A/N: So this is just the effect of TTLS for me. Wala sanang mangbash or anything. Gusto ko lang sabihin ang nasa isip ko, kasi di ako makakamove on dahil wala pang closure na nangyayari samin ni Lyric :'((( HAHAHA de joke. So eto na start na.
---------- ---------- ---------- ---------- ---------- ----------
It's been a week or so nang matapos ko ang story na ito ni pilosopotasya and nakaka tatlong other stories na kong natatapos yet, di pa rin ako makamove on!
Yung feeling na nakikipagtawanan ako sa friends ko then maiisip ko si Lyric and kikiligin ako pero putek, then naaalala ko kung ano ang nangyari sa kanya magmula nung tungkol kay Ces, bigla na lang akong maiiyak, pero eto ha, hindi sa pagiging exagge pero totoo to, hindi bastang iyak na luha ang lumalabas sa akin, kundi dugo, de joke HAHAHA.
Pero ang totoo, humahagulgol talaga ako sa pag iyak, as in hagulgol yon ha! Then maghahalumpasay sa lapag at maaalala silang dalawa.
Minsan nga pag kakanta ako, makakanta ko na lang yung mga kinakanta ni Ces at ni Lyric together then magtatap ng kung ano mang pwedeng itap at mag giguitar like na pose at sisigaw ng "PARA SAYO TO NOTARIO!" Kaya nga minsan, nawiweirduhan na sakin ang mga kaklase ko eh.
And mostly, pag tinitignan ko yung mga calligraphy works na natapos ko na, talagang malulungkot ako, coz yung mga gawa kong yon ay connected talaga ng bongga sa TTLS.
So iyon LANG naman ang naidulot ng TTLS sakin. Yun lang, ge bye. HAHA, de joke lang.
Pero, gusto ko lang bigyan ng hustisya si Lyric KO at ako, de joke, hineram ko lang siya kay Ces, balik ko na lang later, or kahit wag ko na ibalik. Hihi, shh lang kayo.
Hindi ko talaga alam kung sino ang dapat sisihin kung bat nagkandaleche leche ang buhay ni Ces at ni Lyric, coz at first, si Ces talaga ang may kasalanan sa mga padalos dalos niyang pagdedesisyon, dahil syempre nakilala niya si Lyle, pero putek lang, ang sisisihin naman dun ay si ate Lily pero mauungkat ng mauungkat ang past and so on.
Then, I have come to think na si Ash ang may kasalanan pero hindi rin eh, dahil si Boss ang may kasalanan.
Oo tama, si Boss nga talaga. Pero hindi rin, actually ang tadhana talaga ang may kasalanan. Siguro ganto:
Half- Tadhana
1/4- Boss
Then the other 1/4 ay hahatiin para sa mga characters right?Pinakanakakainis kasi ay ang connection! Oo (yes, right, agree at kung ano ano pang word na nagsasabing "sumasangayon ako!") ang daming advantages ng chain reaction pero dahil dun, nagkanda leche leche ang buhay ni Ces, Lyric KO, na hineram ko kay Ces pero ibabalik ko rin mamaya or better yet wag na lang, at ang buhay ng mga supporting characters pati ANG BUHAY KO!
Hindi bitin ang ending, totoo. Dahil hindi ko nafeel yung feeling na "eto-lang-yung-ending-na-hinihintay-ko-bat-ang-bitin-naman-feeling"
So inuulit ko, hindi bitin ang ending! Pero nakakainis dahil hindi makatarungan para sakin! Kasi parang isa o dalawa lang sa kanila ang naging masaya diba?
Ayokong maging spoiler so di ko na sasabihin ang ending.
Siguro kaya ako nagkakaganito kasi para sakin, lahat ng mga oras, panahon at lahat ng sakripisyo ng bawat karakter sa istorya ay nasayang. At kung sino pa yung kontrabida, yun pa yung masaya! Asaaaaaaaaar!
Ang sakit kasi eh. Sobra sobra.
Pero sabi nga nila, kung ano ang dapat na mangyari, ay mangyayari dahil nakatadhana na ito.
Ang pangit lang kasi nakasulat na sa isang libro kung ano ang mangyayari sa buhay mo at ang maaari mo lang gawin ay mag go with the flow!
Tulad nung kina Ces, nakatadhana talagang mangyari yun sa kanya. Nakatadhanang masaktan siya, maging masaya at makaramdam ng pagmamahal.
BINABASA MO ANG
A Reader's Tambayan
Non-FictionGreat authors with great stories For authors and readers. Note: Kung iniisip niyo na masisiyahan ka sa tambayang ito, wag mo ng ituloy kasi mabobored ka lang. Joke! 😂 Ang tambayang ito ay punong puno ng recommendations at favoritism. If you're new...