Ikalabing-Apat na Yugto

86 3 0
                                    

Tulalang naiwan si Falecia sa hallway ng ospital at hindi makapaniwala sa mga nangyayari

(Falecia POV)

Bakit nila kinuha si Chandler este ng nanay niyang impakta!!..GGGGRRRIIINNN..

Magaling na ba siya?

Gising na ba siya ulit?

Ito ang mga tanong na umiikot sa utak ni Falecia habang nakatingin pa din sa sulat. Umupo si Falecia at iniisip kung ano ang susunod niyang gagawin, kung pupunta ba siya kina Chandler o hindi, aalagaan niya ba ito o hahayaan na lang niya sa kanyang ina

###############

"Pero kung gagawin ko yun para ko na ring ginawa ang pagsuko, waaaaa!!! Hindi, hindi, hindi pwede yung nagpromise ako na gagawin ko ang lahat ng bagay na ito para kay Chandler, na babawi ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon, pati may nasaktan na ako, madami na ang nagawa ko ngayon pa ba ako susuko?. Pero naguguluhan talaga ako e, tatlong araw pa lang ang nakalipas noong naospital kami, nakarecover na agad si Chand?. Hindi sa matutuwa ako kung sakaling nagising na nga siya, pero bakit ang bilis. Ang bilis talaga, ay oo nga pala short story nga pala ito kaya dapat maiksi lang ang eksena....LOL impakto kasi ang writer ko e"sabi ni Falecia

"Wahaha, Falecia nagrereklamo ka sa ginagawa ko?"sabi ng writer(Mr. Ravenism)

"E totoo naman e, gusto ko kasing mahaba ang story namin, pero bakit pinaikli mo tapos puro sad pa? Hindi naman ako emo e"sabi ni Falecia

"E yan ang gusto ko e, gusto kong malungkot ang character, para mas enjoy lagyan ng emotion, e kung comedy ito edi sana hindi MY FAVOURITE Ex title nito diba?"sabi ng writer

"Basta basta!!!, ako ang artista mo kaya dapat ako ang masusunod, gusto ko maging happy ang story ko, gusto kong humaba pa"sabi ni Falecia

"Tae ka ba? e hindi pa naman tapos story mo e, don't worry malapit mo ng makita ang happy part ng story mo, as a writer alam ko din dapat kung ano ang maganda ang panget sa story, alam ko din dapat ang mangyayari at mas alam ko iyon kesa sayo, kaya sumunod ka nalang, at bukod pa dun, kung gusto ng mga nagbabasa na pahabain ang story mo, dapat magruquest sila, WAHAHA. at dapat pumatok muna ito sa mga nagbabasa." sabi ng writer.

Natutula si Falecia sa sinabi ng writer

"Ano babalik ka na ba sa story mo? at gagawin mo ang ang gusto ko?"sabi ng writer.

"E ano pa nga bang magagawa ko?"sabi ni Falecia

######## ------>>>>>>>>>>> Back to the story na tayo..^___^

Tumayo si Falecia at naglakad palabas ng ospital,

"Chandler pupuntahan na kita kung nasan ka man, gagawin ko yung pinangako ko sa yo, na aalagaan kita, at babawi ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo noon"sabi ni Falecia

Naglakad si Falecia sa terminal ng jeep upang pumunta sa lugar kung saan bubuoin niya ulit ang nasirang pagkakataon, pagkakataon na para sa kanila ng taong mahal niya.

"Aalagan kita"

"Iingatan na kita"

"at mamahalin na kita simula ngayon Chandler, simula ngayon"sabi ni Falecia.

Makalipas ang ilang oras ng nakarating na siya sa bahay nila Chandler. Kakatok na siya ng makita niya ang lalaking nakatayo sa harap ng bintana.

"Hindi..!!!"

Natulala si Falecia sa nakita niya,

"Guni guni ko lang ito, hindi ito totoo"

Unti unting tumulo ang luha ni Falecia at sumigaw...

"Chandler!!!!!!"

-Mr. Ravenism

My favourite ex..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon