo stand. Haahaha! Sige kumain ka na maldita.

Tinignan ko siya. Haahhahaha! Naka ngiwi AMP!!! 

"What do you want?" Hahaha! Tanong ko

"I WANT TO KILL YOU!" Pa sweet niyang binulong sakin

ISN'T THEIR MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon