Chapter 3 ❤

2 0 0
                                    


Nakaharap ako sa computer ng unti-unting napuno ng bulung-bulungan ang station namin.

Maya-maya, may mga tumakip na kamay sa mga mata ko. Alam na alam ko kung sino ang may pakana ng takip-takip mata na to pero bakit naman nandito ang lalaking ito.

Hinawakan ko ang kamay nya at kinurot.

"Aray!" daing nya.

Tumingin ako sa mga mata nya at nakipag eye talk dahil alam kong alam nya ang gusto kong sabihin kahit walang salitang lumalabas sa bibig ko.

Nang naglakad ako ay sumunod naman sya.

Pumunta kami sa office nya. Pagpasok ay pinaupo ko sya sa swivel chair nya at umupo naman ako sa upuan na nasa harap.

"Charles naman. Bakit mo ginawa yun? Bakit ka pumunta dun? May pa takip-takip ka pa ng mata. Ano na lang iisipin nung mga taong nakakita?"

"Eh di isipin nila kung ano gusto nilang isipin."

Nagulat ako sa sinagot nya. Hindi nya ba talaga naiintindihan ang gusto kong ipaintindi sa kanya.

"'Hindi mo naman naiitindihan eh."

"Okay. I understand." yun lang ang sinabi nya at umalis syang bigla.

"Charles!" Hinabol ko sya at tinawag pero hindi sya nakinig at dumiretso lang ng lakad patungo sa kung saan man nya gustong pumunta. Bumalik na lang ako sa nurse station.

"Bff, ang unfair mo. Hindi mo sinasabi sakin. What's the meaning of that? May patakip takip pa ng mata si sir Charles sayo." pagtatampo ni Hana.

"Oo nga. Akala ko may chance ako kay sir, pero wala na pala kasi may Charm na sya." si Bianca naman na parang maiiyak na.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Hana, Bianca... kung ano man yang iniisip nyo, nagkakamali kayo."

Kahit na hindi ako mapanatag dahil alam kong nagtatampo si Charles sa akin ay go pa rin ako sa pagganap ng responsibility ko bilang nurse. Kaya ngayong lunch break ay responsibility bilang kaibigan naman ang dapat kung asikasuhin.

Pinuntahan ko sya sa office nya pero wala sya doon kaya naisipan kong puntahan si tita kahit na nahihiya ako.

*toktok*

"Yes Charm, may kailangan ka?"

"Tita, sorry po kung basta-basta na lang ako pumasok. Nakita nyo po ba si Charles?"

"Pinuntahan mo ba ba sa office nya?"

"Opo, pero wala po sya dun eh."

"Is something wrong?"

"Wala naman po tita. Tampuhang kaibigan lang. Sige po tita, hahanapin ko na lang sya."

Pagkatapos lumabas sa office ni tita ay nag-isip ako ng lugar kung saan sya posibleng pumunta.

Nang maisip ko ang isang lugar ay agad akong tumakbo papunta doon.

At tama nga ako. Nandito sya sa rooftop. Nakasand sya sa isang bench. Lumapit ako at nakitang nakapikit sya.

Gaya ng lagi nyang ginagawa, tinakpan ko rin ng kamay ko ang nga mata nya. Hindi man lang sya kumibo kaya tinanggal ko na lang ng kusa yung kamay ko. Umupo ako sa tabi nya at umusog sya na parang ayaw nya akong makatabi. Grabe naman syang magtampo.

"Charles, sorry na... Natatakot lang talaga kasi ako. Simula ng tulungan ako ng mama mo, I've always made sure na hindi ko kayo malalagay sa alanganin. Sana maintindihan mo yun." no response.

The unLucky CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon