[3 Months Later]
RIAN'S POV:
Mga ilang buwan na rin ang lumipas matapos ang test namin. Ngayon, isa na akonh Class D wizard. Nag-aaral ako para maging Class C wizard.
Hindi ako nakakabisita sa palasyo dahil busy ako sa training pero minsan binibisita ako ng prinsesa, ni Kuya Brylle at ang Water Frog Prince.
May mga naging kaibigan na nga rin ako sa klase namin eh. Isa na dun si Hermy at Lyte.
Sa estado naman sa klase, isa ako sa mga average wizards. Kumbaga, hindi ako ang pinakamagaling pero hindi naman ako yung kulelat.
Kasulukuyan kaming nag-pa-practice ng mga spells ng biglang may dumating sa room.
"Uhh, hello?" Napalingon ako sa bagong dating. Si Prinsesa Yana! Kasama nya si Kuya Brylle!
"Yana!" Tawag ko. Lumapit ako sa kanya ng nakangiti. "Napabisita kayo? Kayong dalawa lang ba ang pumunta rito?" Tanong ko.
Ngumisi ang prinsesa, "Bakit? May hinahanap ka pa ba? Ahh, parang alam ko na kung sino. Hihihi. Kung si Prince Rouel ang hinahanap mo, hindi sya sumama, busy daw eh." Sabi nya. Nabilaukan ata ako sa sarili kong laway ng marinig ko yun.
"Ha? Hindi ko naman sya hinahanap ah! Tsaka ano bang pakialam ko kung busy sya?!"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit pero, laging hinahanap ng mata ko ang mukha yon. Para bang, gusto ko syang makita palagi. Tapos pag nakikita ko sya, pakiramdam ko kakagabagin ako sa sobrang nerbyos.
Siguro kaya ako nag-kakaganito dahil.....
PANGET SYA! Oo tama! Yun ang dahilan! Gusto kong pag-tawanan ang kapangitan nya! Pero kapag nakikita ko na yon, hindi ko nasisikmura!
Matapos makipag-usap sa Prinsesa at kay Kuya Brylle, bumalik ako sa pag-te-training. Mga ilang oras din yun tapos bumalik na ako sa dorm ko. Roommate ko si Lyte, yun ang dahilan kung bakit ko sya naging ka-close.
Nag-papahinga ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. "Sino yan?" Tanong ko kaso walang sumagot. Nan-ti-trip ata to eh.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang dumating. "Ba't ka nandito?!" Pasigaw kong tanong.
"Humiling sakin ang Prinsesa na bisitahin daw kita." Sagot nya. Psh, so kung hindi sasabihin ni Prinsesa Yana na bisitahin nya ako rito, hindi nya ako pupuntahan para kamustahin man lang?
Eesh! Ano bang paki mo kung hindi sya bumisita sayo ha, Rian? Tsaka nalimutan mo na ba na wala namang pakialam yang prinsipemg yan kung hindi naman tungkol sa prinsesa!
"Kung ganon, pwede ka ng umalis!" Sasarahan ko na sana sya ng pinto pero hindi ito sumara dahil ginawa nyang yelo ang gilid ng pinto.
"Sumama ka sakin. Mag-ayos ka, dalian mo." Utos nya. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Ano? Mag-ayos ka na!" Nagulat ako sa biglaang pag-tulak nya sakin. Eesh! Nakakainis talaga sya!
Dahil may sarili naman kaming banyo sa kwarto, yun na ang ginamit ko para makapag-palit. Ano kayang susuotin ko?
PRINCE ROUEL'S POV
Napaka-tagal naman nya! Ilang minuto na akong nag-hihintay at wala pa sya! Kainis.
Pinag-pipilitan kasi ako ng Prinsesa sa kanya. Wala naman akong magawa dahil ayoko syang biguin.
"Tsk! Ano ba?! Ang tagal-....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko sya. Simple lang ang suot nya pero ang ganda ganda nya.