Naabutan ko si Vice at Yaya na pinapasok ang mga bulaklak sa loob ng bahay. Feeling ko nilipat ang Dangwa sa bahay ko. " Undas na ba? Bakit ang daming pabulaklak?" Tanong ko kay Vice na hirap na hirap sa bitbit nya." Para sa lahat ng okasyon na di kita nabigyan. Para sa mga araw na naging malungkot ka at sana andun ako para pangitiin ka. Para sa mga normal na araw na sana naging espesyal kung nabigyan man lang kita ng bulaklak." sabay abot nya sa akin ng isang bugkos ng pulang rosas. Napangiti ako, he was always been good with words. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Laging alam ang mga salitang bibitiwan para pakiligin ako.
" Thank you. So ganito manligaw si Vice Ganda? Parang magaling pa rin si Tutoy."
" Kung balak mong pagselosin ako sa old self ko, wag ka na mag effort. Ako pa din naman si Tutoy noh! Version 2.0 na nga lang. Wiser! Bolder! Fiercer! Pak!"
" Ayun lang! Upgraded version ka na nga. Never ko namang naalala si Tutoy na nagpopose ng ganyan" natatawa kong sabi sa kanya.
" Oh yes! Upgraded talaga, Bolder and Fiercer in so many ways you could ever imagine. I'll show you sometime the upgraded version of me" Habang binibigyan nya ako ng seductive look.
" Wala tayo sa photoshoot, wag mo akong bigyan ng ganyang look. Itigil mo yan!"
" Bakit naapektuhan ka ba?" Hinapit nya ako sa beywang at nilalaro ang buhok ko.
" And what do you think you're doing?" While giving him a smirk and an arched brow. Tingnan natin kung sino ang unang susuko sa laro nyang 'to.
" Hmmmnnnnn....Tinitingnan ko 'tong hair mo baka dry na at kailangan na ng treatment. Magaling si Buern sa hair. Paayos natin minsan." Kunwari kaswal nyang sabi pero napapansin ko ang sunod sunod nyang paglunok. Kitang kita tuloy ang paggalaw ng adams apple nya.
" Yung totoo! Ano ba talagang sadya mo dito?"
" Di ba nga manliligaw ako. Kaya nga may paflowers ako. Alangan naman trip ko lng magkalat dito sa bahay mo. Or unless may iba kang iniisip na sadya ko dito. Pwede din nating gawin yun." Habang tinataas-taas pa ang parehong kilay nya. Alam ko namang parte ito nang panunuyo at panliligaw nya. Pero gusto kong naririnig sa kanya na nililigawan nya ako.
" Totoo pala ang bali- balitang medyo green si Vice Ganda. At sabi pa nila, literal na mahilig sya sa color green at number 7"
" Mukhang nakapagresearch ka ah. Pero gosh! That's so old school noh! Hindi thursday ngayon para magthrowback teh! Kaloka to!" Pabaklang sagot nya sa akin.
" O, dapat tayong dalawa hindi din magthrowback kung ganun?"
" Ano ka ba! Kahit na ulit-ulitin pa natin yung sa atin. Walang problema sa akin. Kahit hindi thursday, magthrowback tayo. Iba ka e!" Sabi nya habang gamit ang malalim nyang boses at sabay hawak sa baba ko.
Di ko maiwasang kiligin at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi nya. " Sa mga banat ko palang kilig na kilig ka na. Paano nalang sa mga paandar ko? Baka himatayin ka na" Nahampas ko nalng sya sa braso. At bago pa ako makasagot, narinig ko ang dalawang pamilyar na boses. At ayun nga si Buern at Archie kasama si yaya papunta sa sala kung nasaan kami ni Vice ngayon.
" May pictorial ba dito teh?" Komento agad ni Buern pagkapasok nya palang at makita ang mga bulaklak.
" Ay, baka pictorial ng Panagbenga Festival teh!" Dagdag pa ni Archie.
" Dala ko yan! Umaakyat ako ng ligaw at daot kayo!" Kunwaring inis na sabi ni Vice.
" Chie, Alam mo ba kung may lahing intsik si Meme? Ang aga umakyat ng ligaw naman"
BINABASA MO ANG
Vicerylle ONE-SHOTS
FanfictionAll about my fave subject which is Vicerylle. Hopia like this, I am looking forward for your comments and reactions guys. I am a sucker of tv series so baka my mabasa kayong familiar na setting. Hehe