Chapter 5 ❤

2 0 0
                                    

After day off, back to work ulit ako.

"Kawawa naman yung patient sa room 143. Mabuti na lang at yung paa ang nasaktan hindi yung mukha. Sayang naman kung nasira yung mukha nya." chika ni Bianca sa amin.

"Bakit? Anong cause?" tanong ko.

"Car accident." sagot naman ni Bianca.

"I see. But he's lucky enough. He's alive."

He's lucky to have survived. Dahil kayang kaya namang makarecover ng paa. Yung iba nga hindi naka-survive gaya ng parents ko.

"Charm, since day-off ni Bianca bukas, take over her patients for tomorrow."

"Yes maam." sagot ko sa head nurse.

"Makikita mo na yung gwapong patient sa room 143 Charm."

"Gwapo ba talaga? Okay, titingnan ko kung papasa sya sa standards ko ng gwapo."

"I'm sure papasa sya." siguradong-sigurado talaga si Bianca.

Kinabukasan, napadpad nga ako sa room 143.

Binuksan ko yung pinto at nagulat ako ng biglang tumakbo ang dalawang bata papunta sa akin.

"Ate nurse!" tawag nila sa akin habang tumatakbo.

"Jeremy, Simon, andyan ka din pala Blake. Why are you all here?"

"Si tito po kasi, na-accident sya." malungkot na sabi ni Simon.

Tito? Hindi kaya yung taong yun? Nilapitan ko yung patient at nakumpirma kong yung lalaking yun nga. Gusto kong isiping karma nya yun pero hindi naman ako ganung tao.

Chineck ko na yung kailangan kong e'check.

"Gagaling po sya diba?" tanong ni Jeremy.

"Oo naman. Gagaling ang tito nyo."

"Can he walk kahit na hurt yung feet nya?" si Simon naman ang nagtanong.

"Of course Simon. Makakalakad sya at maglalaro ulit kayo."

"Yehey!" tuwang-tuwa naman sila.

Syempre naman gagaling sya. Magagamit nya ulit yung paa nya. A month or two probably.

"Aalagaan mo naman po sya gaya ng pag aalaga mo kina Jerry at Sim diba?" nagulat ako ng magsalita ang silent na si Blake.

"Oo naman Blake. Trabaho ko yun bilang nurse kaya aalagaan ko ang tito nyo para gumaling agad sya."

"Thank you po ate nurse." sabay-sabay nilang sabi.

Maya-maya ay may pumasok na babae na nasa 50s.

"Good morning po. Ako po si nurse Charm. Chineck ko lang po ang patient."

"Lola, sya po ang ate nurse namin." sabi ni Jeremy sa babae at tinuro ako.

"So ikaw pala yun. Nice to meet you. I'm their lola at anak ko ang pasyente."

"Nice to meet you din po. You are so blessed to have these handsome and good boys as grandchildren."

"Indeed. Palagi ka nilang kinukwento sa akin lalo na tong si Jeremy. Gumaling daw sya agad dahil magaling mag-alaga ang ate nurse nya."

"Ganun po ba. Masaya po akong marinig na naappreciate ni Jeremy yung effort ko sa pag-aalaga sa kanya bilang nurse nya."

"Your son is lucky to have just her legs injured maam. In a month or two months time, makakalakad din po sya ulit."

"Thank God at yan nga lang ang natamo nya."

"Ang swerte nyo po dahil buhay sya. It's hard to be left by your love ones. I've lost my parents in an accident kaya alam ko po yung pakiramdan na yun."

"I'm sorry to hear that."

"Naku sorry po. Nagdrama na naman ako. Nakakahiya."

"Ikaw naman. Okay lang yan iha. You must be missing them so much."

"Opo. In fact, everyday."

"You're a loving daughter. Your parents must be so proud to have you as their daughter." Proud nga kaya sila sa akin?

"Sige po maam. Aalis na po ako."

Pagkatapos magpaalam sa ginang at mga bata ay bumalik na ako ng nurse station.

Buti na lang at kapag chinicheck ko yung lalaking yun eh, tulog naman sya. Baka inisin na naman ako nang lalaking yun at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya na maging dahilan para hindi na sya makalakad o di kaya ay mas tumagal pa sya sa ospital.

Kinabukasan, agad akong tinanong ni Bianca.

"Gwapo noh?"

"Sinong gwapo yang pinag-uusapan nyo? Ako ba yan?"

"Para ka namang kabute Charles. Bigla na lang sumusulpot. Sorry pero hindi ikaw yung tinutukoy ni Bianca. Yung patient sa room 143." sagot ko kay Charles.

"That guy? Lucky, sa tingin mo gwapo ba sya? Sinong mas gwapo sa aming dalawa?"

"Hmm... y-yes, that guy was handsome." nalungkot naman bigla yung nukha ni Charles. "Pero sa tingin ko, yung mukha lang naman yung gwapo, baka yung ugali hindi, kaya syempre mas gwapo pa rin ang bestfriend ko. Gwapo ng mukha, ganun din ang ugali at puso. Team Charlie ako!"

"Yan ang totoong bestfriend!" sabi naman ni Hana.

At nagtawanan kami.

Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Bianca.

*ring.ring*

"B, yung phone mo." sabi ko.

"Charm, time na kasi para sa gamot nung gwapong patient. Pwede ba akong makiusap? It's my mother calling. I have to talk to her."

"Oo naman."

"Thanks." at sinagot na nya ang tawag ng mama nya at ako naman ay naglakad na papunta sa room 143.

*tok.tok*

Pumasok ako at nakitang tulog pa sya.

Kinuha ko yung temperature nya gamit ang temperature reader at ang BP nya. Everything is normal naman. Napansin kong nakababa masyado ang kumot nya kaya akmang itataas ko na sana ng magising naman sya.

"RAPIIIIST!!!" sigaw nya bigla. Agad ko namang tinakpan ang bibig nya. Buti na lang at mamahalin tong kwarto nya kaya sound proof.

"Rapist? Wow. Ang kapal."

"Malay ko ba kung anong gagawin mo sa akin eh tulog ako. Alam kong gwapo ako kaya baka hindi ko alam eh, may ginagawa ka na pala."

"Ah ganun. Asa ka pa. Pagpunta pa nga lang dito sa kwarto mo ayaw ko nang gawin, ang tsansingan ka pa kaya."

"Okay sabihin na nating wala kang pagnanasa sa akin... but I know you have a grudge for me. Baka may balak kang patayin ako."

"I'm a nurse. I help people, not kill them. Kaya please, wag ka na lang gumalaw at hayaan akong gawin ang trabaho ko at ng makaalis na ako. Ayoko kasing nakikita ang mukha mo eh. Naiinis ako."

"Lahat ng babae, nahuhulog sa mukhang to pero ikaw..."

"Ako?"

"Ikaw lang ang babaeng nagsabi sakin na nakakainis ang gwapong mukhang to." sabi nya habang hawak ang mukha nya. "Sabi nila the more you hate the more you love... baka naman umaarte ka lang na inis na inis ka sakin para yun ang isipin ko pero ang totoo, ginagawa mo lang yun para mapansin kita dahil mahal mo na ako."

"Paa mo ba talaga ang napuruhan o yang utak mo? Baka punong-puno na yan ng hangin. Nababaliw ka na ata eh." sabi ko sa kanya. Feeler sya.

Umalis na lang ako bago pa may mangyaring gulo pag hindi ako nakapagpigil. Naiinis talaga ako sa mukha nya. Hindi na talaga ako pupunta sa kwartong yun.

The unLucky CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon