Chapter 17:
Keith's HOT Ride
Keith's POV
*VvVrRoOooooooooMmmmmm!*
Naka-sakay ako ngayon sa aking gray MV Gusta (sa gilid po yung picture) papunta sa lugar kung saan kami nagkakasiyahan. Tinignan ko ang relo ko.
1:45 AM.
Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa huminto ako sa isang malawak na lugar, maraming tao at karamihan mga lalake na may mga bigbikes at mabilang-bilang na numero ng mga sexing babae.
Bumaba ako sa aking MV Gusta at may lumapit sakin na babae na may dalang beer in can.
"Hi baby Keith"bati niya
"Hello baby" Hindi ko ito kilala pero ang alam ko lang sikat ako sa lugar na 'to.
Naglakad ako kasama ang babae at naka kapit siya sa bewang ko, ako naman naka-akbay sa kanya. Medto maliit kase siya.
"Uy! Pare! Kamusta?'tanong nung kakilala ko at nag bump fist kami "girlfriend mo?"tukoy niya sa kasama ko.
"Okay lang!" Sagot ko at binitawan ko ang babae at bumulong sa kaibigan ko "di ah, chix lang"
At tumawa kami.
May dumating na isang lalake sa aming kinaroroonan at kinausap kami.
"Pre, pustahan tayo?"tanong nung payatot na lalake.
"Magkano?"
May utang pa ko kay Nico 65,000. Pero masubukan nga ulit.
"100,000"sagot niya. Yabang!
"Okay!" Sagot ko. Matagal-tagal nadin kase akong hindi naka-laro dito.
"Ngayon na pare!" Yaya niya.
Tumango lang ako at pumunta sa aking MV Gusta.
Naka-helmet nadin ako. Handang-handa na ang payatot sa karera.
*vvrrOommM* *vVrRoOm*
"1, 2, 3!" Sigaw nung mga tao na naka paligid samin. Kasabay ang pagputok ng 38 na baril.
*vROooooOmmmm!!!*
Nauuna si paytot, pero hindi naman kase malayo ang agwat namin. Hinahayaan ko lang siya, malayo pa naman ang finishline.
Mga ilang minuto pa ang pag-ikot namin sa oval na ito. Kelangan lang ng 5laps. Naka-3laps na kami. Nakasunod parin ako sa kanya.
Taena, ang ganda naman ng ngiti niya!! Para siyang aso!!!!! Maghintay ka lang payatot!
4th lap na kami. Malapit na kami sa finish line, ang saya-saya talaga ni payatot dahil sa na-ngunguna siya..!!
Binilisan ko ang pagdrive ko.
Dito na ko sa likod niya. Nakita ko sa kanyang side mirror na tinignan niya ko, kahit madilim nakikita parin to kahit street light lang ang liwanag namin.
Binilisan niya pa ang pagtakbo niya! Kaya, hinarurot ko ang Bigbike ko at pantay na kami ngayon!
Nagulat siya dahil sa bilis niya naabutan ko pa siya!
Sa totoo lang hindi naman siya magaling eh. Sa dinami-dami ng nakalaban ko. Wala pa to.
Umiling-iling na lang ako sa kanya at binilisan ko ang takbo. Mabilis lang to, hindi pa PINAKA!
Nauuna na ako sa kanya ngayon. Sa tuwing lumiliko ako sumsunod ang motor sa direksyon ng aking katawan.
Ang layo ko na talaga sa payatot nayun!
Naka-dating nako sa finish line ng walang ka galos-galos. Madami nading nag-cheer sakin na mga babae, ang ibang lalake naman nakipag-kamay sakin!
Dumating si payatot sa finishline. Ang mukha niya??
Taena!
LUGI !!!
Syempre ginaya ko din si Nico.
"Payatot, just deposit the 100,000 in my account!"sabi ko.
"Anong-----!!"sasabat pa sana siya.
"May Police!!!!!!" Sigaw nung lalake!
"Ano?!!!"sabi ko at dali-daling sumakay ng MV Gusta ko at pinaharurot ito!
Naririnig ko ang sirena ng sasakyan ng police pero naghanap ako ng ibang lugar kung saan pwedeng dumaan at makarating na nang bahay! Good thing sumigaw ang lalake kanina.
Pero si payatot? Di niya ba alam na kami ang may ari ng Bigbikes Corp.? Mahal pa 'tong bike ko sa buhay niya!!