Nag-iisa. Lagi naman eh. Pero kapag nag-iisa ka panigurado mag-iisip ka tulad ng "bakit niya ko iniwan?" "bakit ako na lang parati ang nasasaktan?" "bakit ako?" Oh bakit nga ba? Ako nga rin eh napapaisip ng ganyang mga bagay pero siguro kaya ganyan eh may plano si God para sa iyo, para sa atin. Tapos kung nag iisa ka at plano na ni God na ipakilala ka kay The One for sure may tatabi sa'yo tulad nito.
*Sa Park na tambayan mo*
"Ahm. Excuse me? May katabi ka ba?" Babaeng mestisa ang tatabi sa'yo
Tapos sasagot ka ng "Wala naman"
Magkwekwentuhan. Share ng life experiences. Problema sa kursong tine-take mo. Ang grades mo. Diyan nagsisimula ang lahat. Mag-uusap. Pero kapag dumating na yung taong iniintay niya maiiwan ka na naman ulit. Ang masaklap pa doon yung hindi mo nakuha pangalan niya. See? MareRealize mo na naman ulit na ang tanga mo. Hindi mo man lang kinuha yung number at inalam ang pangalan niyan. Siya na sana si The One pero nakalimutan mo magtanong. In God's Perfect time nga sabi nila so kung kayo ang magkakatuluyan man kayo si Destiny na ang bahala don. Hintay ka lang. Magkikita kayo ulit. ❤
Umaasa na may Forever,
J

BINABASA MO ANG
Mahal Kita
Teen FictionKwento ng mga umasa. Paasa. Nasaktan. Umibig. Humugot. Bumagon. Gumanda. Bitter. Lahat na. Pero WALANG FOREVER.