Lyrids

1.5K 38 19
                                    

" Mababaw lang yan, kayang-kaya mong talunin," sabi ko sa babaeng nakadungaw sa paborito kong diving spot. Tumingin lang sya sa akin at binalik ang tingin sa dagat. Mukhang walang balak makipag-usap.

" Pwede ka magkwento para makagaan kahit papaano," di man sya magsalita pero sa tingin nya sa akin ay parang sinasabi nya sa akin tantanan ko na sya. Ewan ko din ba, di ko naman ugaling mangialam sa iba. Pilit man nyang magsuplada ay alam kung kunwari lang yun. Her eyes tell me otherwise. She's just hurt, confused or lost maybe. Yun din madalas rason ng mga taong madalas magbakasyon sa lugar namin. Gusto mag-isip, gustong tumakas panandalian sa buhay nila.

" Pasensya ka na ha, di naman ako madalas ganito sa mga di ko pa kakilala. Feeling ko kasi maging close tayo, ako si Jose. Ikaw, anong pangalan mo?" sabay ngiti ko sa kanya. Napataas ng konti ang kilay nya pero di pa din nagsalita. Kaya di nalang ako nagsalita pa pero hindi din ako umalis. Iilang minuto din kaming nanatatiling nakaupo lang dun. Tinatanaw ang ganda ng dagat, pinapakinggan ang hampas ng mga alon. May mga sandali ding pumpikit sya at ngumingiti. Hindi man para sa akin ang mga ngiting yun ay pakiramdam ko sumasaya ako. Akma na sana syang aalis nang narinig namin ang tawanan ng mga batang papalapit sa pwesto namin.

" Hi Kuya Jose!" Bati nila sa akin. Si Makmak, si onyok, at si kaykay.

" Hello! Mukhang masaya kayo ngayon ah?

" Napapayag na namin si Kaykay na tumalon ngayon!" Pagmamalaki ni Onyok sa akin.

" Sigurado ka na ba Kaykay? Baka napipilitan ka lang dahil sa dalawang 'to?"

"Opo Kuya Jose! Saka andyan naman po kayo. Di po dapat ako natatakot," buong tapang nyang saad

" Sino po sya Kuya?" Biglang tanong ni Makmak sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nya ngayon. Nakataas ang kilay at naka-ismid pa. Seloso talaga to si Makmak, ay selosa pala. Kahit ano pa man, mahal ko tong mga batang ito.

" Sya si Ate....ah... Ate Miss," sagot ko nalng.

" Miss po ang pangalan nya?" Tanong ni onyok.

Napakamot ako ng ulo sa tanong ni Onyok sa akin. " Di ko kasi alam ang pangalan nya. Ngayon ko lang sya nakita dito. Bakasyunista. Di pa kami friends pero feeling ko magiging close talaga kami," lakas loob kong sabi habang nakatingin sa babae.

" Hi Ate Miss. Ako po si Kaykay, siya si Onyok at Makmak. Tatalon ako ngayon dito. Big girl na kasi ako," masiglang sabi ni Kaykay

" Hello sa inyo! Hindi ka ba natatakot Kaykay?" Sa wakas narinig ko na ang boses nya. Mas lalo tuloy gusto kong mapalapit sa kanya.

" Natatakot po. Pero sabi ni Kuya Jose sa amin, kapag natatakot ka daw po na gawin ang isang bagay ibig daw sabihin may gagawing kang malaking pagbabago para sa sarili mo. Ibig daw po sabihin nun mas malaki ang reward na makukuha mo," tumingin sa akin si Miss, gusto kong isipin na ngumiti sya sa akin ng matipid. Napahawak ako sa dibdib ko, feeling ko lalabas ang puso ko. Simpleng ngiti, isang kisap-matang ngiti pero ganito na ang puso ko.

" Kaykay, daming hanash! Tara na!" biglang sabat ni Makmak sa kanila.

" Excited ka naman masyado Mak! Parang may hahabulin ka namang byahe papuntang bayan. Nagmamadali ka masyado," sagot ni Kaykay.

" Baka daw kasi magbago isip mo," natatawang sagot ni Onyok.

" Ate Miss! Talon po tayo! Gusto mo po isigaw muna yung iniisip mo bago po kayo tumalon. Ibigay mo po sa dagat yung problema nyo. Hayaan nyo pong dalhin ng alon sya palayo," iba talaga ang mga salita ni Kaykay. Akala mo malaking tao.

" You are wise for your age, young lady. And beautiful too," sagot ni Miss kay Kaykay habang hinawakan nito ang mukha ng mata. At sa unang pagkakataon ay sumilay ang malaking ngiti sa mga labi niya. Akala ko wala nang gaganda pa sa dagat na lagi kung tinatatanaw sa araw-araw. She have given me a new definition of the word beautiful.

Vicerylle ONE-SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon