Chapter 1 (Gentleman)

2 0 0
                                    

Nakatingin talaga sya saken. Nakapoker face lang akong nakatingin sa kanya. Syempre di ko ipapahalata na nagtataka ako at nagulat. Nakatingin parin talaga sya. Kumunot na yung noo ko. Tsaka nagsmile sya. Ako naman, lumaki mata ko. Literally. Hindi kasi ako sanay. Kaya yumuko ako.

Nakakainip. -,- talaga naman e

"Ms Quinto."

SAWAKAS

"yes sir?"
"They are Ralph and Jhay."
"Uh?"
"Their punishment is to clean the whole gym for 1 week"

Nakakunot noo lang akong tumingin kay Sir. Gusto kong sabihin, 'wala akong pake' or 'and so?' pero bad idea kung sasabihin ko pa yon.

"Now, ikaw naman, ang magiging tagabantay nila"

Nakapoker face ako habang inaabsorb ko yung sinabi nila. Iniisip ko kung anong sasabihin ko. What if 'but sir?' Or 'tagabantay nila? Ang cheap'or pwede ring 'bayaan nyo na sila sa buhay nila. kaya nila bantayan ang sarili nila' pero tahimik ako e. Mas pinili ko wag maginarte.

"Okay"

Tas yumuko ako kasi nagvibrate yung cellphone ko. Tas nagulat ako ng biglang parang may nagapir sa harap ko. And nagwhiwhisper ng 'yes!' kaya bigla kong napaangat ulo ko. Tas nakita ko silang nagtatawanan na tatlo. Si sir, si Ralph at Jhay.

Tss.

Yumuko ako ulit para tignan ang text sa cellphone ko.

From: +639bla bla.
BES Darlene
Bes! Nasa guidance ka? Kasama mo ba si Steve Jhay Sison tas si Ralph Daniel Magallanes? Balitaan mo naman ako. Wah! Ang swerte mo!!!

Napakunot noo ako. Si Jhay tas Ralph ang tinutukoy nya? Obvious naman e. napatingin tuloy ako sa dalawa.

At guess what?

Nakatingin si Jhay!

Nanaman?!

May dumi ata sa mukha koo! Wah. Kakahiya. Pinunasan ko ang mukha ko. Wala naman e. Nagpout ako. Tas iniwasan ko na sya ng tingin. Naaawkwardan ako sa kanya. Tumingin ako kay sir.

"Sir? Pwede na po ba akong--"
Tas nakita ko si Jhay na nakatingin kay sir. Hindi ko naman makita mukha ni Jhay kasi nakatalikod na yung mukha nya saken.

"Oo. Pero uumpisahan nyo na yung community service nyo bukas."

Pinagiisipan ko kung anong sasabihin ko. Is it 'bat bukas agad?!' or 'bat ang bilis?' or 'baka matunaw ako kasi tinitignan ako ni Jhay!'

"Okay ba yun sayo?"
Natauhan naman ako nung nagsalita si sir.
"O-okay lang sir. Sige mauna na ko."

Dalian mo Mae. Dalian mo maglakad. Ewan ko pero may phobia ako sa mga tao e. Ganun ako e. Tahimik, hindi socialite, ganun ganun. Binuksan ko yung pinto. Dalian mo Mae. Dalian mo. Short legged ako kaya todo pagmamadali ako.

"Hoy weirdo!" Oppsy!
Dalian mo. Dalian mo Mae!
Narinig ko lang naman ang boses ni Jhay. Halaaa! Baka manyak yan or. AHHHHHHH!

Nadapa akooo. *pout*
Nakakahiya. Pinagtitinginan ako. Nandito pa naman ako sa gitna ng court. May nagbabasketball pa nga e. At AHHHHHH! Double kill! *pout* Natamaan ako ng bola sa ulo! Tumingin ako sa mga lalaking palapit sakin. Halaaa. Wag nyo ko lapitan!! Andyan na sila. O__O Wagggg! Tumayo ako tas tumakbo. Sa gitna ng court. Habang sugatan yung tuhod ko, na maraming nakatingin sakin?! Napatingin ako sa likod habang tumatakbo at AHHHHHHHHH! Napaupo ako sa lakas. Nabunggo ako! sa poste? Sa pader? Sa teacher? Sa principal? Sa tao? KAY KAY JHAY?!! Napatayo ako. Tumingin ako sa paligid. -_____- Nakatingin silaaa. Ilang mata ang nakatingin sakin? AHHHH!!! Nasa harap ko pala si Jhay.

"S-sorry po" Nakayuko lang ako. Pununasan ko damit ko.
Tas nagright step ako habang nakayuko para umalis. Ops. Nag left step sya. Hinaharang nya ko. *pout* Nag left step naman ako. Hinarangan nya ko ulit. Inangat ko ulo ko. Antangkad nya kasi.

"B-bakit po? Aalis na po ako"
Tas nagright step. Hinarang nya ulit.

Nagsemi luhod sya. (REMEMBER! NASA GITNA PO KAMI NG COURT) Tas tinignan yung sugat ko sa tuhod. Nagulat ako.
"Nagdudugo!"
Yumuko ako para makita yung sugat ko.
"May mata po ako."
Inangat nya yung mukha nya tas hinila ung kamay ko.
"T-teka! Bakit?"
"Baliw ka ba? Dumudugo! Punta tayong clinic!"

Iniisip ko kung sasabihin ko na 'pero, kaya ko pumunta magisa' pero di ko na nagawa. Lalo na nandito na kami sa clinic.

Nakita ko si Mam Rosario. Pumunta si Jhay dun sa lalagyanan ng first aid kit tsaka ako binitawan. TAKE NOTE! Hinawakan nya kamay ko kanina. Kinilig ako pero di ko pinahalata. Tsaka gumilid ako para tignan yung mga patients na nakahiga tsaka ako umupo dun sa may upuan. Tinignan ko yung sugat ko. EWWWW!

Sensitive ko naman masyado. Nasugat agad? May gasgas pa o. Pati sa siko ko, may gasgas. *pout*

Tas lumapit sakin si Jhay para lagyan ng first aid. Masakit yun. Inisip ko kung maga'ouch' ba ako or 'hahagulgol'sa sakit. Pero mas pinili ko tunahimik tas bantayan sya. Ang gentle man naman nya.

Tsaka sya tumingin sakin. O_O *awkward* nakatingin din ako sakanya. Umiwas ako ng tingin. Tsaka sya umupo sa tabi ko.

A moment of silence.
"Bat mo ginagawa to?" Kinakausap ko sya habng nakayuko
"Bawal ba magmalasakit?"
"Hindi naman pero kung ibang tao ka, iiwan lang ako dun na nakaupo. Baka tawanan pa ako e"
"Sa cute mong yan, walang 'ibang tao na sinasabi mong hindi tutulong sayo"

Natahimik ako. Napapatahimik ako sa twing sinaabihan ako ng cute. Sabagay, tahimik naman ako e.

"O, may sugat ka pala sa braso. Wait!" Kinuha nya yung kit tas nilagyan ng gamot yung sugat ko.

"S-salamat!" Tas ngumiti sya saken.

Pagbalik ko sa classroom, na kung saan hinatid pa ako ni Jhay, pinagtitinginan ako o si Jhay ng mga tao. Nakakahiya naman.

Pagdating ko sa room, sumalubong agad sakin si Darlene.
Nanlaki yung mata. Tapos si Jhay naman umalis na, sinundo sya ng mga barkada nya ata yun e. Tas nag "ayieee" sila. Nakakahiya talaga.

"AHHHHHHH! BES ANG SWERTE MO!!!"
"Bes. Hinaan mo lang boses mo. Uh, pinagtitinginan tayo sa room"
"Huh? Ay sorry."
Tapos siniko nya ko. Napasmile naman ako tsaka umupo na kami.

"Bes. Bat mo kilala si Jhay tas Ralph? Lalo na yung Jhay na yun?"
"Huh? Bes gong gong ka baaa?!! Si STEVE JHAY SISON YONN! YUNG NAKAKA HUNDRED THOUSAND LIKES SA FACEBOOK TAS NAKAKA MILLION SHARES! TAS VARSITY NG BASKETBALL, TINITILIAN NG GIRLS, NA TINANGGIHAN ANG SHOWBIZ TAS TAS TAS HINDI MO KILALAAAAA?!"
Pinagtitinginan kami dito sa room.

Pero I admit. Ang gwapo nya.

DARE to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon