RANDOM THINGS: I hate that I love you so (alternate ending)

1K 34 27
                                    


" Bakit feeling ko iniiwasan mo ko?" Nagulat ako nang biglang lumabas si Boss Vice sa likod nang isang sasakyan. Nasa parking kami ngayon nang building namin. Medyo late na akong nakauwi sa dami nang tinapos kong report. At sa pagkakaalam ko ay kanina pa umuwi si Boss.

" Papatayin mo ba ako sa niyerbyos?" Nilagpasan ko sya at pumunta na sa kotse ko.

" Ilang saturday mo na akong di sinasamahan"

" Busy ako, madaming ginagawa,"

" Di ka naman pumapasok ng Saturday ah, maiintindihan ko pa sana kung nagOot ka,"


" May nilalakad akong personal,"


" Wag mo akong bigyan nang ganyang dahilan K!" Medyo galit na nyang sabi.

" Tama lang naman yun, na di na tayo lumalabas ng sabado," sabi ko habang binubuksan na ang pinto ng kotse ko. Tuloy-tuloy na sana ako papasok kung di nya lang hinawakan ang pinto.

" Mag-usap muna tayo, anong tama dun? Galit ka ba sa akin?"

" Tama lang yun na di tayo laging magkasama para may time ka sa girlfriend mo, di pala sa fiancée mo. At hindi ako galit sayo. Pwede ba bitiwan mo nga gusto ko nang umuwi," pilit kong inaalis ang pagkahawak nya sa pinto.

" Kung hindi ka galit sa akin? Bakit ganyan ka umasta?"

" Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa sarili ko. Kasi lintek naman, sa dinami dami ba namang kasing pwedeng mahalin nang tangang puso ko, ikaw pa. Kilala na kita masyado, maswerte ma nga kung tumagal kayo nag boylet mo nang isang buwan, pero umasa pa rin akong mamahalin mo ko noon kahit na alam kong di babae ang gusto mo. Pero langyang buhay o! nagmahal ka nga ng babae kaso di naman ako. Yan ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa'yo. Kasi ayoko na umasa, ayoko na mangarap, kasi kung may pag-asa man na akong ako yung mamahalin mo kung sakalaing babae na gusto mo, pinatay mo na yun nung si Angel ang niligawan mo. At nadurog pa ang mumunting pag-asang natitira nung inaya mo syang magpakasal," sabi ko sa kanya sa pagitan nang mga hikbi.

" Wala na kami ni Angel. Pinili kong wakasan na ang meron kami," umiiyak na nya ding sabi.

" Ayoko nang malaman kung anong meron sa inyong dalawa o sa kahit kanino pang naiinvolve sa buhay mo," tumalikod na ako sa kanya at sasakay na dapat ako ng kotse pero pinigilan nya ako.

" Pwede bang kahit ngayon lang wag mong pairalin ang katigasan nang ulo mo. Makinig ka nga muna!" Medyo galit nya nang sabi.

" Ano pa bang sasabihin mo? Sorry kasi di mo kayang suklian kung pagmamahal ko, na pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay?"

" Tangina naman K! Oo masyado na tayong close, na kahit tinginan lang alam na natin ang gustong sabihin nang isa't isa. Pero alam mo bang nagseselos ako kay Vhong, nabubwisit ako sa Jay-R na yun, natataranta ako kapag maysakit ka, nag-aalala ako kapag lumalabas ka sa gabi at di ako ang kasama, alam mo bang gusto kong inaalagaan ka, gusto ko lagi kang masaya, gusto ko nasa akin lagi ang atensyon mo. For sure di mo alam yun, kasi pilit kung tinatago, pilit kong pinaglalabanan ang nararamdaman ko. Binabaling ko sa iba, sa tingin mo bakit walang tumatagal na karelasyon ko? Pinilit kong magmahal ng iba baka sakaling mawala yung nararamdaman ko sa'yo. Pero niloloko ko lang ang sarili ko, sa lahat nang lalaking dumaan sa buhay ko ni minsan di nila napadama ang saya kagaya ng kasama ka. Pinilit kong ibang babae ang mahalin pero sa'yo parin bumabalik ang puso ko. Ikaw lang, di ko kayang pangalanan ang kung ano man ang emosyon ko para sa'yo. Ang alam ko ayoko kitang mawala, hindi ko kakayanin," umiiyak nyang sabi sa akin.

" Siguraduhin mo yang nararamdaman mo. Kung susugal man ako ngayon para sa atin, wala akong balak matalo,"tinatanggal ko ang ang hawak nya sa braso ko. Pero niyakap nya ako mula sa likuran.

" Edi sumugal tayo nang paulit-ulit hanggang sa manalo tayo. Di ko maipapangakong di kita paiiyakin, di ako perpekto. Pero ang alam ko lang ngayon ang ipaglaban ang nararamdaman ko sayo,"

Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha nya. Pinunasan ko ang mga luha nyang nag-uunahang pumatak, " All in ako kung ang susugalan ay ikaw."

~~fin~~


























Nakaabang na talaga 'tong part na'to. Para kahit papaano, masaya pa din. Para masaya tayong lahat. Haha! Siguro mahilig lang din tayo sa happy ending, mahilig umasa at mangarap.

Sabi nga, In Another Time. In Another Place. Another Us.

Ps: #nohateparakayBoss hahaha! Grabe kayo sa kanya. 😛
Hihiramin ko ulit ang isang linya sa kanta ni Juris, na by the way ay isa sa mga paborito ko ngayon. Ang mga kanta niya ang isa sa mga dagdag hugot ko,obvious ba sa media nang bawat UD ko? Haha

And I know now it wasn't me
It's just wasn't meant to be....

Vicerylle ONE-SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon