Chapter 36

241 5 11
                                    

36//

(Flashback tayo sa pag.aaway ni Andrei at Zero. Hahaha!)

Zero's POV

\

Pumunta ako ng rooftop. Uwian na eh. Boring pag sa bahay lang. Nagulat naman ako kung sino yung nasa pwesto ko. Tsk. Si Andrei. Tumalikod nalang ako, ayoko makita yung pagmumuka nun.

"Zero." Napahinto ako.

"Alam ko naman na kilala mo ko." Hindi ako nakapagsalita.

"Zero, traydor ka talaga." Humarap ako sa kanya. At nakita ko yung muka nyang galit na galit saken.

"Mahal mo ba talaga si AiLee ha?!"

"Andrei. Ano ba! Hanggang ngayon ba sya pa rin?" Bestfriend ko sya. At sya ang unang naging kaibigan ni AiLee.

"Oo! Sya parin. Hanggang ngayon. Simula bata pa lang tayo, minahal ko na sya. Sinabi ko yun sayo diba?!" kinulweyuhan niya ko. "Lolokohin mo lang sya! Diba kasama sya plano ng Mama mo?!" Naguluhan naman ako sa huling sinabi nitong ni Andrei.

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam!"

"Mahal mo ba si AiLee ha?" Naiinis na ko sa kanya. Gusto nyang malaman ang totoong nararamdaman ko?

"HINDI KO SYA MAHAL!..

...MAHAL NA MAHAL KO SYA, HIGIT PA SA KAIBIGAN, HIGIT PA SA MATALIK NA KAIBIGAN, MAHAL NA MAHAL KO SYA, ANO? MASAYA KA NA HA? MASAYA KA NA?!"

Tinulak ko sya, sapat na para bumaksak sya. Agad akong bumaba. Natanaw ko naman si AiLee na palabas, hahabulin ko sana sya pero nagmamadali syang maglakad. Nasuntok ko nalang yung wall na kaharap ko. Bakit ngayon pa sya nagpapakita? Kung kailan okay na ang lahat. Ginagawa nyang kumplikado!

Naglakad ako na duguan ang kamay ko.

"Zero! A-anong nangyare sayo?" kinuha ni Laureen ang kamay ko.

"Bitawan mo ko." kinuha ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Zero!" hinawakan nya yung braso ko pero tinulak ko lang sya. Nagulat ako sa ginawa ko.

"So-sorry. Just leave me alone" Tumakbo na ko. Hindi ko talaga matataguan ang nakaraan. Isa isa na kong binabalikan. Hanggang kailan kaya ganito?

Laureen's POV

2 weeks na halos ang nakakaraan hindi pa rin pumapasok si AiLee. Natatakot tuloy ako. Sinubukan ko syang puntahan pero masama daw ang pakiramdam nya, ayaw daw nyang tumanggap ng bisita. Kagagaling nga lang uli namin ni Zero sa kanila pero sabi ng Mama nya wala daw si AiLee sa kanila. Halata sa kanya na ayaw nya kaming makausap.

"Zero, sa tingin mo nasaan si AiLee?"

"Hindi ko alam."

Naaawa din ako kay Zero, ang laki na ng eyebags nya. Siguro hindi sya makatulog kasi iniisip nya si AiLee. Biglang nagstop si Zero sa paglalakad at napatingin sa park. Nakatingin ako sa kanya ng biglang tumulo ang luha nya. Nagtaka ako kaya naman napatingin din ako sa tinitignan niya. Si AiLee pati si Andrei magkasama.

Zero's POV

Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansin ako sa Park.

Masaya sila.

Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko at dahan dahang lumalapit sa kanila.

"Oh Zero. Hi" Bati sakin ni AiLee.

Bakit iba ang pakikitungo nya saken? Kahit nakangiti sya, kitang kita ko yung panlalamig nya sakin, saamin ni Laureen.

"AiLee..."

"Hmmm? Why? Oh Zero, meet my bestfriend Andrei..."

"Na-naaalala mo na?" biglang nagsalita si Laureen.

"Oh Laureen, nanjan ka pala. *smile*.. And ha? Naaalala? Meron ba kong maalala?" biglang naglaho yung ngiti nya.

"AiLee I'm---"

"Shut up. Let's go Andrei. Ang daming istorbo. Pati tong BESTFRIEND mo nakikisali. Ay ex bestfriend pala." Nakita kong hinawakan nya sa kamay si Andrei. Nakatingin lang ako sa doon.

"Ah nga pala Zero. Meet my BOYFRIEND." Hindi ako nakapagsalita. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Ze-zero.." hinawakan ni Laureen yung braso ko.

"Naalala na nya.."

-----------

-AeronOfBane

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart For Sale (ON GOING !)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon