RANDOM THINGS : I hate that I love you so

1.5K 52 55
                                    

" Hi Boss, wala kang date today?" Tanong ko agad sa kanya nang bumungad sa akin ang Boss ko on a Valentine's day.

" Kelangan ba may date sa araw na'to? Ikaw may date ka ba?" Balik nyang tanong sa akin.

"Wala, busy ako. Pwede naman ibang araw ang magcelebrate nyan e." Sagot ko sa kanya.

" So, meron ka nang kasamang icelebrate yun pag di ka na busy ganun?"

" Hmmnn, maybe," sabi ko ka nalang. Ang totoo wala naman talaga. Gusto ko lng makita kung kahit paano magseselos ba sya. Dinurog na hopia yata ang ipainom sa akin ng nanay ko nung bata ako.

" Arte! O, ayan cupcakes. Happy Valentine's day! Mamaya labas tayo may alam akong street party. Punta tayo," ayan na naman po sya, may plano na naman syang di ko alam. At ito na naman ako, papayag na naman sa gusto nya.

~~~~~~~~~~~~~~

" Dito ka sa side na'to, baka mahagip ka nang sasakyan," hila nya sa akin. Galing kami sa outside parking nang isang mall.

" Ginagawa mo akong bata," simangot ko sa kanya.

" Pwedeng thank you ang sagot nalang? Di ka nga marunong tumawid mag-isa diba? Gaya ngayon gusto mo mauna na naman,may balak ka bang magpasagasa?" Sermon nya sa akin habang hawak ang kamay ko. Kung titingnan kami ngayon para kaming magjowang tumatawid sa kalsada. Ang gentleman lang kasi masyado, ay gentlegay yata ang bagay.

" Thank you po! Bata naman talaga ako compared sa'yo ah!" Ganting asar ko sa kanya.

" Ay mainam na bata, kung iwala kita dito ngayon?"

"Edi iwala, ano ako pusa? Tinawid nang ilog nawala na?"

" Lakas nang loob ah? Itawid nga lang kita nang kalsada nawawala ka na e," lalo nya pang asar sa akin.

"E kung ikaw nalang manood nang sine mag-isa, uuwe na ako," binitawan ko ang kamay nya at akmang tatalikod na ako.

" Ito di mabiro, napakatampuhin ng baby ko," sabay hapit sa bewang ko. Napangiti ako nung tinawag nya akong baby kahit alam kung biro lang naman nya.

~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit andito ka sa lobby?" Nagulat ako nung may biglang magsalita. Si Boss Vice, minsan iniisip kong may nilagay na tracking device to sa katawan ko.

" Wala lang, nag-iisip lang ako," tiningnan ko lang sya sagit at binalik ang tingin ko sa mga taong dumadaan

" May problema ka?" Sunod na tanong niya.

" Wala nga, makulit ka po Sir noh?" Tiningnan nya ako na parang di kumbinsido sa sagot ko. Tumabi sya sa akin sa upuan. Siniko nya ako nang mahina, "Hoy! Dali na sabihin mo sa akin,"

" Urong ka po sir, alam mo naman maraming tsismosa dito," saway ko sa kanya. Ako nalang umusod palayo sa kanya. Pero sadyang makulit ang boss ko at umusod din palapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko, napapansin kong nasasanay na sya sa gawain yun. Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mata. Parang pilit binabasa kung anong tinatago ko. Inipit nya sa likod nang tainga ko ang umalpas na buhok sa pagkakapusod ko. Nagulat ako at gusto kong pamulahan sa ginawa nya. Ngunit narealize kong walang reason para kiligin sa gestures nya.

" Edi ichismis nila ng ichismis hanggang maagnas bibig nila," natawa ako ng malakas sa sinabi nya. " O, ayan! Maganda sa'yo ang nakangiti at nakatawa. Halika ka na akyat na tayo sa office," bago pa man ako makaprotesta ay nahila na nya ako papasok sa elevator. Kami lang dalawa sa loob, napansin kong hawak nya pa rin ang kamay ko. Hihilahin ko na sana nang bigla nya lang akong yakapin. " Kung ano man yang iniisip mo at nararamdaman mo, sana kahit sa yakap na'to maabsorb ko kahit konti nun,"

Vicerylle ONE-SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon