I just had to let this out!!! >////< Kinikilig talaga ako ngayon kahit alam kong imposibleng may mangyari. Looool xDDD I’m so hopeless~
--
Kakatapos lang ng first quarter exams namin nang mapagdesisyunan naming tatlo—Ako, si Gen at si Jaja—na mag-punta sa mall na isang jeep lang ang layo sa school namin. Maaga pa nun kaya kaunti pa lang ang tao sa mall.
Nag-lunch muna kami sa McDo bago mag-“window” shopping (Wala naman kasi kaming pera nun, hahaha!). Una kaming nag-punta sa Bench dahil gusting sumubok ng pabango at lip balm si Jaja—syempre, naki-try din kami ni Gen—tsaka nag-punta sa Comic Alley.
After naming mag-laway sa loob ng Comic Alley, na bumili naman ako ng isang merch. actually, nag-punta kami sa Lyric, na obviously, isang musical instrument store. Doon, nag-simulang mangalikot ng instruments sina Gen at Jaja, kasama ako syempre (Kahit wala naman akong alam..)
Habang nakikipag-biruan samin yung clerk sa Lyric, may pumasok na Koreano—isang stylist sa Tony & Jackey—tapos nag-paturo sya dun sa isang clerk kung pano mag-ukulele.
Kami namang mag-kakaibigan, nakatingin lang sa kanya. Pakiramdam ko nun, namumula na ako dahil ang gwapo ni Kuya! Tapos ang cute nya pa habang tumutugtog kasi mahirap yung sinusundan nilang kanta. Muntik na ata akong mahimatay sa kilig nung ngumiti sya (Para pa nga akong tanga kung makasilip sa kanya eh.)
Kanina ko pa kinukulit yung dalawa kong kaibigan kung gano ako kinikilig kay Kuya. Tinignan lang ako ni Gen saka sinabing, “Para kang baliw!” Habang si Jaja naman, imba kung maka-kantyaw.
Paalis na kami sa Lyric tapos ako naman tong si malandi, sinabing…
“Annyong! Annyonghaseyo~!”
And guess what?
…. Ngumiti sya.
Tumalon-talon ako sa tuwa habang nakasunod ako kina Gen papuntang CR. Dapat nga sisigaw ako sa loob kung hindi lang nakatingin samin ng masama yung janitress. Dahil makulit kaming tatlo, bumalik ulit kami sa Lyric. Nandun sya sa may entrance ng Lyric kaya hindi kami makapasok. Ang mas malala pa doon, nakatingin sya saming tatlo. Pero nag-U turn kami pabalik sa Lyric.
At doon, nag-jamming kaming tatlo. Pinag-handaan pa kami nung isang clerk ng mic para daw i-advertise naming yung store nila.
Inaasar-asar nya pa ako, “Kantahan nyo yung Koreano!” Sinundan yun ng kantyawan nila Jaja at Gen. Eh di ako naman tong si kamatis, pulang-pula na ata nung mga panahong yun.
Nakita nya kaming kumakanta tapos sinuggest ni Jaja sakin na kumanta ako ng Korean. Sa sobrang kaba ko, hindi ko masyadong naayos ang pagkanta. Pero for sure, narinig nya yun dahil nasa labas lang naman sya ng Lyric.
Ah, nalaman ko rin pala yung English name nya.
Para akong baliw nung mga panahong yun. Nakilala na nga rin ata ako nung mga katrabaho nya. Mga “fangirl” daw.
Tapos sinuggest pa talaga ni Jaja na dun daw ako magpa-gupit, para namang mayaman ako no. Pero seriously, gusto kong panuorin kung pano sya mag-gupit. Ewan ko, baka mas lalo akong kiligin eh. Ahahaha!
----
WAHAHAHAHHAA! OKAYYY AKO NA MAHAROT~ Siguro nasaktuhan lang na hindi ako nakainom ng gamot ko kaya ako nagka-ganon.
And yep, totoo po ito, nangyari po sya kanina lang. (halata naman diba? xD) Pero grabe, sobrang init talaga ng mukha sa tuwing nakikita ko sya. >////< XD Yiiie ako na may crush! Loool
--07 ❤