May in-edit po ako sa Part 1. XD Class E wizard po si Rian. ^^ Hindi po Class D. Ahahaha. XD
Grabe, mangiyak-ngiyak ako ng mabasa ko yung comment ni Ate Aegyo. TT^TT Kasi hindi lang nya binasa yung gawa ko, nagandahan pa sya tapos nag-bigay pa ng compliments! Sobrang napasaya talaga ako nun. ^^ Nakakataba ng puso pag naaappreciate yung gawa mo. :"">
♦ ♣ ♦ ♣ ♦ ♣ ♦ ♣ ♦ ♣
PRINCE ROUEL'S POV:
Ano? May gusto sa prinsesa? Nag-seselos sa wizard na yon?
Tama naman sya. Pero syempre hindi nya pwedeng malaman! "Wag ka ngang gumawa ng kwento! Wala akong gusto sa prinsesa, responsibilidad ko sya. At selos? Hindi uso sakin yun ano!" Sagot ko sa kanya.
Tinaasan nya lang ako ng kilay, "Weh? Neknek mo! Walang maniniwala sayo! Obvious ka no! Pati Peryton makikitang may gusto ka sa kanya!" Sabi nya. "Sinabi ng wala eh! Napaka-kulit mong Class E wizard ka!" Sagot ko.
"I know right! Geh, alis na ko. Baka hinahanap na ko ni Master. Bye bye Water Frog Prince!" Sabi nya at nag-lakad paalis.
Nakakainis talaga yung babaeng yon. Kung makaasta, akala mo batas.Class E wizard lang naman. Pero, maganda sya ah.
Aish. Ano ba yan Rouel, wag mong iisipin yan! Mas masahol pa ang mukha ng babaeng yon kesa sa Animus Reaper! Oo tama! Mas masagwa pa sya kesa sa halimaw na yon!
RIAN'S POV:
Pinuntahan ko na si Master. Tinuro nya naman kung saan ang klase ko. Ang mga pag-aaralan ng isang Class E wizard na tulad ko ay ang history ng magic at wizardry. Uhh, wala akong clue tungkol dun. Good luck na lang sakin.
Ano kayang system sa school na to? Katulad ba ng sa Hogwarts? Baka hindi. Pumasok na ako sa room na sinabi ni Master Lorcan. Medyo marami ng tao sa room.Pero mukhang wala pang teacher. Nag-hanap ako ng pwedeng maupuan. Nang makakita ako ng isa, umupo na ako. Bale, nasa may gilid ako sa may bandang likod. Katabi ko ang bintana kaya tanaw ko ang mga nag-te-training na wizards sa labas.
Maya-maya pa, may dumating OH EM GEE, IS THAT DUMBLEDORE? Yung pumasok, kamukha nya si Dumbledore! Buhay pa pala sya? Akala ko patay na yan? Dumbledore is haunting us. TT__TT
Okay, kidding aside, kamukha nya talaga si Dumbledore. Wala naman sigurong nabanggit si J.K. Rowling na may kakambal si Dumbledore diba? Wala? Okay.
Nag-pakilala na yung matandang lalaki sa harapan, "Ako nga pala si Mr. Tod Flemwall. Isang Class S wizard. Ako ang mag-tuturo sa inyo tungkol sa kasaysayan ng magic at wizardry. Handa na ba kayo?" Tanong nya. Sabay-sabay naman kaming tumango.
Then, nag-simula na syang mag-discuss about sa history ng magic at wizardry. Kung anu-ano ang nalaman ko tungkol sa magica. Nakakamangha ang lahat ng bagay tungkol dito. Lalo na ang tungkol sa wizards at iba pang mga nilalang na may kakayahang gumamit ng magica.
Inatasan kaming kabisaduhin ang lahat ng sinabi samin. Dahil ang lahat ng ito ay lalabas sa oral at written tests namin. At tanging 100% lang ang passing grade. So kung hindi ako makaka-perfect sa test, hindi tataas ang rank ko. Kaya kailangan kong pag-butihan.
Ang kaso, medyo mahina ako sa oral tests. Kasi, hindi ako sanay dumaldal sa taong di ako komportable.
Enough about me, matapos ng ilang oras na pag-di-discuss ni Mr. Tod, nag-labasan na kami sa room. Pero nagulat ako ng biglang may humarang sakin na tatlong babae. Nakita ko rin sila kanina sa room so ibig sabihin, mga Class E wizards din sila. Pero mukhang mas matanda sila sakin.
Grabe naman tong mga to, baka lagi silang fail sa mga tests? Ay kawawa naman.
"Ikaw, bago ka hindi ba?" Tanong nung nasa gitna. Tumango ako. "Bakit? May kailangan po ba kayo?"